78. Chen Of Kamote

76 0 0
                                    

A/N: Time to shine muna para kay android Chen. Ang kabanatang ito ay para sa kanya. For a change magpapahinga na muna si author. Android, simulan mo na ang pagkwento...

Chen's PoV :)

--- Isa akong android na ginawa upang pagsilbihan ang aking amo. Iyon ang nakaprogram sa utak ko kaya naman sinusunod ko kung ano ang iniutos sa akin gaya nung una akong lumabas sa Kamote Nexus. Nang ako ay tinurn over sa palasyo, bigla kong naisip, "Ano pa kaya ang silbi ko sa palasyo na ito?" Sa kagustuhan kong malaman ang kasagutan na iyon, sumama ako sa misyon nina Brian at Kuya Dan na iligtas ang mahal na hari. Sabi nila, ang haring iyon ang namumuno sa palasyo at sa bansa. Kung gayun, ang hari na iyon ay posibleng magiging amo ko. Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para makatulong sa aking mga kasama na itinuring ako na hindi iba sa kanila. Ang sarap palang magkaroon ng ganitong pakiramdam na magkaroon ka ng kaibigan. Hindi ko akalain na sa kanila ko ito matatagpuan. Okey sige, simula ngayon ay araw-araw na akong magpupost ng mga inspirational at friendly qoutes sa Smartnet.

Matapos ang aming misyon, doon ko unang makita at makilala ang mahal na hari.

"Ikaw pala si Chen, ang android sa grupong nagligtas sa akin?" Ang kanyang sabi na para ba akong nastarstruck sa boses niya.

Ang mahal na hari na kumausap sa akin, parang nakatama lang ng jackpot sa lotto. Ang mahal na hari, siya ay nagtataglay ng karismang hindi mo mapapansin sa una nguni at malalaman mo lang ang kanyang sex appeal pag matagal mo na siyang makikita. Tutok na tutok kasi ako sa maamo at masayahin niyang mukha. Ang kanyang buhok ay napakalalaking tingnan na medyo may angas ng kunti. Ang kanyang mata ay para bang dinuduyan ka sa simpleng titigan lang. Ang kanyang ilong na tama lang ang tangos. At meron siyang dimples na ako lang yata ang nakakapansin. Higit sa lahat, ang bagay na kung saan ako medyo kinakabahan ay ang kanyang manipis na labi. Bagay nga naman sa kanya ang tawaging mahal na hari. Balik sa realidad.!.

"A-ahn. A- ako nga p-po..." Ang nauutal kong sagot. Halos hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya ng matagal.

"Ang kyut mo naman. Mahiyain ka palang android. Ako nga pala si Haring Hero." Nang marinig ko ang kanyang sinabi, para akong nanigas. Ewan ko ba kung bakit ko ito nararamdaman. Iniabot niya ang kamay niya sa akin para makipagkamayan. Tinanggap ko iyon. Sa hindi maipaliwanag na pangyayari, bigla akong kinabahan?! As in dumadagundong yung metal kong puso nang mga oras na iyon. Ganito rin ba kaya ang nararamdaman ng normal na tao? Bakit sila nakakaramdam ng ganito? Isesearch ko yan sa Google.

"Okey lang ba sa iyo na tawagin kitang Kyut?" Nakangiting tanong sa akin ng hari.

"K-kayo po ang bahala." Wala akong ideya kung bakit ganun na lang ang tawag niya sa akin. Pero sabi raw sa alamat ni Brian, ang cute ay binabanggit lamang ng isang tao sa isang bagay, tao o hayop na kanyang nagugustuhan. Ibig bang sabihin, gusto ako ng mahal na hari?

"Yan. Kyut na ang tawag ko sayo ha. Boss na rin ang itawag mo sa akin, masyado naman kasing pormal na tawagin akong hari. Sabi pa naman ng mga kasama mo, magalang ka raw. Lagyan naman natin ng kunting angas." Yun ang paliwanag niya sa akin. Pagkatapos nun pinisil niya yung kaliwang pisngi ko bago siya nakipag-usap sa iba ko pang kasama. Hindi ko alam na meron na palang daga sa tiyan ko. Para rin akong uminit at nakuryente. Anong senyales na kaya ito? Magkakasakit na ba ako? Isang android, magkakasakit? Bago yun ha.

Yun na ang pinakamagandang alaala na sa akin ay itinago sa isip. Nang makabalik kami sa palasyo, ganun nalang ang pagkakabigla ko sa dami ng mga taong nakaabang sa amin. Ang laki pala ng tiwala at suporta nila sa mahal na hari. Aking nakita ang mahal na reyna na yumakap sa mahal na hari. Sa isip ko, napakagalak niya at magkasama na silang muli. Mabubuo na ang kanilang pamilya. Ayos lang sa akin yun nang bigla ko na namang makita ang ginawa ni mahal na Reyna Angelica kay Boss, binigyan niya yun ng "kiss" sa labi pa. Oo alam ko na mag-asawa sila, ngunit para bang nakaramdam ako ng panliliit sa sarili. Nag-iba yung pakiramdam ko, parang magkahalong inis at bugho. Alam ko. Alam ko yun. Alam na alam ko na mag-asawa sila. Pero bat ganun? Ayokong makita silang magkaganun.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon