May karuwahe na huminto sa tapat ng kastilyong buhangin. Bumaba ang dalawang lalaki at nilapag ang red carpet. May bumaba sa sasakyan na nakagayak ng mamahaling kasuotan na nag-uumapaw sa kintab. Diretso ang tingin at binibini kung kumilos. Halatang prinsesa na tinuruan ng pagiging maharlika.
"Mr. guard, akin na yung Hermes bag ko..." Pauna niyang sabi, "Kunin ko lang yung Victoria's Secret ko para maging presentable ako sa mata ni Kaito Kun."
Mapamoso yung alindog ni Prinsesa Purple. Panay pacute niya sa salamin niyang hawak. Kaya naman pala binansagan siyang 'miss 360'.
Dahan-dahang naglalakad na para bang sinusundan siya ng camera. Pagkatapos, may aninong dumating na humarang sa kanyang daan. Naging listo ang mga kawal, tinutukan nila ng shotgun ang lalaking nakaitim pero mas mabilis itong kumilos. Kinarate niya ang mga ito at pinatumba nang walang kahirap-hirap.
"Sino ka?" Kahit natatakot ay graceful pa rin ang aura ni Prinsesa Purple.
"Mersenaryong mandaragit, taglay ko ay hagupit... Ako si Spider, kaanib ng kadiliman..."
Dumating si Spider at kinidnap ang prinsesa?
Bakit kaya?
Habang nakikipaglaban si Kaito sa mga halimaw na ibon, may bumukas na kurtina sa kanyang harapan at saka naroon ang Tv screen na singlaki ng basketball court. Tumambad doon ang lalaking nakaitim na mata lang ang nakikita. Tumigil sa pag-atake ang mga ibon.
"Hello, boy, I want to play a game." Si Spider ang nasa screen. "Dalawang babae ang nasa bingit ng kamatayan, ( pinakita sa screen sina Nanah at prinsesa Purple ), mamili ka sa dalawa kung sino ang iyong ililigtas. Narito ang hour glass... Kapag naubos ang buhangin, tapos na ang oras. Kung wala kang nailigtas, hindi ka karapat-dapat mamuno sa Kamote. Ipakita mo sa akin kung sino si Prinsepe Bubblegum."
"Tsk!! Isang laro? He.!. Wala naman akong pakialam kung mapahamak yang dalawang iyan. Nagpunta lang naman ako para sa kamote crest. Pero dahil nariyan si Miss 360, siya ang pupuntahan ko..." Lumabas ang pagkamakasarili ni Kaito. Na off na ang tv. Sa kabilang silid na kinaroroonan nina Spider at prinsesa Purple...
"Anong masasabi mo?" Tinanong ni Spider ang prinsesa.
"Sapat na sa akin ang narinig ko. Kahit kailan hindi pala nagbago ang prinsepeng iyon! May paKaito- Kaito pa siyang nalalaman para hindi mapansing isa siyang prinsepe... Eh di niya ako maloloko dun. Pero sa nasaksihan ko, alam ko na kung kanino ko ibibigay ang kamote crest." Nakapagpasya na si Prinsesa Purple.
"Sigurado ka ba dyan?" May pagdududa si Spider.
"Ngayong natanong mo yan... Kunsabagay, hindi ko pa nakilatis yung babae. Mabubuhay kaya yun, Spider?"
"Hindi siya mamamatay..." Tila sigurado si Spider sa kanyang sinabi.
Sa bilangguan naman, may pumasok na isa pang sand monster na may dalang iba't-ibang klase ng patalim. Napalunok nalang si Nanah sa kanyang nakita. Balak yata siyang embalsamuhin nang buhay!
"A-ano po yan? Wag naman po kayong ano sa akin..." Nagpapanik na si Nanah.
"Galit kami sa mga tao dahil meron silang mga lamang loob samantalang kami puro buhangin lang. Para patas tayo, kailangang tanggalan ka ng laman..." May halong pananakot na sabi ng sand monster.
Nakahawak na siya ng chainsaw at pinaandar na iyon. Giniling giling naman ni Nanah ang kanyang katawan patunay na ayaw niyang mamatay. Dahil magalaw siya masyado, sininturon ang kanyang beywang. Nahulog ang kanyang kamoteball at bumukas iyon. Lumitaw ang kanyang megazord na si Kamote Froakie. Inatake nito ang mga sand monster gamit ang hydro pump! Nalusaw ang mga sand monster.
