83. Witch And Gate Of Kamote

86 1 1
                                    

Ang nakaraan sa Kamote Nexus...

Binasbasan ni Haring Hero ang isang laro na kung tawagin ay Kamote Hunt. Layunin nito ang mahuli ang limang tao na sangkot di umano sa kamote barrel scam. Sila ay sina Inday Lor, Erick, Mary Joy, Renneth at Harold. Kinulong sila sa loob ng Pandora's box at pinaghiwa-hiwalay ni Simsimi ( ang katuwang ni Haring Hero sa laro ) matapos nilang talunin ang Kamote Rangers Nexus.

Sa ikalawang laro naman ay tinalo ni Chen si Renneth, tinalo rin ni Libra si Harold. Ang laban nina K3U at Mary Joy ay hindi pa napagpasyahan habang ang laban naman nina Zoro at Erick ay hindi pa tapos. Nagwagi naman si Inday Lor sa laban nila ni Roy dahil sa pagdating ni Prinsepe Bubblegum at sa tulong na rin ni Lucifer. Ayaw namang payagan ni Reyna Angelica ang unti-unting pagkapanalo ng kanyang karibal kaya naman pinadala niya ang apat na anghel para kalabanin ang mag-ina. Ito ay sina Gabriel, Mephisto, Lovie at Seraphy ( lahat ng mga anghel na nababanggit sa istorya ay gawa-gawa lang ng may-akda... Hindi sila sn users ) na kapwa malalakas.

Sa kabilang dako naman, si Ydann ay balak na sumaklolo sa mag-ina dahil na rin sa payo ni Paulene. Makakasama naman niya sa misyon si Uel na estudyante ni Paulene. Samantala, hanggang sa mga sandaling ito, si Brian ay nawawala pa sa kwento. Ano na kaya ang nangyari sa kanya matapos siyang mapasailalim ng kapangyarihan ni Roy?

Balik sa realidad...

"Bisekleta?" Napanganga si Ydann sa nasabi ni Uel. Wala na kasi silang pagpipilian pa dahil wala na silang masasakyan papunta ng palasyo.

"Oo, bisekleta." Sagot naman ni Uel sabay kamot sa kanyang ulo. "Kung sasakyan natin ang bisekleta, tinatayang aabot tayo ng ** minuto sa ating bilis na ** metro kada ** minuto. ( numbers po yang asterisk ) Kung sakali mang meron tayong balakid sa daan, baka lalagpas pa tayo sa tinatantya kong oras. Kapag gagamit naman tayo ng short cut, marahil mas mapapabilis pa ang ating pagdating sa palasyo. Ano sa tingin mo Ya??"

"Bakit gagamit pa tayo ng bisekleta?" May panginginig sa boses ni Ydann.

"Teka nga muna, kung pagbabasehan ko ang anyo ng iyong mukha, palagay ko'y hindi mo nagugustuhan ang suhestyon ko. Matanong nga kita, marunong ka bang magbike?" Si Uel.

Hindi man sumagot si Ydann pero nasa kilos niya ang pagsagot ng oo. Nahiya pa. 

"Ganito nalang, sa ayaw mo o sa gusto, magbibisekleta tayo. Umangkas ka nalang sa likod ko ha." Yaya pa ni Uel.

No choice si Ydann, yan pala ang dahilan ng kanyang pag-agam-agam eh. Nyways, umangkas na nga siya kay Uel. Nakahawak sa balikat at pagkatapos ay sinimulan na ni Uel ang pagpedal. Akalain ba namang nagnakaw sila ng bisekleta ng iba?



Samantala naman, balik sa labanan nina Erick at Zoro...

"Gold fist!!!" Inatake ng kamaong yari sa ginto si Erick .

"Ugh! Agh!" Ang sigaw naman ni Erick. Tinanggap niyang lahat ang mga pag-atake ni Zoro. Gustuhin man niyang gumanti rito ay tila hindi na niya magagawa sapagka't hindi na siya binibigyan ng pagkakataon ni Zoro na umatake pa. Pagkaraan ng kanilang bugbugan scene ay natanggal na ang baluti ni Erick. Bumalik siya sa pagiging normal at nabitawan niya pa ang kanyang kam-navi. Pagkatapos ay napaluhod siya habang umuubo, dinaramdam ang mga natamong pasa sa katawan.

"Hindi yan mangyayari sa iyo kung hindi ka pumalag sa simula pa lang." Ang sabi ni Zoro, gamit niya kasi ang kamote pea stone of gold.

( insert ubo ) "Inaamin ko na mas malakas ka pa kaysa sa akin. Dalangin ko na hindi kayo magtatagumpay sa huli." Ang mga katagang iniwan ni Erick bago siya mawalan ng malay. Ilang sandali pa...

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon