24. A Kamote Resolve

148 3 11
                                    

Nagkagulo bigla sa loob ng Araneta nang hindi na makontrol ni Ranth ang kanyang kamote spirit na si Ophiucus Kamote.

Lumabas ito sa battlefield at inatake ang mga manunood. Nagsipagtakbuhan naman sila. Buti nalang ay walang nasaktan. Ang mga upuan lamang ang giniba nito.

At habang nangyayari naman nang mga sandaling iyon ay biglang napaluhod si Ranth.

Nakaramdam siya nang may parang masakit sa kanyang tagiliran. Sumuka siya ng pagkaraming dugo at para bang nanlalabo ang kanyang mga mata.

*Papaanong?* Gulung-gulo niyang naisip. Wala naman siyang matandaang inatake siya ng kanyang kalaban ngunit bakit siya sugatan?

Maya-maya lang ay may narinig siyang mga yapak papalapit sa kanya. Tumingala siya upang tingnan kung sino ito. Napanganga at lumaki ang butas ng kanyang ilong nang makita ang prinsepe na nasa maayos na kondisyon!

"Sabi ko sayo galingan mo at wag kang mag-alinlangan di ba?" Paalala ni Prinsepe Bubblegum.

Nagkiskisan ang mga ngipin ni Ranth sa galit, "Anong ginawa mo sa akin?"

"Hmmm... Binabalik ko lang ang ibinigay mong sakit sa akin. Naramdaman mo naman di ba?" Sabi ni Prinsepe Bubblegum na may kasamang ngiti.

"Grrrrr! May sa demonyo yang pangangamote mo!!!" Di mapigilan ni Ranth na sumigaw.


"Oops! Hindi tamang pagbintangan ang kapangyarihan ko ng ganyan." Sabi ni Prinsepe Bubblegum at magpapakita na siya ngayon ng gilas, "Maiwan na muna kita at pipigilin ko lang tong ahas na ito."

Pagkuwa'y tumalon sa battlefield si Prinsepe Bubblegum. Kanyang inatake si Ophiuchus Kamote gamit ang sunud-sunod na bubble beams hanggang sa tuloyan na nga itong maglaho. Dahan-dahang nagsipalakpakan ang mga tao mula sa mahina hanggang sa lumakas ang palakpak. Iniangat ni Prinsepe Bubblegum ang kanyang mga kamay para kawayan sila.


Hindi na magawang makalalaban pa ni Ranth kaya itinigil na ang laro. Agad namang nagsipagdatingan ang mga medics para bigyan siya ng pangunahing lunas. Nilapitan siya ni Prinsepe Bubblegum matapos ang panggagamot sa kanya.

Inalok siya nito ng kamay. Nawala naman ang galit ni Ranth, gawa na rin sa pagpigil ng prinsepe sa kanyang kamote spirit. At yun nga, tinanggap niya ang kamay ng prinsepe. Nagsipalakpakan agad ang mga tao na may kasamang pagsipol.


Masaya silang nagkangitian.

"Nakahanda akong tanggapin anuman ang magiging hatol ng mga hurado." Bukal sa loob ni Ranth na pagkasabi.

"Ako rin, walang samaan ng loob, sports lang." Sagot ni prinsepe Bubblegum.

"Woww! Its a fantastic fight that I have ever seen in my life!" Appreciated Jana. "Did you enjoy the fight Araneta?!!!"

The crowd screaming





Erick/K3U  -+- kcbfhusjwdruwiqoxn



"And now, let us hear the Judges' comments. Miss Kamotedite?" Jana asked.

"Napabilib at napagulat nyo kami ng sobra lalo na yung paglalantad mo sa madla mahal na Prinsepe! As in wala kaming ideya na ikaw pala yung si Messiebabe. Nalungkot tuloy ang mga kalalakihan dun." Sabi ni Kamotedite. ( tawanan ang mga tao )...

"...Hindi nga nagkamali ang mahal na hari sa desisyong ituloy ang laban dahil talaga namang napakaganda ng inyong ipinakita." Patuloy niya, "At dahil dyan bibigyan ko kayo ng 5 stars."


Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon