What's wrong with this ugly woman? She knows nothing yet she easily reads what is on my mind... Wait a sec, could she be? Ang pagtataka ni Aeonne habang binibigyan niya ng matalim na tingin si Griezel. Napalunok naman ng plema si Griezel dahilan para mahulaan ni Aeonne na tama ang kanyang hinala. At dahil dito, sinubukan niyang kausapin ang kamote whistle blower na ito... Hey! If you really know my thoughts, you gotta be prepared for my next move. Know what, you didn't know what I can do. You see these people around? I can steal their souls whenever I want to including you... If you still remember what's happened to you a while ago then you gotta be aware this time. So, its your choice my darling, remain silence and I won't do harm to them...
Nananakot na si Aeonne nang hindi nalalaman ng lahat. Nasa kalagitnaan naman ngayon si Griezel ng pagdedisisyon kung ipapaalam niya ba sa lahat ang binabalak ng kalaban o hindi.?. Matandaang minsan na rin siyang nawalan ng malay na kagagawan ni Aeonme nang hindi niya namamalayan. Kung magagamit lang sana niya ng maayos ang kanyang kamote senses, hindi sana siya mahihirapan ng ganito. Biglang umagaw ng atensyon sa mga tao ang pagdurugo ng ilong ni Griezel. Na-nosebleed ata nang sinubukan siyang kausapin ni Aeonne sa isip nito.
"Zel, dinugo ka. Gusto mo ba na magbreak na muna?" Alalang tanong ni Ydann dito sabay hagod sa likuran ng kamote whistle blower.
"O-okey lang ako Dan, normal lang naman itong nararamdaman ko, dala lang siguro ito ng pagkakaba." Tanggi naman ni Griezel habang tinatakpan ang kanyang ilong.
I knew it! She can read my mind! Yung ngiti ni Aeonne, nakakaloko na, Now what you gonna do now, Pangeet?
Mas lalo pa tuloy umagos yung dugo sa ilong ni Griezel nang magsalita ulit si Aeonne gamit ang isip nito lalo pa't binabara na siya nito. Dahil kaya yun sa ito yung unang beses na magsalita ng tagalog si Aeonne kahit isang salita lang?
"Tawagin ang yellow cross!" Utos naman ni Senate President.
"Huwag na kayong mag-abala... Okey lang talaga ako. Ituloy nalang natin ang paglilitis." Tanggi well naman si Griezel sabay tingin sa T-brothers. Kung alam lang sana ng mga private investigators na ito na psychological stress na ngayon si Griezel.
"Kung gayun, itutuloy ko na ang pagtatanong. At gaya ng hiling mo, bibilisan na namin at nang matapos na ang kahangalang ito." Sumeryoso na ang mukha ni Trams. Tumango na rin si Ydann bilang pagsang-ayon sa kasama.
"Do what you want." Confident na pagkasabi ni Aeonne sabay tingin kay Gwapong Marine at nag-iwan ng magandang ngiti. Nagkatinginan na naman sina Ydann at Trams.
"Ikaw Marine, ito na ang huli kong patama sa iyo, kapag hindi mo pa ito masagutan ng tama ay tutuluyan na talaga kita." Saad ni Trams na may halong pagbabanta. Gawain ba talaga ito ng isang nagpapraktis ng abugasya? Hindi umimik si Gwapong Marine bagkus wala naman itong bakas ng pagkatakot...
"Magtanong ka na Trams, pinapatagal mo pa yung eksena eh." Inip na utos ng senate president. May gana pa siyang magreklamo eh extra lang naman siya sa paglilitis na ito.
"Bakit mo kinakalaban ang mga Kamote? Anong dahilan ng mga Isda para pabagsakin ang kaharian ng Kamote at ng pamumuno ni Haring Hero?" Sa katanungang ito ni Trams ay biglang tumahimik at naging mainit sa loob ng korte. May kung anong pwersa ang bumabalot dito. Seryoso effect lang?
"Maraming salamat sa tanong na yan Trams. Bago ko sagutin ang tanong, hayaan n'yo muna akong magpasalamat tutal huli na ito eh. Pinapasalamatan ko ho yung mga sponsors ko, hindi ko na kayo isa-isahin pa dahil sa dami nyo. Sa mga friends and relatives ko na walang sawang sumuporta kahit na ako pa yung kinikilalang pinakakontrabida sa palabas na ito, mahal ko ho kayo... Sa aking mga nasasakupan at sa aking mga kasapi, maraming salamat sa inyo dahil hindi niyo ako iniwan hanggang sa huli." Bati well si Gwapong Marine, sumushowbiz lang ang dating niya eh. With matching teary eye pa yan ha.
