"Handa ka na ba mahal na Reyna?" Paniniyak ni Erick.
"Nakahanda na ako, Erick." Ang sagot naman ni Inday Lor.
"Kamoteman, simulan na natin!" Sabi ni Erick sabay hablot sa kanyang usb wire/connector sa kanyang kam navi, "Human transfer, plug in!" At ikinabit niya na ang usb na ito sa isang laptop.
Gusto kasing makita ni Inday Lor si Mary Joy. At dahil lubhang malayo ang kinaroroonan ng kanyang tinitirhan sa Land of milk, naisip ni Erick na gamitin ang transportasyon sa pamamagitan ng kanyang kam navi na si Kamoteman. Ang kam navi na ito ay parang gameboy pero mas hitech ito dahil nag-iinteract ang navi sa kanyang operator. Minsan na rin itong ginamit ni Erick nung lumahok siya sa Kamote of the Philippines laban kay Transam.
Ang human transfer naman, isang paraan para ilipat ang operator sa isang lugar nang hindi nag-aaksaya ng oras. Para rin itong portal ni Krish kaso, sa kuryente dumadaan ang mga taong nagnanais na lumipat sa isang lugar. Hihigupin ng kam navi ang kanyang operator pati na rin ang nasa katabi kung naaayon sa kagustuhan ng nasabing operator. At ngayon, sina Erick at Inday Lor ay nakarating na sa lupa ng gatas.
Erick sound effects --- ( selecta tone ) ten tenen ten ten tenen ten ten tenen ten ten tenen, tenenenentenentenentenen
"Narito na tayo, mahal na Reyna." Masiglang sabi ni Erick, "Narito sa malaaaawakkkk na bukirin ang main store ng aking pinaka-idol na si Mary Joy!"
"Ang ganda naman pala ng kanyang tinitirhan, mga magagandang tanawin ang nakikita ko at kay dalisay pa ng hangin na nalalanghap ko." Nakangiting sabi pa ni Inday Lor.
"Kung anuman iyang nakikita mo ay kabaligtaran naman sa pag-uugali ni Mary Joy. Malalaman mo lang yan kapag nakaharap mo na siya." Tila may ipinahihiwatig itong si Erick ha.
Kanilang pinuntahan ang main branch ng tindahan ni Mary Joy. Ang tindahan ng prinsesa ay punung-puno ng mga paninda. Andito na sa Sari-sari Store niya ang botika, hardware, food at non foods market, mga apparel at iba't ibang kasuotan pati na rin karenderia ay narito na sa kanyang tindahan. Ang tawag dito ay Mary Joy's Sari-sari Store. Kaya naman pala maraming branch na ito dahil big timer naman talaga siya. Nakakapagtataka, nasa bukid pero lumago ang tindahan? Kamote nga naman oo.
Nang makarating na sina Erick at Inday Lor, wala silang makitang pinto sa tindahan. At dahil hindi na iba kay Erick ito, alam niya kung paano makakapasok.
"Open sesame!" Ang kanyang wika. Bumukas ang magkabilang haligi. May magandang pasilyo na gawa sa purong kahoy ng kamote na pininturahan ng Boysen at nilagyan ng mga palamuti. Dumaan silang dalawa. Maraming mga taong mamimili. Kinabahan si Inday Lor baka hindi siya paunlakan ng kanilang sadya. Meron lamang siyang napapansin, ang mga nagtatrabaho sa tindahan na ito ay mga babae lahat. Hindi lang yan, sila ay magkakamukha pa.
"Sweet angels ang tawag sa kanila." Sinabi na lang ni Erick para hindi magmukhang ignorante si Inday Lor, "Sila ang mga clones ni Mary Joy, kawangis niya at singsama rin ng pag-uugali. Akala ko nga nung minsang nagkausap kami, hindi raw niya kailangan ng makakatulong sa pagtataguyod sa kanyang tindahan dahil sa kanyang pagkakuripot pero tingnan mo nga naman, nagpagawa pa ng clones. Ibang klase talaga yang si Mary Joy." Dagdag pa niya.
"Ahm, sa dami ba nila, sino kaya sa kanila ang tunay na Mary Joy?" Palaisipan ito ni Inday.
"Hindi mo na kinakailangang isipin yan dahil ang pakay na natin ang kusang lalapit sa atin." Malaki ang kumpiyansa ni Erick.
"Hoyyyy! Erick!!!" Ang sigaw ng babaeng nasa ikalawang palapag, "Kaytagal na kitang hinahanap ah! Bakit ngayon ka lang nagpakita? Hamo, bababa ako! D'yan ka lang ha, wag mo kong tatakbuhan... May atraso ka pa sa akin eh. Dyan ka lang!!!" Walang preno sa pagtatalak si Mary Joy.