Sa parehong araw naman sa nakaraang kabanata, ganito ang mga nangyari sa loob ng palasyo ng kamote...
Nagkaroon ulit ng isang meeting na dinaluhan ng mga may matataas na katungkulan sa bansa pati na rin yung ibang kasapi ng Kamote Nexus. Kanilang pag-uusapan ang tungkol sa Isda Kingdom.
Nasa harapan nila ngayon si Ydann at kasalukuyang dinidiscuss yung mga larawang naka-project sa malaking screen at ganundin sa mga laptop ng sinumang naroon. Ang mga larawang iyon ay imahe ng mga kasapi ng Isda Kingdom na binluetooth pa ni Zaidac bago siya umalis sa palasyo.
"Sila ang mga kasapi ng Isda Kingdom na hanggang ngayon ay malaya pa ring kumikilos. Hindi ibig sabihing nahuli na natin ang hari nila ay mawawasak na rin ang kanilang samahan." Salaysay ni Ydann, "Unahin na natin itong dalawang babae na susunod sa yapak ng elite isda na pinagkakatiwalaan ni Marine. Sina Stix at Yemjee. Para tulungan akong magpaliwanag, inaanyayahan ko si Griezel na magsalita ukol dito."
Tumayo naman si Griezel at nagpakilala sa lahat. Pagkatapos, kanyang sinabi sa lahat ang datus nina Stix at Yemjee. Nalaman din ng lahat ang kapangyarihan na mayroon ang dalawa. Pati hilig ni Stix na kumakain ng bubog ay naisiwalat din. Yung mga qoutes status na posts ni Yemjee ay hinimay din. Wala pa naman silang nakalap na ebidensya sa dalawa na pupwede silang hulihin dahil hindi naman sila sangkot sa kamote barrel scam.
Ang sumunod na pinakilala ni Griezel ay ang dalawang royal knights, sina Que-c at Razor. Ayon sa nakalap nilang datus sa dalawa, libangan daw nila ang manira ng moment sa #all at madalas sa minsan yung pagflood dito at sa wall ng isang SN user. Marami ng natanggap na ulat sa dalawa na hindi pa nagagawang solusyunan.
"Anong masasabi mo rito Brad?" Tanong ni Ydann sa mahal na hari.
"Hulihin ang dalawa at parusahan. Ituhog sa barbecue si Que-c at ipapurol natin ang utak ni Razor." Harsh yung pagkasabi ni Haring Hero.
"Pero di ba, kalaban din ng Que-c na iyon yung ibang flooders? Ang pinapatulan lang naman niya eh yung gusto ng may kausap." Anang isang extra sa meeting.
"Oo nga, baka pwedeng bigyan natin siya ng chance." Sang-ayon naman ng isa pang extra.
"Ok lang na bigyan ng chance basta huwag ng manira sa kwento." Ang sambit naman ni Reyna Lor.
"Ok, magtungo naman tayo kay Nissy, isang sekretarya sa Isda Kingdom. May nakakakilala ba rito sa babaeng ito?" Walang sumagot sa tanong ni Ydann. Si Griezel naman ngayon ang nagsalita...
"Nakaharap namin siya ni Brian nung tumatakas na kami. Matalino siya at marami siyang alam. Para siyang manghuhula dahil alam niya yung mga mangyayari pa lamang. Kaya lang, hindi ko gusto ang pag-uugali niya, masyado kasi siyang mapanlait at kung anu-ano nalang mga pangit na salita ang lumalabas sa bibig niya." Salaysay ni Griezel. Biglang tumahimik sa meeting room.
"Sa madaling salita, isa rin siyang bully." Tumpok ni Prinsepe Bubblegum.
"Nissy, mahilig ba yan manisi?" Punch line ba yun ni Haring Hero? Infairness walang tumawa.
"Ito naman si Rain, ang alam ko ay isa siyang butler ng Isda Kingdom. Hindi ko siya nakikilala ng lubos kaya wala akong alam na impormasyon sa kanya." Ang sabi ni Griezel.
"Ang sabi sa akin ni Zaidac, wala raw siya sa palasyo nung nangyari ang gulo. Inaalam palang ngayon kung nasaan siya nung mga panahong iyon. Si Steve naman, siya yung messenger ni Marine at tulad ni Rain, wala rin siya sa gulong nangyari." Kwento ni Ydann... "Si Sunako, siya yung alagad ni Marine na sanay sa multitasking. Siya yung pumapalit kapag wala yung isa sa trabaho. Kaya rin niyang pagsabayin ang north at south. Ang masasabi ko, pupwedeng siya ang pumalit kay Marine."