3. The Kamote Ville

422 7 10
                                    

Naalarma ang lahat sa palasyo hindi dahil sa paglayas ni Prinsepe Jazz doon sa Malaysia kundi dahil sa nawawalang golden kamote.

Pinakalap na sa mga dalubhasa sa Google ngunit 'no results found' lamang ang tugon sa internet.

Sinuri nila ang cctv at sapul! Nalaman nilang nahulog pala ito sa balong malalim na abot hanggang sa inner core ng mundo.

Natakot si Haring Hero sa posibleng mangyari sa golden kamote, maaaring tutubo ito at kung magkataon ay pahirapan ito sa pag-ani.

"Yaya JL, tawagin ang T-brothers." Utos niya rito.

"Masusunod po." Agad din nagtemple run si yaya JL hanggang sa madala niya sa kinaroroonan ng hari at reya ang T-brothers...

"Inyong kamahalan." Ang bati ng tatlo.

Ang T-brothers ay mga magagaling na imbestigador sa kaharian ng kamote, mga tagalutas ng problema. Ito ay kinabibilangan nina Ydann-T1, Brian-T2 at ni Trams-T3.

"Meron akong iuutos sa inyong napakaimportanteng bagay na nawala... Ang golden kamote, ito ay nahulog sa balon. Nais kong ibalik ninyo sa akin ang golden kamote sa kahit na anong paraan." Panimula ni Haring Hero.

"Ngunit kamahalan, alam naman po nating lahat na lubhang mapanganib ang kaloob-looban ng balon." May pag-atubiling sagot ni Trams.

"Meron akong kilalang tao na makakatulong sa inyo." Tila nakahandang tugon ni Reyna Lor.

"Kung gayon, maaari nyo po ba siyang iharap sa amin?" May galang na sabi ni Ydann.

"Siya si Krish, may kakayahang gumawa ng portal. Ngunit wala siya rito. Doon nyo siya makikita sa Kamote Ville." Paliwanag ng reyna.

"K A M O T E   V I L L E ? ? ?" Gulat na sabay ang T-brothers.

"Nakakatakot naman dun sa lugar na yun." May nginig na sinabi ni Trams.

"Ayon sa alamat, ang mga kamote roon ay maybuhay at nangangain daw di umano ng tao." Ika ni Brian.

"Tama ka riyan Bry." Pagsang-ayon naman ni Ydann.

"Wag kayong mag-alala, sasamahan kayo ni Butler Seon papuntang Kamote Ville." Ani Haring Hero.

Si Seon ang nag-iisang butler sa palasyo na may pambihirang taglay na lakas at katapangan. Ito ang dahilan kaya marami siyang tagahanga babae man o uhh... y'know. Pati yung yaya ng palasyo ay di rin maipagkakailang nagkakagusto sa kanya.

TENENENeNeNe  ( foreshadow sa new character )

"Andito na si Seon." Sigaw ng madlang kawal.

"Hi." Bati ni Seon.

Reaksyon ng T-brothers...

T1 (:-|)

T2 ( :-X )

T3 (:-O)

"Seon, gabayan mo ang T-brothers sa pagpunta sa Kamote Ville." Utos ni Haring Hero.

"Matapang siya di ba, siya nalang kaya pumasok sa loob ng balon." Bulong ni Trams sa dalawa niyang brothers.

( "Narinig namin....") Epal ang madla.

"Hindi ko kasi trabaho ang maghanap." Katwiran naman ni Seon na tila may bahid na kapilyuhan.

"Oh siya siya, humayo na kayo sa Kamote Ville." Sabi ni Haring Hero.

"Vamonos!!!"...


Blah blah blah.nn

Lingid sa kaalaman ng lahat ay may isang prinsepe na tagong nakikinig sa kanilang usapan, si Prince Bubblegum.

Ang alam ng mga tagapalasyo ay nasa gathering ito ngayon ng INC. Pero hindi pala, nagkukulong lang siya sa hideout niya at gumagawa ng mga gown sketches para sa mga uhh... y'know.

"Golden kamote pala ha, kailangan maunahan ko sila sa pagkuha nun." Sabi ni Prinsepe Bubblegum sa sarili. At pagkatapos ay saka siya umalis sa palasyo patungo sa Kamote Ville.


Ang T-brothers kasama ang butler lulan ng karuwahe na Lamborghini ay agad na nagtungo sa Kamote Ville. Ang tatahakin nila ay tatlong bundok, malawak na ilog at samut saring nilalang na di mo sukat akalain na nabubuhay sa Pilipinas ang kanilang haharapin bago nila marating ang nasabing lugar.

Sa ibang dako naman ay nasa papawirin si Prinsepe Bubblegum sakay ng carpet na hiniram niya kay Aladdin. Friends kasi sila sa DOTA. Dahil dito'y mga 15 mins lang nang makarating siya sa Kamote Ville.

Sa tagal ng biyahe, nakatulog si Ydann, naghungry shark sa tablet si Brian at inaasikaso naman ni Trams yung kanyang english room business.

Sa kalagitnaan ng biyahe ay may narinig sila na sumisigaw ng "TULONG"!!!  Tumigil ang karwahe. Bumaba sina Seon at Trams. Di magising si Ydann sa pag-alog sa kanya ni Brian kaya bumaba na rin si Brian. ( ang totoo nagtutulug-tulogan lamang ito. )

"Ano 'yan?" Parang eng-eng na tanong ni Seon.

"Ngayon ka lang ba nakakakita ng dragon?" Medyo nagpapanik na sagot ni Trams. Banaag sa kanyang mukha ang takot na makakita ng higanteng dragon.

Sila ay nasa kasukalan nang makaharap nila ang dambuhalang dragon ng kanluran. Dagdag pa nito, nakita rin nila na hawak nito ang yaya ng palasyo na si JL. Nagtaka ang mga ito kung papano nanduon si JL. Aktong sasagipin na siya ni Seon nang bigla siyang pinatigil ni Brian at sinabing,

"Hindi matatablan ng rasengan o ng kame hame wave ang dragon na yan Seon. Ayon sa alamat, isang kiss lamang mula sa magiting na kabalyero ang makakagapi rito."

"HALIK??" Gulat sina Seon at Trams.

"Oh hindi!!!" Di makapaniwala sa narinig si JL dahilan para siya'y himatayin. Di niya matatanggap na maaangkin ng dragon ang labi ng kanyang pinapantasya!

Ayun! Nakipagpalitan muna ng suntok at sipa si Seon sa dragon bago niya nilapat ang kanyang namumutlang labi sa dragon at doo'y nangisay na ito. Nasagip nila si JL at dali daling isinakay sa karuwahe.

"Di ko akalain na mahahalikan ko ang butiking iyon!" Nandidiring sinabi ni Seon.

"Di ko rin akalain na sinakyan mo ang biro ko." Pagtatapat ni Brian, "Pero napatumba mo naman nang walang kahirap-hirap."

"Anong sinabi mo??" Sa inis ni Seon, sinakal niya si Brian pero kaagad na itinigil nang magsalita si Ydann...

"1 000 likes 10k+ comments at 399 shares yung pinost kong halikan ni Seon sa dragon sa loob lamang ng 10 minuto. TRENDING!"

"Arrrrrrrkkkk!" Ang tanging sigaw ni Seon, "Mga T-brothers nga kayo!!!"

Biglang bumalik sa katinuan si JL... "Nasan na'ko? Yung dragon?"

Ayun! Isang paliwanagan na naman sa kanila. Ikinuwento ni JL ang dahilan kung paano siya nakuha ng dragon. Gumamit siya ng summoning technique subalit hindi naman niya nakasundo ang dragon. Balak kasi niya na tulungan ang T-brothers sa Kamote Ville. Ang totoo'y gusto niya lang buntotan si Seon.

Pagkaraan ng mahaba-haba nilang paglalakbay ay narating din nila sa wakas ang Kamote Ville. Inabot sila ng dilim kaya kinailangan na muna nilang magpalipas ng gabi sa paghahanap kay Krish.



Anong klaseng pagsubok kaya ang naghihintay sa kanilang pagdating sa Kamote Ville?

Makikita kaya nila si Krish?

Mauunahan nga ba sila ni Prinsepe Bubblegum?

KAMOTE NEXUS

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon