51. Operation Rescue The King Of Kamote

114 1 0
                                    

Sa bayan ng Rizal, ito ang mundo na hindi sinisikatan ng araw. Ang mga taong naninirahan dito ay sanay na sa dilim. Sa dulo nito ay may mansyon. Dito nakasadlak si haring Hero. Para siyang kinawawa ng mga shadow kamote. Hindi siya pinakitaan ng maganda. Siya ay tinorture. Oras-oras ay iba't-ibang pasakit ang kanyang dinaranas. Bugbog, kuryente, lublob sa tubig, papasuin, basta lahat ng klaseng pagtorture, natikman niya na. Tinrato talaga siya na parang hayop!

Matapos ang pagtorture, pumasok si Mikanjane. Nadatnan niyang walang malay si Haring Hero. Pinalabas muna niya ang kanyang mga shadow kamote at saka siya lumapit sa hari. Humithit siya ng fortune cigarette at kanyang binuga sa mukha ni Haring Hero. Umubo si Haring Hero nang malanghap niya ang usok na nanggagaling sa sigarilyo. Nagkaroon siya ng malay. Halakhak naman si Mikanjane.

"Ba-kit mo ba i-to gi-na-ga-wa sa a-kin?" Mahina ang pagkakasabi ni Haring Hero.

"Hahaha!!! Para sa akin, wala kang importansya. Pati ang iyong pamumuno, hindi ko naman yun habol na talaga. Ang talagang pakay ko kaya kita hinuli ay para ubusin ang lahi ng mga maharlika!" Seryoso si Mikanjane.

No comment ang hari...

..."Galit na galit ako sa batas na meron kayo sa bansang ito! Ang dami nyong utang! Doon sa mundo ko sa impeyerno, kami pa ang pinagkakautangan. Naisip ko, kapag nilipon ko ang mga maharlika sa bansang ito, ang lahat ng tao rito ay magiging pantay. Wala ng mayayaman. Kapag nangyari yun, paniguradong uunlad itong bansa. Bilang kabayaran sa maitulong ko, sisingilin ko ang Pilipinas, aangkinin ko ang kanilang mga kaluluwa! Di ba maganda yung naiisip ko, Boss?" Patuloy ni Mikanjane.

"Na-pa-ka-sa-ma mo!!!" Masyado pa ring mahina ang boses ni haring Hero.

"Hahahaha! Ang sarap kaya maging ganito. Nakikita ko na sa aking imahenasyon ang aking pagtatagumpay sa bansa na ito. Uunahin ko ang lahi mo, mula sa kaninunuan hanggang sa huling lahi na meron ka. Sa oras na maubos ang lahat ng mga maharlika, darating ang mga alagad ng dilim para mamuno sa bansang ito. Gagawin kong pinakamayaman ang bansa sa buong mundo." May ngiting nakakaloko si Mikanjane.

"Wag mong sak-tan ang mag-ina ko!" Galit man pero matamlay yung boses ni haring Hero.

"Ohws? Wag kang mag-alala dahil hindi mo makikitang mamatay ang mag-ina mo... Uunahin kasi kita!" Pagkatapos nito'y nagkakatitigan silang dalawa...

Nga pala, papaano nga ba nangyaring si Haring Hero at si Spider ay iisa gayong heto naman siya at nakakulong?

Si Spider ay nilikha ni Haring Hero sa kagustuhan niyang bantayan ang mga nasasakupang Kamote members. Habang nakakulong sa madilim na lugar na ito, ginamit niya ang kanyang kamote diary para ilipat ang lahat ng kapangyarihan na meron siya kay Spider. Sa madaling salita, wala ng lakas na natira sa kanyang katawan, isa na siya ngayong karaniwang hari. Inutusan niya itong tulungan ang mga kanexus niya. Nagawa niya yun nang hindi nalalaman ng mga kalaban. Gustuhin man niyang makatakas pero wala siyang sapat na kapangyarihan. Hindi kasi niya kayang kalabanin ang mga nilalang ng dilim. Ipinapaubaya na lamang niya sa mga taong gagawa ng paraan para mailigtas siya. Ganun kabuti ang mahal na hari.

Ang sama naman pala ng budhi ni Mikanjane eh. Uubusin daw niya ang pamilya ni Haring Hero.



Balik sa palasyo...

Pinuntahan nina Ydann at Brian si Reyna Lor para humingi ng permiso. Balak kasi nilang puntahan ang Rizal ngayon. Nang magkita ay pawang hindi mapalagay ang reyna sa dalawa. Bakit kaya?

"H-ha? Bakit niyo namang nanaising pumunta roon? Naroon na man ang aking mga royal knights eh. Baka malagay kayo sa kapahamakan niyan." Alalang sabi ni Reyna Lor.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon