110. Yeil For The Kamote

41 1 0
                                    

Umatake na si Sunako gamit yung natitirang orbs sa kanya kina Ranth at Zaidac. Sa pagkakataong iyon ay hindi na kakayanin ni Aries Kamote na protektahan sila kung kaya nagawa na ni Sunako na tumagos sa malaulap na harang. Parehong nanigas sina Ranth at Zaidac nang makalapit na si Sunako sa kanila...



"Magpaalam na kayo sa isa't-isa." Sabi ni Sunako sabay hataw sa kanyang malaugat na latigo galing sa kanyang baluti. Napapikit naman sina Ranth at Zaidac dahil dito. Buti nalang hindi tumama sa kanila ang latigo dahil sumalag yung sandata ni Zoro na kakarating niya.

"Nasa timing naman pala ang pagdating ko dito eh." Nakangiting wika ni Zoro. Nabunotan naman ng tinik sina Ranth at Zaidac.

"I-ikaw?!" Nagulat lang si Sunako pero hindi ibig sabihin nun na nangangamba na siya.

"Ayos lang ba kayong dalawa Mavs?" Natanong na rin ni Roy sa dalawa.

"Nandito kayo at ligtas!" Masaya si Ranth na makita yung mga kasama niya.

"Nasaan na pala si Brian?" Alala naman si Zaidac sa isa pang kasama ni Roy.

"Nasa isda lab at kukunin niya roon si Dr Shineley para itakas." Sagot naman ni Roy.

"Mamaya na muna kayo magkumustahan, ako ang harapin niyo." Ang sabi ni Sunako sabay utos na sugurin ng mga orbs niya ang apat na kalaban.

"Ako na ang bahala riyan, light shield!" Ang sabi ni Zoro at nakalikha agad siya ng matibay na force field na gawa sa liwanag. Ginamit niya ang kamote pea stone ng liwanag kaya ito ang naging resulta. Bukod dun, dahil may sangkap na liwanag ang orbs ni Sunako, isa-isa iyong hinigop ng shield. Nang mapansin yon ni Sunako, inialis niya muna yung mga orbs sa shield at.

"Matibay ka ha, kampante pa ring sabi ni Sunako, "Tikman mo naman ngayon ang gagawin kong ito, "Spirit bomb, Sensui's bullet!!!" Yung mga orbs ni Sunako ay sumabog sa shield ni Zoro dahilan para masira ito.

"Ang lakas niya! Siya pala si Sunako!" Napamangha naman si Roy sa kanyang nakikita.

"Naturingan pa naman akong may mataas na ranggo, mas malalakas pa pala sa akin ang mga mabababang posisyon sa Isda Kingdom... nakakahiya ako." Ang sensitive naman ni Zaidac sa side na ito.

"Zoro, tutulong ako sa iyo." Nag-alok pa ng tulong si Ranth sa kabila ng panghihina niya.

"Kahit na magtulungan pa kayong apat, hindi ko kayo uurungan!" Ginanahan naman si Sunako sa takbo ng pangyayari kaya... "Sensui's riple shot!" Umatake si Sunako gamit yung orb na parang mga baril na tumitira ng mga matutulis na bagay. Gumamit ng kamote spirit si Ranth, si Leo Kamote upang umassist sa laban. Si Zoro naman gamit ang kanyang staff ay sinalag niya ang mga tira ni Sunako nang napakabilis. Halatang sanay na sanay na si Zoro sa stunt na iyon. Huminto na rin si Sunako sa pag-atake saka pinakiramdaman kung gaano kalakas itong lalaking kararating lang.

"Mukhang mas may ibubuga ka pa kung wala kang mga sugat ngayon. Malas mo lang dahil hindi ako magpapakita sa iyo ng awa." Seryosong tingin ni Sunako.

"Sige, gawin mo ang gusto mo. Basta ba'y walang sisihan kung sino sa atin ang mananalo." Nakangiting tugon naman ni Zoro. Nung nasa labas kasi siya habang nakikipaglaban kina Stix at Yemjee, biglang dumating sina Sunako at Gwapong Marine na tumulong para labanan siya. Naging apat laban sa isa ang laban. Dahil kay Gwapong Marine din kaya nadakip si Zoro. Baligtad na ngayon ang sitwasyon. Si Sunako naman ang mag-isang lalaban sa kanila.


"Loki, gawin mo na!" Utos ni Ranth sa kanyang kamote spirit. Sumugod naman si Leo Kamote gamit ang regulus magic nito. Sinabayan naman ito ng isdang agimat ni Zaidac, ang isdang toro na may pambihirang lakas ng pangangatawan.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon