Sa labas ng Pride...
"Ayon sa alamat, ang Jungle Bites na ito ay tahanan ng mga mababangis na hayop. Ang hari nila ay si Simba na isang liyon. Ang kanilang sinasamba naman ay si Satan..." Kwento ni Asmodeus sa kanyang mga kasama. Hiniram muna niya ang malaalamat style ni Brian dahil absent siya sa eksena na ito. In all fairness, hindi bagay.
"Ang swerte natin dahil nagapi natin nang maaga ang kanilang hari!" Masigla na pagkasabi pa ni Krish.
"Kung gayun, si Satan na lang ang pagtuonan natin ng pansin ngayon." Dugtong naman ni Ydann.
"Wag tayong maging kampante dahil nandito tayo sa teritoryo niya." Saad naman ni Asmodeus... "Madali natin makilala si Satan kasi may ugali siyang katulad ng kay Saturnino Satanas na papansin at mahilig mambastos sa #all ng Smartnet at ng wall sa kanyang friendlist. Kaya kayo d'yan, mag-iingat kayo sa kanyang pag-atake.
"Nga pala...", Tinaas pa ni Prinsepe Bubblegum ang kanyang kanangkamay na waring nasa eskwela lang, "Maaari ba naming malaman kung anong klase ng kasalanan ang tinutukso ni Satan?" Sumang-ayon ang lahat sa tanong na yun ng prinsepe.
"Galit." Ang simpleng sagot naman ni Asmodeus.
Ngayong nasabi na ni Asmodeus ang katagang kinakatawan ni Satan, biglang nakaramdam ng kaba ang mga bida. May mga bagay na tumatakbo sa kanilang isipan na siyang nagpapagulo sa sitwasyon. Galit? Ang daming paraan para matukso sa galit. Kaya kaya nilang kalabanin ang demonyo na ito?
Samantala, puntahan naman natin ang mga kaganapan sa Kamote Dark Mansion. Si Leviathan ay bumalik sa batik-batik cave habang si Ralf nama'y naiwan sa mansyon. Dumating si Oni Kamote galing sa Tiki-tiki, nagmadali itong binalita kay Mistress Mikanjane ang nangyari sa demonyong nagbabantay doon na si Lucifer. Binato naman siya ng microwave ni Mistress Mikanjane na kasalukuyang nagpapainit ng meryenda. Ang daling mabago ang isip itong babae nato. Dinig din pala ni Ralf ang mga balita. Kahit nasa mansyon siya, parang nasa labas na rin siya dahil sa mga impormasyong nalaman niya. Kahit bago pa lang siya ay madali niyang nakuha ang loob ni Mistress Mikanjane. Susubukan niyang alamin ang background ng kalaban sa pamamagitan ng pagdikit niya rito.
Pumunta sa kanyang silid si Ralf. Tiningnan niya ang kanyang sarili sa harap ng whole body image na salamin. At pagkatapos...
"Ang kumampi sa kaaway ang tanging naisip kong paraan para mapalapit ako sa aking pagsasaliksik sa hiwaga ng kamote sins. . . Kung inaakala ni Leviathan ay napasailalim na ako ng katuksuhan niya, nagkakamali siya. Iniiwasan ko lang na mabasa niya ang nasa isip ko. Salamat sa kanya, naibsan na ang nararamdaman kong selos sa mga kasama ko, binigyan pa niya ako ng kapangyarihan gaya nitong hawak kong kamote blade. Nawa'y magawa ako nitong protektahan sa kamay ng masasama. Pasensya na sa mga kasama ko... kung nagawa ko man kayong talikuran, ito ay dahil may kailangan lamang akong gagawin. Alam kong maiintindihan nyo rin ito balang araw. Sa ngayon, kailangan ko munang alamin ang tungkol sa pagkatao ng kamote sins, ni Mikanjane at ng mga shadow kamote." Mahabang litanya ni Ralf. Confirmed! Nasa panig pa rin pala ng kabutihan si Brian eh.
Kinuha niya ang cp na android jellybean sa drawer. Regalo sa kanya ito ni Mistress Mikanjane kanina, halatang nagugustuhan siya ng kalaban. Binuksan muna niya ang mga features ng cp. Naglaro muna ng flappy bird bago niya dinalaw ang encyclopedia. Sinearch niya ang pitong kamote ng makasalanan hanggang sa tumambad sa kanya ang impormasyon sa mga demonyo.
"Ang mga demonyo na ito, mga dating anghel pala sila. Sa kanila pala nagsimula ang kasalanan at pinapalaganap nila ang kasalanang iyon sa pamamagitan ng panunukso sa mga tao! Pero, ano naman ang dahilan kung bakit konektado sila sa pitong dragon ball?... ( search search search ) Aha! Dragon ball... Ayon dito sa alamat, isa itong instrumento na nakapagpalabas ng mahiwagang dragon na nakapagbibigay ng isang kahilingan bawat taon. Sa bawat hiling na ibinibigay ng dragon, nakakalikha ito ng negatibong enerhiya na naiipon sa mga bola. Sa paglipas ng panahon, ang mga ito ay nabuo at dito na isinilang ang pitong demonyo ng kamoteng makasalanan. Ang Rizal pala ang siyang host sa pagdaraosan ng panunukso ng mga demonyo na ito. Kung ganun, sakaling matalo namin ang lahat ng mga demonyo na ito, ang Rizal ay paniguradong makakalaya na sa kadilimang gawa ng mga demonyo! Sina Leviathan, Satan at Asmodeus nalang ang natitirang demonyo sa mga sandaling ito. Kayang-kaya naming lutasin ang misteryo nato.!. Tama."...