160. Kamote Battle Of Not Human

14 0 0
                                    

Here's the answer. Ang karugtong ng laban nina Chen at ni Prinz Sniper...




"Hindi maaari. Nalalagasan na tayo ng kakampi!!" Exaggerate na pagkakasabi ni Dhen. "Parts, mamimiss kita..."

"Ano ba, huwag ka ngang magsalita ng ganyan, Dhen, tinatakot mo ako eh." Saway naman din ni Marquee sa kanya.

Ang ilan sa mga Nexusians ay hindi makapagsalita. May napapalunok ng laway at may mga nalungkot.


But what was really the real score? Ito ang katanungan ng lahat ng nandito at ng maging sa mga nanunood nito ng live!

Dreamer: Ok mga kaibigan, para malaman po ng lahat ang tunay na pangyayari, ipakita na po natin ang life points nina Chen at Prinz Sniper!

Nasa screen yung life points ng dalawa at ikinabigla pa ng lahat na hindi man lang nagalaw yung kay Chen kahit na sumabog na yung katawan niya. So ang ibig sabihin lang nito ay... may chance pa.

"Teka, ano yan? Kalokohan!" Anas pa ni Sniper na tila ayaw paniwalaan yung nasabing life point. Sure na sure kasi siyang tinamaan niya si Chen at kahit yung mga manunood ay tiyak na ganundin ang pagkakaunawa sa labang iyon.

Dreamer: Mga kaibigan, isa lamang po ang ibig sabihin nito. Hindi pa patay si Chen! Yeheeey!!! ( bias host )

Mukhang masaya pa si Dreamer niyan at maging yung mga audiences ay nakahinga na rin ng maluwag sa magandang balita.

Pero nasaan naman ngayon si Chen? Surprise ba?

Mula naman sa kung saan ay bigla nalang na may lumitaw mula sa likuran ni Sniper nang hindi niya inaasahan. Lahat ng mga audience ay napapa-react dahil sa biglaang pagpapakita ni Chen ngayon nang hindi nila inaasahan. Nasurpresa sila ni Chen.

"FIRE BULLETS!" Sabi pa ni Chen nang kanyang tirahin gamit ang malabaril niyang daliri si Sniper.

Chegegegegggegggegg!!!

"Uraaaaahhhh!" Sapol doon si Sniper dahil nga hindi niya inaasahan ang atakeng iyon. Awtomatikong nabawasan na rin siya ng isa pang life point.

"Yun oh!" Dahil sa sobrang excite ay napapatayo pa si Haring Hero.

Masama ang pagkakatitig ni Chen kay Sniper ngayon. Hindi bumagsak si Sniper sa kabila ng pagbabaril sa kanya ni Chen at mukhang hindi rin siya nasugatan o kahit duguan man lang sa mga sandaling iyon. Saan ba gawa ang balat niya?


"Hangal ka!" Usal pa ni Sniper.

"Ngayon, pareho na tayong may iisang life point nalang na natitira. Sino nga kaya sa atin ang makakapuntos sa huli?" Seryosong pagkakasabi ni Chen. Kunsabagay, siya naman yung tipong hindi nagpapaligoy ng direksyon.

"Sabihin mo, paano mo nakayananang makaligtas doon sa pag-atake ko sa iyo? Nandaya ka ba?" Gigil na pagkakasabi ni Sniper.

Kaunting katahimikan na muna dahil pati ang lahat ay gustung-gusto na ring malaman ang katotohanan kung paano nga iyon nangyari.

"Simple lang naman ang ginawa ko. Humiwalay ako sa sarili ko at nagtago. Pinalabas ko lamang na nandun pa rin ako sa kinatatayuan ko nang tamaan mo ako ng mga laser. Hindi ako tao kaya madali lang sa akin na iwasan ang ganoong pangyayari." At naipaliwanag naman din ni Chen although hindi naman ito masyadong detalyado.

"He! Gawain ng isang hindi tao pala ha." Winika naman ni Sniper. Ngayong nauunawaan niya na kung ano ang nangyari, oras na para siya naman ay magseryoso na rin. Hindi na siya tatakbo o magtatago pa at haharapin niya na ang babaeng nasa harapan niya.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon