Ang digmaan sa pagitan ng prinsesa ng pera na si Mary Joy at ang mag-asawang Acenz na sina Harold at Renneth ay nagsimula sa...
From the top.
Si Mary Joy, bago pa siya tanghaling prinsesa ng pera, siya ay nagtitinda ng puto cheese sa lupain ng mga gatas. Ang kanyang puto cheese ay gawa sa giniling na kamote na hinaluan niya ng kakaibang sangkap ayon sa kanyang napag-aralan sa witchcraft ( pangit kasi pakinggan ang tagalog term. Ak ak ak ) kaya naman mapapaheaven ang sinumang makakain nito. Dumami ang kanyang mga suki saanman siya magpunta kaya mabilis siyang kumita ng malaki hanggang sa nakapagtayo siya ng malaking tindahan na hanggang ngayon ay pinupuntahan ng nakararami.
Sa kabila naman, bago pa man din nakapagtinda si Mary Joy ng puto cheese ay meron ng Acenz House na nakatayo. Kilala ito sa larangan ng streetfoods na pag-aari ni Ace. Dahil namatay siya nung sumabak sa giyera ang mga marino at pirata 2 years ago, ang kanyang tindahan ay nahinto ng ilang araw. Doon sinamantala ni Mary Joy ang pagkakataon na maglako ng puto cheese. Nang muling buksan ang Acenz House, iba na ang nagmamay-ari sa tindahan na ito, yung mag-asawa na. Si Harold kasi ang nagmana sa naiwang tindahan ng kanyang amang si Ace. Para tapatan ang puto cheese ni Mary Joy, gumawa siya ng kakaibang streetfood na hindi pa natitikman ng lahat, tinawag niya itong kwek kwek, yung itlog na binalot sa arinang kulay kahil. Nilagyan ng pipino at seaweed. Ito ang delicacy na naimbento ni Harold.
Sa umaga, si Mary Joy ang naglalako, ubos agad. Sa hapon naman, si Renneth ang naglalako at ubos din.
Nakarating sa kaalaman ni Mary Joy na nakikipagkumpetinsya sa kanya ang mag-asawa kaya pinagbutihan niya ang pagbebenta. Sa hapon, buy 1 take 1 ang kanyang puto cheese. Di rin natinag sa kabila, 50% less kung dosena ang bibilhin ng kwek kwek. Ang kompetinsya na ito ay nauwi sa bangayan.
Una, kinaibigan ng mag-asawa si Mary Joy. Pagkatapos, siniraan nila ang asawa ni Mary Joy na nasa Middle East nagtatrabaho, meron daw itong kalaguyo dahil imbes paglalako ng puto cheese, pakikipagflirt sa mga kalalakihan ang inaatupag niya. Siyempre, nag-alburoto ang mga kuto sa ulo ni Mary Joy nang siraan siya kaya naman gumanti ang nilintik. Sinuri niyang maigi ang kwek kwek at nakitaan niya ito ng anumalya, ang itlog na ginamit ay sa pugo, pinalaki lamang ng harina. Ang balitang ito ay kumalat hanggang sa nahinto ang pagbebenta ng kwek kwek ni Renneth.
Ang sumunod na ginawa ng mag-asawa ay ang paggawa ng takoyaki, hindi naman ito naging patok sa mga Pinoy kaya hindi sila nakabangon agad habang si Mary Joy ay patuloy pa rin sa pamamayagpag.
Di nagtagal, ang Barangay Chairman ng naturang lugar ay nagsagawa ng Battle Royale sa dalawang pinakasikat na tindahan sa kanilang lugar. Ang mga tao ang magpapasya kung sino ang tatanghaling karapat dapat na magmamay-ari sa trono ng Best Seller!
Sa huli, ang nagwagi sa labanang iyon ay si Mary Joy. Pinarangalan na Best Seller ang kanyang tindahan. Siya naman, dahil kilala siya ng mga tao sa pagkakuripot, doon siya binansagang prinsesa ng mga pera. Hindi man nanalo pero nag-iwan ng puot ang mag-asawa kay Mary Joy. Tinanim nila sa kanilang isipan na hindi patas makipaglaban si Mary Joy dahil di umano sa mahika na kanyang tinataglay. Kung anu-ano na ang naimbentong streetfoods si Harold para makabangon. Buti nalang ay may mga tumatangkilik pa rin sa streetfoods at gawa na rin siguro hindi na naglalako si Mary Joy ng puto cheese. Ibang negosyo naman kasi ang pinasok niya, sa Mary Joy's store na parang mall.
"Ang laki naman pala talaga ng inyong galit kay Mary Joy, hindi ko alam kung sino ang nauna sa inyong magsiraan. Parte na yun sa negosyo eh. At least hindi kayo bumitaw na mag-asawa sa inyong negosyo kaya naman, saludo ako sa inyo." Ang sabi ni Inday Lor matapos marinig ang buong kwento. Tumango na rin si Erick.
![](https://img.wattpad.com/cover/9271353-288-k404294.jpg)