59. The Kamote Paradise

89 0 0
                                    

Ang nakaraan sa Kamote Nexus...

Binasbasan na ni Reyna Lor ang Royal Knights na kambal na sina Mark Alvin at Mark Lester gayundin ang grupo na kinabibilangan nina Ydann, Brian, Krish, Dhen at Chen.

Sila ay nagtungo sa Rizal para bawiin si Haring Hero sa kamay ng masamang si Mistress Mikanjane. 

Ang grupo ay nagdesisyong kalabanin ang pitong demonyo ng Kamote Sins upang makita nila ang Kamote Dark Mansion na kinalalagyan ngayon ni haring Hero.

Nagapi ng mga bida sina Beelzebub - demon of gluttony at si Mammon - demon of greed. Si Asmodeus - demon of lust naman ay umanib sa mga bida. Ngayon ay tutungo na sila sa ikaapat na pwesto, sa Kamote Paradise.

Sa kabilang dako naman, si Reyna Lor ay ginawang katulong ng palasyo gamit ang Geass ni Roy. Siya na ngayon si Inday Lor. Ang kanyang trono naman ay pinalitan ni Angelica na siyang tinuring ngayon ng buong bansa na reyna. Nagsimula na rin si Prinsesa Maricon na pumasok sa Kamote Kingdom.



At ngayon, balik na tayo sa kwento...

Ang mga bida ay nasa isang lugar na kung tawagin ay Kamote Paradise. Pangalan palang, masasabing isa itong bakasyunan o pahingahan. Ang Kamote Paradise na ito ay isang resort, magara ang lugar dito kaya marahil mamahalin ang kung sinumang magbabakasyon dito. Hindi naman ito gaanong sikat sa kadahilanang hindi masyado nasisikatan ng araw dito, kaya naman hindi to maaninagan ng kagandahan...


"Hnmmmn, ang ganda naman ng simoy ng hangin dito! Tamang-tama ang makapagrelaks muna pagkatapos ng ating inuman." Sabi ni Dhen habang iniikot ang paningin sa paligid. Nasa Snail Inn na sila ngayon.

Pumayag kasi ang lahat sa suhestyon ni Asmodeus na magpahinga na muna sa Snail Inn at mag-enjoy habang hindi pa nila nakikita ang isang demonyo na nagbabantay sa lugar na ito.

Di lamang yan, kapag libre, hindi ka talaga makakatanggi. Mapera kasi si Asmodeus at sagot niya ang upa nilang silid. Bagaman wala silang dalang pera, nagtungo na muna sila sa pamilihan ng mga damit panligo at ng iba pang damit at gamit sa paglalakbay. 

"Laking pasasalamat namin at nakasama ka namin Asmodeus, isa kang demonyong hulog ng langit!" Puri pa ni Brian.

"Baka demon in disguise." Sabat naman ni Ydann.

"Wag nyo nga siyang tawaging demonyo." Sita ni Krish, "Ang bait kaya niya sa atin... Anghel siya no."

"Aysus! Palibhasa binigyan ka ng pusa." Singit naman ni Lulu na nakacross arms.

Pagkatapos nilang makapamili ay nagsibalikan na sila sa Inn. Nagbihis na rin kasunod nun. Maya-maya lang ay nasa labas na sila papuntang beach. Sa isang malaking mesa naroon ang kanilang mga gamit. Dahil medyo mahal sa Kamote Paradise na ito, meron silang private assistant na babae at lalaki; si Den-den at Moshi. Nakilala lamang nila para umassist sa kanila.

"Hay... Ang lamig naman ng tubig na to." Sabi ni Marquee, tumampisaw na siya sa tubig-dagat.

"Pano mga kasama, maliligo na ako." Sabi ni Asmodeus habang tinatanggal ang kanyang sando. Napatutok tuloy sa kanya ang ilan, "Sinong gustong sumama?"

(  insert evil smile )


DHEN/MACKY :   A k o !!!

"Tara na dun!" Sagot agad ni Asmodeus sabay turo sa malawak na dagat. Nagkandarapa naman sina Dhen at Macky sa pagsunod.

"Yan kasi, bukod sa maputi na ang balat, gwapo pa ang mukha, may maipagmamalaki pa siyang katawan. Bagay na nagugustuhan ng mga babae at ng binabae." Nakasimangot na sabi sa sarili ni Brian.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon