67. The Seven Kamote Sins Epilogue

87 1 2
                                    

Muli na namang nagbalik sa Dark Mansion si Oni Kamote para ihatid ang balita kay Mikanjane ang pagkatalo nina Leviathan at Satan. Naghehair blower pa si Mikanjane nang mga sandaling iyon. Sa kanyang inis, kinuryente niya si Oni kamote...

"Grrr! Napupuno na ako sa mga alagad ni Hero ah. Hindi talaga nila ako tatantanan ha... Pwes, pag ako napuno, hindi lang ang mag-ina ang papatayin ko kundi, lahat ng mga kasapi ng kamote!!! Uubusin ko kayong lahat!!!" Wagas magbago ng mood si Mikanjane. Ang balitang ito ay narinig ni Ralf na tanging nakaupo lang at walang ginagawa... Pang mayaman style lang.

Tamang-tama dahil may notif na dumating sa kanyang Facebook...

*Si Ate Shine na sana ito.* Nasa isip ni Ralf habang in-on ang kanyang cp na bigay ni Mikanjane. At tama nga ang kanyang isip, si Scientist Shineley nga ang nagpost sa kanya ng mensahe...

Shineley to Brian: Ralph, ayon sa aking nakalap na impormasyon tungkol sa picture na sinend mo sa akin, isa itong uri ng bulaklak na kung tawagin ay 'walter rose', na hindi basta-bastang matatagpuan sa ating mundo. Napag-alaman ko na nanggaling iyon sa hell, isa itong bulaklak ng kasamaan. Meron itong sariling isip at pagkatao na napupuno ng negatibong pananaw. Kapag dumikit ang bulaklak na ito sa isang tao, kakainin nito ang utak at kaluluwa ng mabibiktima nito hanggang sa magiging pagmamay-ari na niya ito. Ganito katindi ang bulaklak na ito.

At siyempre, nagreply kaagad si Brian via mobile...

"Meron bang lunas para maibalik sa dati ang taong biniktima ng walter rose?"

"Meron naman. Kaya lang, lubhang delikado eh."

"Sige na Te Shine, sabihin mo na... ^_^"

"Bakit ba, may naengkwentro ka na bang ganyan? Naku ha, tigil-tigilan na yang pag-iimbestiga mo na yan, mapanganib na kaso ito."

"Kakilala ko kasi ang naging biktima ng bulaklak na yan, ayokong may mapahamak na tao, gusto ko siyang ibalik sa dati. Te Shine naman oh...sige na..." Parang bata kung makasuyo tong si Ralf eh.

"Oo na, tandaan mo to Ralph ha, kung sino man yang sinapian ng bulaklak na yan, ang kailangan lamang gawin ay sapuyan siya ng asin. Yun lamang ang makakapagpalaya sa kanya sa sapi ng walter rose. Sinasabi ko sayo, delikado ito."

"Asin lang? Bakit naman magiging delikado yon? Sige na nga...araming thank you Te Shine."

"Your always welcome Ralph, alagaan mo self mo."

Matapos ang convo nilang dalawa ay nakahinga na ng maluwag si Ralf. Pag-iisipan pa muna niya kung sa paano niya bubuhusan ng asin si Mikanjane, makapangyarihan pa naman yun lalo pa't kontrolado niya pa ang shadow kamote. Nang magsimula na siyang maglakad, biglang nakadama ng sakit sa kanyang ulo si Ralf. Parang may nagmamartilyo sa kanyang utak.

"Arrrayyyy!! Ark! Ang sakit!!" Ang kanyang sabi sabay hawak sa kanyang ulo.

"Hahahaha!" Tawa naman ng isang pamilyar na boses. Wala na itong hulaan portion gaya nung nakaraang kabanata.

"S-sino yan?" Tanong ni Ralf.

"Ako lang naman ito, ang demonyong nagbigay sayo ng kapangyarihan." Pakilala ng nasabing boses.

"Leviathan?" In shock na pagkasabi ni Ralf.

"Oo, ako nga... Bakit gulat na gulat ka yata? Tama, nababasa ko na sa isipan mo kung bakit... Akala mo tinalo na ako ng mga magagaling mong kasama ha, doon sila nagkakamali. Palabas ko lamang yon." Kwento pa ni Leviathan sa utak ni Ralf.

"N-nasan ka, M-Master?" Nagpalinga linga si Ralf habang dinaramdam ang sakit.

"Hehehe, nasa loob mo ako uy!" May nakakaloko pang tawa si Leviathan, "Kung inaakala mo na pakakawalan kita dahil umanib ka sa akin, nagkakamali ka. Gusto ko lang makakasiguro kung talaga nga bang kakampi na kita, naalala mo nung pumasok ako sa ulo mo? Nangitlog lamang ako roon sa utak mo bago kita pinakawalan. May mga pagkakataon kasi na hindi ko mababasa ang nilalaman ng puso ng aking binabasahang isip ng tao. Magaling kang magtago Ralf pero mas wais ako. Hahaha, isa man akong ahas ngayon na nasa loob mo, kayang-kaya naman kitang kontrolin laban sa mga paparating mong kaibigan!!" Madaldal masyado si Leviathan.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon