153. Writing A Kamote Story

37 0 0
                                    

"Kuya Brian, bakit po tayo bumalik sa silid-aralan na ito?"

"Ito ang magiging hideout natin Dreamer. Ok, balik tayo sa ating pinag-aralan ha. Nasabi ko na kung paano mapatakbo ang isang kwento, kailangan ng isang problema, hahanapan ng solusyon at tatapusin. Siyempre gaganapan iyon ng mga tauhan sa kwento, depende kung ilan ang gusto mong magiging bida sa kwento. Gaya ko di ba marami akong mga bida sa kwento at kung minsan naman ay nanghihiram pa ako ng mga imaginary characters." 

"Oo nga eh."

"Ang tauhan sa kwento, maraming pwedeng mangyari sa kanya sa takbo ng mga pangyayari depende sa kung ano ang mararanasan at makakasalamuha niya sa buhay. Maaaring may makakaibigan siya kahapon na pwedeng maging kalaban bukas. Pwede rin siyang matuto sa mga taong nakaenkwentro niya. Kung pag-uusapan naman natin ang magiging wakas ng kwento, nakadepende na iyon sa manunulat kung paano niya wawakasan ang kwento."

"Yung sa iyo nga Kuya hindi matapus-tapos eh."

"Ak ak ak, tama ka riyan, hayaan mo na Dreamer."

"May tanong po ako Kuya. Halimbawa po katulad nitong Kamote Nexus, ano po ba ang pamamaraan mo kung paano mo tatapusin ang isang kabanata tapos mag-umpisa na naman kayo sa isa pang kabanata? Paano n'yo po nagagawa yon?"

"May dalawang bagay akong isinaalang-alang kapag napupunta ako sa huling paksa ng kabanata. Kapag wala ng kasunod sa istorya, pwede kong tapusin ang istorya nang walang iniiwan na tanong o kaya naman iniiwanan ko ito ng dapat na aabangan para sa susunod. Madalas nag-iiwan ako ng mga tanong na waring tanong na rin ng mambabasa. Kung magwawakas ka ng isang kwento, maraming klase kung paano mo ito wawakasan; sa fairy tales nga nagwawakas sa happy ending at kung sa mga nobela at iba pang kwento sa aklat, may mababasa kang malungkot na wakas. Alam mo ba kung ano ang pinakanakakabitin na wakas ng kwento?"

"Ano po?"

"Yung hindi tuwirang pagkakasabi ng may akda na nag-iiwan sa mga mambabasa ng maraming katanungan. Halimbawa, ano na ang susunod na mangyayari? May part two ba ito? Yung tipong mga ganun. O di naman kaya, hinahayaan ng may akda na ang mga mambabasa na lamang ang mag-isip sa kung ano ang magiging ending ng istorya. Ang ibig sabihin lang niyan, nagugustuhan ng mambabasa ang istorya. Isa rin yun sa pamamaraan ng pagsusulat ng kwento Dreamer."

"Opo, dapat matutunan ko iyon Kuya."

"Ngayon naman ay ituturo ko sa iyo ang paraan ng pagsusulat ng nasabing kwento."

"Sige, game na po."

"Bago ang lahat, may ipapakita na muna ako ha." 

Sa desk ni Brian ay may lumitaw na imahe in 5D view na hologram ng isang kamote in dwarf size.

"Siya po si kuya Death, di ba kuya?" Kilala nga talaga ni Dreamer ang mga tauhan sa kwento.

"Tama. Si Death ay lumabas sa kwento bilang isa sa mga pinagkakatiwalaang alagad ni Gwapong Marine. Sumali siya sa Kamote of the Philippines at naging isa sa mga napiling kukuha sa golden kamote na noo'y nahulog sa balong malalim hanggang sa inner core ng mundo. Nang mabigo siya sa kanyang misyon ay pinatalsik siya sa Isda Kingdom sa kadahilanang hindi tumatanggap si Gwapong Marine ng mga palpak na alagad. Mula noon ay hindi na nagpakita sa kwento si Death. Ito ay ilan lamang sa mga nangyayari sa karakter ni Death. Ang tanong dito, paano ko naisusulat sa kwento ang karakter ni Death? Ikaw Dreamer, ano sa palagay mo?" Nagsimula na naman si Brian.

"Ah, eh, mukhang mahirap ata yan kuya eh." Pinagpawisang sagot ni Dreamer. Sandali namang napaisip si Brian.

"Mukhang kakailanganin ko na naman ng visual interpretation nito ah para maintindihan mo ang istorya." Napahimas si Brian sa kanyang baba.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon