31. Bad Sided Kamote

134 2 3
                                    

Hindi na maaawat ang taumbayan. Binato nila ng putik ang reyna. Pilit naman siyang tinatago ng kanyang mga bodyguards at saka isinakay sa camel. Kumilos naman si Angelica. Gamit ang kanyang cellphone, tinawag niya ang kanyang kaibigan sa langit na si Kabshiel. Biglang may lumabas na anghel sa kanyang cp. Tumigil ang mga tao sa pagkakita ng isang anghel.

"Ako si Kabshiel, angel of grace and favor." pakilala niya sa mga ito. ( Search Google )

"Kaibigang Kabshiel, maaari mo bang patahimikin ang mga taong iyan pabor sa mahal na Reyna?" Pakiusap ni Angelica.

"Oo naman kaibigang Angelica." Sagot agad nito. Pagkatapos nun ay umihip si Kabshiel ng kakaibang hangin na siyang nagpahinto sa sama ng loob ng mga tao. Sila ay huminahon at umidlip sandali. Ginawan niya ng pabor ang kahilingan ni Angelica. Bago umalis ang anghel ay pinabaonan muna siya ni Angelica ng isang kilong kamote. Wala ng problema.

"A-ano mo yung anghel na yun?" Halos mautal sa pagtanong si Reyna Lor.

"Friend ko sa Facebook mahal na reyna." Uubra kaya ang pagsinungaling ni Angelica? "Wag na kayong mag-alala, sa oras na magising ang mga iyan, hindi na nila maalala ang tungkol kanina."

"Salamat, Angelica," Bukal sa loob na pagkasabi ni Reyna Lor.

"Pero paano na yung ipinakita nilang video sa cp?" Singit ni Erick.

"Wala na rin yun, ginawan na yun ng paraan ng anghel ko." Panigurado ni Angelica.

Simula nun ay naging magkaibigan na sina Reyna Lor at Angelica. Bilang pagtanaw niya ng utang na loob ay isinama niya si Angelica pabalik sa airport. Dadalhin niya sa palasyo ang bagong kaibigan.

Mission accomplish si Angelica.


Si Angelica ay anghel dati na may kapangyarihan. Nang siya ay naging tao, binigyan siya ng limited na kapangyarihan sa langit. Misyon kasi niya dati ang bantayan si haring Hero noon.

Kailangan muna niyang magregister sa Talk n Text para makakuha ng power promo. Kaya nagluload siya para magkapowers.

Nang maghiwalay sila ni Haring Hero, si Gwapong Marine naman ang kumuha sa kanya. Ibang kwento na rin yun. Basta, si Gwapong Marine ang nagbigay kay Angelica ng cp na may contacts sa lahat ng anghel sa langit. Isa na rito si Kabshiel.

Wala na palang access sa Talk n Text si Angelica, na p-u-k kasi siya sa tagal na pamamalagi niya sa lupa. Ibig sabihin, hindi na siya makakabalik doon sa langit.







Balik ulit kina Aikie at Mommybear...

"Lake, Mountain, Kamote Palace." Hayan na naman si Aikie, "Nalampasan na po natin ang lawa, dinaanan na rin natin ang bundok. Saan naman po tayo pupunta ngayon?"

"Waaaaaaaaa..."

"Tama ka mlMommybear, sa palasyo nga ng kamote." Sang-ayon si Aikie. "May nakikita ba kayong kamote palace?"

Ay! Binali ko pala yung blue cursor, kainis kasi. Oh heto, ako nalang ang magtuturo.


Ang palasyo ng Kamote ay nasa bandang kaliwa lang nina Aikie at Mommybear. Kaso nga lang, sa kinatatayuan nila, aabutin ata sila ng isang oras kung lalakarin nila ang apat na kilometro. Abot tanaw lang kasi ang palasyo pero malayo kung lalakarin. Ano na gagawin nyo Aikie?

"Sabi po ng author isang oras pa raw bago natin marating ang palasyo." Nakaharap ulit sa kawalan si Aikie. "Meron ba kayong nakikitang sasakyan na pwede naming gamitin papunta sa palasyo?"

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon