130. Provoke A Kamote

45 1 2
                                    

Kamote Nexus movie


"Kyaaaa!! Ha-halimaw!!" Malabaliw na sigaw ni Jenicka nang makakita ng kakaibang halimaw. Ito ay mga anyong kalabaw na may mukha ng baboy, binti ng kabayo, apat na sungay, nanlilisik na mga mata at ungol na masakit sa tainga. Anong klaseng hayop kaya ang mga ito na nasa sa walong bilang?

"Anong palabas ba ito Colgate, cross breeding ng club nyo?" Si Prinsepe Jazz.

"Pwee! Nang-iinis ka ba?" Asar ang boses ni Colgate.

"Pwede ba umayos kayong dalawa! Nasa bingit na tayo ng kamatayan ngayon tapos nag-aaway pa kayo!" Kahit takot ay nakuha pang manermon ni Jenicka sa dalawa. Natauhan naman ang dalawa na ngayo'y nakatuon na ang pansin sa walong halimaw.

"Tsk, mapapalaban ata ako ng wala sa oras nito." Sabi ni Colgate sa sarili pero naririnig iyon ni Prinsepe Jazz. Napasinghap siya dahil wala siyang ideya kung ano ang binabalak nito sa mga kalabang halimaw.

"fffff!" Ang ungol ng mga halimaw na ngayo'y pumalibot na sa tatlo.

Nawalan ng lakas ang mga tuhod ni Jenicka kaya napaupo siya sa gitna nina Colgate at Prinsepe Jazz.

"Andiyan na sila, maging alerto ka!" Babala ni Colgate sa prinsepe. May unang halimaw na sumugod dito, si Colgate ang sumangga rito. Nakakabigla man ngunit nagawa niyang pataubin ang halimaw na ito na sampung ulit ng bigat sa timbang niya. Hindi na nag-agam agam si Prinsepe Jazz, di niya na pinigil ang sarili na ikubli ang kanyang lakas... Maging siya ay nagpamalas din ng kakaibang bilis ng pagsuntok at sipa sa mga halimaw, napatumba niya yung tatlo sa loob ng sampung segundo.


Jenicka:  X﹏X ( nganga sa pagkagulat )

Colgate: Hindi ko alam na magaling ka pala sa martial arts Tol.

Prinsepe Jazz: Nananalaytay sa dugo ko ang pamilya ng magagaling sa pakikipaglaban. Ikaw, san nagmula ang lakas mo?

Colgate: Hindi na kailangan ng dugo ng magagaling o pagsasanay... Ipinanganak talaga akong bayani.

Prinsepe Jazz: Hambog.

Colgate: Mayabang!

Jenicka: Guys, ilag! ( naputol ang pagtatalo ng dalawa nang muling umatake ang mga halimaw sa kanila )

Colgate/Prince Jazz: Q_Q   Q_Q

"ffff!" Sumugod na nga ang mga halimaw sa kanila.


Samantala naman, sa lugar malapit sa kinaroroonan ng mga bida, magkasamang naglalakad pauwi sina Hero at Angelica. Sa araw na ito sinundo na si Hero ng kanyang nobyang anghel. At habang sweet na sweet silang naglalakad, napansin ni Angelica ang kakaibang simoy sa paligid kaya naman huminto sila sa paglalakad...


"Bakit, may problema ba my Angel?" Tanong ni Hero.

"May kakaiba akong nararamdaman sa bahaging iyon, my Hero..." Sabi naman ni Angelica sabay turo sa isang kalsadang nagmistulang ghost town sa tapat nila.

"Parang napansin ko nga." Nakacross arms pang sabi ni Hero, "Nasaan ang mga tao riyan at bakit wala akong maririnig na kahit na anong ingay?"

"Lalapitan natin."

"Uy teka sandali lang my Angel, baka mapanganib ang tatahakin natin diyan!" Pigil pa ni Hero pero hindi siya pinakinggan ng kasama... Oo nga pala, ba't nga ba ako mag-alala sa kanya eh isa naman siyang Diyosa... Naman oh.

Ang dalawa ay pumunta sa kalsadang napakatahimik. Pagdating nila roon, may nakita silang parang hamog na kulay itim na siyang nagpapadilim sa paligid. Pinaglalaruan nun ang kanilang mga mata. Para silang nasa lugar na pinagsamang siyudad at gubat. Kasunod nito ay ang pagdatingan ng mga halimaw. Ang halimaw na ito ay katulad ng sa mga sumalakay sa kinaroroonan nila Prinsepe Jazz.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon