14. Clash Of The Kamote

195 3 0
                                        

"Let the battle begin!" Said Jana as she face to the big screen, showing all the contenders.


On screen shows the 8 list of contenders facing for the semi-final round. The first to compete is...

Oo nga pala, hindi pa pala naipaliwanag ni Jana ang mga rules ng laro.


Heto na yun, dahil nasa semi-finals na nga tayo, meron na lamang walong natitira na maglalaban. Ang walo ay hahatiin sa apat, bale merong apat na set para sa dalawang maglalaban. Ang apat na mananalo ay sasabak sa grand finals. Ang dalawang mananalo ang tatanghaling grand champion. Oo, dalawa ang mananalo sa huli dahil sila ang isasama ni Brian papasok sa inner core!

Ang tema ng laro sa one on one battle na ito ay patungkol sa kamote since ito naman ang sinalihan nila.

"The first battle, Vincent versus Mavs Ranth Heart", Introduce by Jana, "Roll VTR."


Before they begin to battle, there shows a little story to each of them..


Si Vincent ang klase ng tao na medyo may pagkamoody, kapag ano ang nararamdaman niya yun din yung ugali niya. Lapitin siya sa mga tukso kaya wala siyang seryosong relasyon sa mga babae. Kilala rin siya sa tawag na Nexus Black sapagka't kabilang siya sa grupong Kamote Rangers Nexus. Sumali siya sa Kamote of the Philippines upang ipakita sa lahat ang kakayahan niya sa larangan ng pangangamote. Siya rin ang napili ng kanyang teammates dahil naniniwala sila sa potensyal ni Vincent na mananalo.


Si Mavs Ranth Heart naman ay may pagkatalakira... Sa kanyang bunganga naman ang dahilan kung bakit marami siyang kaibigan. May sense of humor din siya at palakwento sa kanyang mga kaibigan. Kung makakasama niyo lang siya, hindi kayo magsasawa sa kanya. Kaya siya sumali sa larong ito upang ipamalas sa lahat ang kanyang angking galing sa pangangamote di lang sa pagkain o pagluluto. Ang Mavs din ang tawag sa Kamote Artist. Tandaan, kung ikaw ay magaling magluto ng kamote, ang tawag sa iyo ay Mavs. Goodluck!


Pagkatapos ipakita sa madla ang side story ng dalawang manlalahok, ngayon ay nasa entablado na sila at magbabattle.

Siyempre, ang mga supporters ni Vincent ay nandun...

"Go Vincent, kaya mo yan!" Sigaw ni Fita.

"Andito kami nakasuporta sayo." Sabi ni Nanah.

"Irirecord ko sa kamote phone yung mga fightings mo Vincent!" Sabi naman ni Gal.

".." magsasalita pa sana si Rhay pero tinakpan na nina Gal at Nanah ang kanyang bibig kasi alam na nilang may hindi magandang salita ang lumalabas sa bibig nito.


Request din kasi ito ng ating mahal na hari na ipagbawal yun... Rated SPG ang story.

Sila ay nakaupo sa front seat ng entablado.

Samantala, nandun din naman ang mga tagasuporta ni Ranth Heart, sina Haru, Transam at Iyrah...


"Go for the goal Mavs." Cheer ni Iyrah.

"Galingan mo Bhie." ang sabi naman ni Transam.

Di na patatagalin ito, its showtime!!!



"Ako na muna ang mauna, buksan ang pinto ng alimango, Cancer Kamote." Sabi ni Ranth gamit ang kanyang gold key kamote.

Nilabas naman ni Vincent ang kanyang kamoteball para tawagin si Kamote Darkrai.

Nagsilabasan na sila ng kapangyarihan.

Sino ang magwawagi, ang Megazord ni Vincent o ang kamote spirit ni Ranth?.?


"Tingnan natin ngayon kung sino ang mananaig, ang Kamote Ranger o ang Kamote Spirit Mage." May panghahamon na salita ni Ranth.

Unang umatake si Kamote Darkrai gamit ang dark confusion. Napabagasak niya ang spirit ni Ranth.

"Wag ka munang magpakasaya dahil nagsisimula pa lang ang laban." Sabi niya, "Buksan ang pinto ng baka, Taurus Kamote!"

Sumugod si Taurus Kamote gamit ang kanyang double edge axe. Gumamit naman ng dark guard si Kamote Darkrai bilang panagga. Hindi tumigil sa pag-atake si Taurus Kamote hanggang sa tuluyang nasira ang shield ni Kamote Darkrai.


Nakakita ng butas si Taurus Kamote at doon niya tinira ang kalaban. Bumagsak si kamote Darkrai pero agad din namang bumangon. Sunod niyang ginamit ang dark haze. Hindi nakayanan ni Taurus Kamote ang ataking iyon kaya siya natalo.

Tinawag naman ni Ranth ang malalakas niyang kamote spirit na sina Aquarius Kamote at Scorpio Kamote nang sabay.

Uminit bigla ang atmosphere ng entablado dahil sa nangyaring sagupaan.

Sa ganda ng laban halos di masabayan ni K3U ang sound effect.

Malaki ang tinamong pinsala sa katawan ni Kamote Darkrai pero nagawa pa niyang makabawi at kanyang tinapos ang dalawa niyang kalaban bago pa siya tuluyang bumagsok at hindi na makabangon.

Nalungkot ang mga rangers sa sinapit ng kanilang kasamahan. Pero hindi pa rito nagtatapos ang laban, tinawag ni Ranth ang mga natitira pa niyang kamote spirits upang labanan si Vincent. Sinuot naman ni Vincent ang kanyang black shades na ginamit niya dun dati sa kamoteng saging. Nagmistulang si Cyclops siya ng X-men sa pakikipaglaban sa mga kamote spirits.

Samantala, may mga nanonood palang kalaban nang mga sandaling iyon...

"Tingnan mo nga naman ang dalawang naglalaban, mga kapwang kamote na naghahangad ng kaunting pabuya." Sabi ni Angelica habang pinapanood ang laban ng dalawa.

":imp: :joy: Hayaan mo na sila. Sinuman sa kanilang dalawa ang mananalo ay hindi importante iyon basta ang mahalaga, hindi mauuwi sa wala ang ating mga plano :thumbsdown: :mask:", Sabi naman ni Death.



Sa kinahulihan ng laro, ang nanalo sa labang ito ay si Mavs Ranth. Mas marami kaya siyang alagad kontra kay Vincent na nag-iisa lang.

"Thank you for that great performance, Mavs Ranth Heart and Vincent." Said Jana, "And now, let see what the Judges' comments, Miss Kamotedite?"

"Sa ipinakita ninyong dalawa, meron naman kayong potensyal sa paggamit ng kamote. Pareho kayong mahuhusay. Ang masasabi ko lang, good job... Galing, bigyan yan ng cd..." kumento ni Kamotedite.

"Thank you Miss Kamotedite. And now let us see the dashboard for their scores..."



Kamotedite: 7 - 8

Kamothena: 7 - 9

Kamote Jackson: 9 - 9

Vice Ganda: 0 - 1


"Scores from left is from Vincent and Ranth for the right. It is cleared that the winner is Mavs Ranth Heart... Congratulations and you may now proceed to the final round." Applauded Jana.



Nagsipalakpakan ang mga tao nang matapos na ang laban sa pagitan nina Vincent at Mavs.

Sino naman kaya ang susunod na maglalaban?

Ang round 2 ay malalaman nyo na sa susunod na kabanata.

KAMOTE NEXUS

Kamote NexusMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon