25. Death Of Kamote

147 2 3
                                        

Nagpakitaan na ng kanilang kapangyarihan sina Transam at Kamote Rider 666.

Ginamit ni Rider 666 nang sabay ang anim na bala na may halong lason, ang kanyang, 'toxic vent'.

Tinanggap yun ni winged dragon of kamote. Sunod namang umatake si Transam gamit ang kanyang magic card na "shooting kamote", mistulang bulalakaw ang mga ito na bumagsak, inaatake nito si Rider 666.

Takbo nang takbo na may kasamang tumbling ang ginawa ni Rider 666. Hindi siya tinamaan. Gumamit siya ng 'strike vent' at isang malakas na tira ang kanyang pinakawalan papunta kay Transam. Hindi niya target ang winged dragon.

Hindi makaiwas si Transam sa atakeng iyon. Nagulat kasi siya dahil siya pala ang target sa tira ng kanyang kalaban. Bumagsak si Transam. Napa "Ohhhh..." naman ang mga tao.


"Kaya pa?" Tanong ni Rider 666.

"Wala to, sige Winged Dragon of Kamote, atakehin mo ang kalaban!" Utos ni Transam.

Sinugod ng dragon si Rider 666.

Ginamit naman niya ang 'assist vent', may lumabas na sea dragon at nagsagupaan ang dalawang dragon.

Nagulat ang mga manonood sa naglipanang dragon.



"Galingan mo Botybear!" Sigaw ni Shin habang sinasakal sa leeg si Brian.

Sunod na nilabas ni Transam ang ikalawa niyang malakas na baraha, ang Obilisk The Kamotetor. Isang dambuhalang halimaw ang lumabas at kanyang ginulpi si Rider 666. Nawasak ang baluti sa katawan ni Rider 666 dahil sa tinamong pinsala.

"Kaya pa?" Si Tansam naman ngayon ang nagtanong.


Nakakatayo pa naman si Rider 666 kahit papano. Bumunot siya ng bala, "survive" mode. nagpalit siya ng panibagong baluti.

Sinugod ng dalawang lord of kamote si Rider 666 survive mode. Nagpakawala siya ng shotgun ngunit daplis lang ang pinsala sa mga ito.

Hinablot at dinakdak si Rider 666 at binalibag na wari walang buto. Ilan sa mga nakapanood ay napapikit at nakikiaray sa nangyari kay Rider 666.



Sa audience nama'y napapaisip bigla si Brian sa kanyang nasaksihan. Habang nakikita niyang nasasaktan si Rider 666 ay unti-unti itong tumitibay. Saan kaya siya kumukuha ng lakas para lumaban?

Napatayo naman si Shin sa kinauupuan, akmang aalis ito.

"Saan ka pupunta brod?" Tanong ni Brian.

"Ahm kasi, natatakot ako sa ginawa nila kay Botybear. Ayokong makita siyang nasasaktan dahil---" Hindi na tinuloy ni Shin ang sasabihin dahil nagmadali na siyang umalis.

Brian: :-\  Parang ako lang din kanina ah.


Nahirapang makabangon si Rider 666.

Tinapakan ang kanyang ulo at sinubsob paibaba. Napasigaw ang mga tao.

"Ano ba 'yan, parang hindi makatao ang laban!" Puna ng epal na madla.

"Itigil na yan!" Sabi nung isa ring epal.

Nakaramdam ng hiya si Transam nang mga sandaling iyon kaya itinigil niya na ang paggulpi kay Rider 666. Sandaling katahimikan. Lumapit si Transam. Nakita niyang hindi gumagalaw ang kalaban.

"Is he, ahm, dead?" Jana in a shaky voice.

"Uy! Spybot...", Natakot si Transam, hindi lang niya pinahalata.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon