47. War Of The Kamote Monster

114 3 2
                                    

Nagpalive broadcast ang mahal na reyna sa kanyang palasyo sa tulong ng TV5 network. Siya ay nagbalitang isinagawa na ang anti virus sa halimaw. Hinihintay pa lang nila ang ikalimang crest. Nakiusap siya sa mga taga Trece Merteres na tumulong sa paghahanap sa crest doon! Maging ang reyna kasi, hindi alam ang eksaktong kinaroroonan ng tahanan dati ng hari.

"Ranth., Chen, kung naririnig nyo ako, sumagot kayo." Kinakausap ni Nanah ang dalawa sa pamamagitan ng kanyang isip.

"Oo Nanah, naririnig kita." Sagot naman ni Ranth habang naglalaro ng croquet.

"Sinlinaw ng kristal ang signal." Sagot din ni Shin habang paakyat na sa palasyo ng Emerald City.

"Naipon na ang apat na kamote crest. Ang kay haring Hero na lamang ang hinihintay namin. May isa pa akong masamang balita, parating na riyan ang halimaw." Nag-alala ang tono ni Nanah.

Dahil dito, nagpaalam na si Shin sa mga kasama na kailangan niya ng magmadali para mahanap na ang kamote crest. Pumayag naman ang kanyang mga kasama na humiwalay siya sa mga ito.

Si Ranth naman ay binilisan din ang pagscore ng mataas para makuha niya na ang sagot kay Queen of Hearts.


Yung isa pang Spider na talagang may hawak sa ikalimang kamote crest ay tinungo ang lugar na kinaroroonan ngayon ni Ydann. Nagtapat na silang dalawa. Kumpara sa halimaw, tuldok lang si Spider.

"Hindi ko kakayaning makipaglaban sa isang higante gaya mo ngunit kailangang subukan kitang pigilan para hindi na mapinsala ang bayan na ito." Sabi ni Spider.

"Wag nyo akong pakialaman!" Sigaw ni Ydann habang patuloy sa kanyang ginagawang pagwasak sa madadaanan niya.

"Book!" Sabi ni Spider, "Remote control cellphone, lumabas ka!" Pagkasabi niyang iyon ay biglang naging tunay ang cellphone na nasa picture ng kanyang kamote diary. Ang cellphone na ito ay may pin na antenna. Ito ang kanyang gagamitin para isaksak sa katawan ni Ydann. Kapag napagtagumpayan niya yun, malaya niya ng makukontrol ang halimaw.

Tumalon si Spider ng mataas at saka niya sinaksak sa tuhod ng ginintuang balat ng nasabing halimaw. Pagkatapos nun ay biglang may lumabas na kung anong aura sa paligid ng katawan ni Spider. Ito ang kanyang uri ng kapangyarihan.

Ang kapangyarihang taglay ni Spider ay isang aura na kung tawagin ay 'Nen', isang klase ng kapangyarihan na nakukuha sa klase ng kamote na kanyang nakakain. Merong tatlong uri ng aura ang nabanggit na sa kwento. Kahalintulad ito sa chakra ni JL at haki ni Mikanjane. Parehong nakuha nila sa pagkain ng espisyal na kamote. Ang nen na ito ay nahahati sa anim na kategorya: ang transmitter, conjurer, enhancer, emitter, manipulator at specialist. Ang nen na meron si Spider ay ang specialist, ang pinakamalakas na category sa anim na kung saan saklaw nito ang lahat na uri ng nen category. Ang sandata ni Spider na kamote diary ang pinagkukunan niya ng kapangyarihan at dito nakasalalay ang pagbabago ng kanyang kapangyarihan.

Kayang-kaya niya ring baguhin ang istilo ng pamamaraan niya anumang sandali na kanyang nanaisin.

Sa pagkakataong ito'y nagawa nga niyang kuntrolin ang halimaw. Napahinto niya ito at inutusang lumuhod. Sumunod naman si Ydann. Nagkalat ang mga alikabok sa paligid.




Nang makarating na sa palasyo ng Emerald City si Shin, nagpakita na sa kanya si Spider.

Matapos naman ang laro nina Ranth at ni Queen of Hearts, nanalo si Ranth sa laro, dahil dito ay lumantad na si Spider sa kanyang tunay na pakay.

""Bakit??"" Nagkasabay sina Shin at Ranth Heart.

( Kay Shin ) "Binabati kita sa iyong pagkakita sa aking tirahan ngunit kailangan muna kitang isabak sa huling pagsubok para malaman ko kung karapat-dapat ko bang ibigay sa iyo ang hawak kong kamote crest."

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon