Kamote Nexus movie
Erick/K3U sound and music effects: fmekt jtkti jw bkflh lgoooi
Sa isang malayong lupain ng bansa ay may lumitaw na sinag na nanggaling sa itaas. May isang hugis bolang bumagsak mula sa kalangitan. Ito ay isang sasakyan na kung saan lulan ang mga alien na sina Abetta, Tedeltha at Mogamma kasama pa ang mga mirage kamote. Oras na para sila naman ang maghahasik ng kasamaan. Walang mga tao ang nakasaksi sa kanilang pagdating kung kaya hindi napapansin ng lahat ang presensya nila maliban nalang sa isa.
Samantala, sina Brian at Trams ay nakarating na sa bagong gusali. Ngayon ay tinungo nila ang sinasabi ni Prinsepe Jazz kay Brian na magagamit nila sa pagsapit ng kaguluhan.
"Brian, halika sumunod ka sa akin." Ang sabi ni Berto na sumalubong sa kanila. Sumunod naman ang dalawa. Ngayon ay papasok na sila sa isang private room.
"Grabe, ngayon lamang ako nakakita ng ganito kagandang pasilidad." Namanghang sabi ni Trams habang pinapasyal ang mata sa tanawin. Oo nga pala, palibhasa bagong miyembro ng Kamote Club kaya ganun.
"Dapat mong ituring na yaman ang mga nakikita mo, mapalad ka Trams at napasama ka sa huling laban na ito." Seryosong sabi ni Brian. Napalunok na rin ng laway si Trams. Ramdam niya ang tensyon sa loob ng gusali. Bukod sa nasaksihan nilang spaceship ay nakita rin nila ang gumagalaw na katawan ni Kalfa.
"Ang tawag sa kanya ni Jazz ay Kalfato, isa na lamang siyang alien na kinukontrol ng remote control na ito. Nasa kanya pa rin ang mga abilidad bilang alien na magagamit sa labanan na maaaring mangyari." Paliwanang ni Berto. Tinanggap ni Brian ang remote control at ipinasa kay Trams. Nanlaki ang mata ni Trams sa natanggap.
"B-bakit Brye? Bakit sa akin mo ibibigay ang ganito kahalagang bagay?" Takang tanong ni Trams. Nakatingin din sa kanya ang ilang scientist.
"Malaki ang tiwala sa iyo ni Jazz at ganun na rin kami. Hindi man natin kilala ang isa't-isa, may pakiramdam ako na sa hinaharap ay magiging maganda ang samahan natin Trams. Sa hinaharap, binubuo natin ang T-brothers kasama si Ydann. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nun pero sana sa gagawin mong ito iigting ang pagiging matalik nating pagkakaibigan. Nakahanda ka ba sa responsibilidad na para sa iyo?" Paliwanag ni Brian habang magkahawak sila ng kamay ni Trams.
Napabuntung-hininga na muna si Trams bago sumagot, "Karangalan ko na maging bahagi sa huling laban at makakaasa kayong kaisa niyo ako." At tinanggap na nga ni Trams ang remote control.
"Kalfato, ipahiram mo ulit sa amin ang iyong lakas. May tiwala ang kamote sa magagawa mo." Ang sabi ni Brian sa alien. Hindi man alam ng diwa ng alien, may pakiramdam si Brian na naaabot ng tinig niya ang kalooban ng kaibigang alien.
"Brian, meron ka pang dapat na makita." Anang si Berto. Sumunod ulit sina Brian at Trams sa scientist hanggang sa marating na nila ang isang napakalaking mabasaging bola na nakabitin sa ere. Sinusuporta lamang ito ng mga nakakabit na wires sa bawat sulok ng building.
"Ang laki naman ng orb na iyan!" Manghang sabi ni Trams.
Sa laki ng gahiganteng bola na ito, kaya nitong lukubin ang buong isla.
"Ano ang laman ng napakalaking bola na yan Berto?" Taka si Brian.
"Ito ang pinagsamang kamote essence at mirage kamote na aming nilikom sa nakaraang digmaan. Utos sa amin ni Prinsepe Jazz na pag-aralan ang mga ito at baguhin ang properties na meron ito. Sa ngayon ay tapos na namin itong pag-aralan, may nagawa na rin kaming sample. Dito namin kinuha ang pag-extract papunta sa katawan ni Kalfato upang makagalaw siya ng ganun." Paliwanag ni Berto.
