9. Kamote Whereabouts

213 5 0
                                    

"Pa'no ka nakulong sa Kamoteng Saging, Haru?" Tanong ni Nanah.

"Habang nasa gubat ako, hinabol ako ng mga tuna hanggang sa makarating ako rito sa taniman." Panimula ni Haru, "Upang makatago ako, humiling ako rito sa puno ng KS na ikubli ako hanggang sa mawala na yung mga tuna. Dininig nito ang aking hiling. Kaya nga lang, hindi na ako makalabas kahit wala na yung mga humahabol."

"Magandang kuwento ha." Si Rhay, "Tuna, sa gubat? Kuwento mo sa pagong yan %-&:."

"Di ba may sinabi si Brian na mag-ingat daw tayo sa tuna," Paalala ni Gal, "Baka nagsasabi siya ng totoo."


"Oo nga." Pagsang-ayon naman ni Nanah.

"Tabi muna kayo, pasasabugin ko lang itong puno gamit ang aking rayban." Sabi ni Vincent.

Umangal pa nung una si Rhay baka may mangyaring masama kay Haru sakaling pasabugin nga ni Vincent ang puno. Kalaunan. Pumayag na rin siya, sumang-ayon din yung iba. Nang sumabog ang KS, nagflood ito sa #all at kasama na rito sa Haru. Nawala sa kanilang paningin si Haru.

"Hala ka do..." Sabi ni Fita.

"Patay na." Sabi ni Vincent habang kagat-kagat ang tatlo niyang daliri.

"R.I.P. nalang Haru." Sabi ni Nanah.

Nagbungkal ulit sila sa lupa at nakakuha na rin sila ng wonder kamote. Masaya silang naglalakad pabalik sa dalampasigan kung saan sila unang nakita sa isla.

At pagkatapos, gamit ang kamote cellphone ni Gal, tinawagan niya na si Krish para makabalik na rin sila sa palasyo.

Samantala, kasalukuyang naglalaba nun si Krish sa kanyang lingeree na Hello Kitty brand nang biglang tumunog ang kanyang cp. [ kasalanan ko ba kung iniibig kita di ko naman sinasadya ] ringtone ito.

"Si Lulu talaga, laging nangungulit." Ang sabi ni Krish. Hugas muna ng kamay bago kinuha ang cp, *unregistered number lang pala* Sa isip niya.

"Hello, kumusta... ayos lang ako, nasa bahay ako ngayon nag-aaral. Busy ako eh, tawag ka nalang mamaya. Bye..." Walang anu-ano'y ibinaba niya na ang cp. *sino kaya ang tumawag na yun?* Sa totoo lang wala siyang naririnig na boses sa kabilang linya. 'Kala niyo meron siyang kausap no?

*Ay, binabaan ako?* Sa isip din ni Gal.

"Oh, ano na'ng sabi ni Krish?" Tanong ni Fita.

"Heheeeheee, sandali lang daw, hintay na muna tayo." Nakangiting sagot niya pero pinlastik naman ang ngiti.

"Hay naku! Baka aabutin tayo niyan ng Tv Patrol sa paghihintay ha." Nagsimula na namang magreklamo si Vincent.

"Hello room?" Tinutukso ulit siya ni Fita.

"Guys pwede ba?" Embyerna si Nanah, "Matawagan nga si Hal-abeoje."


Sa palasyo naman, parelaks relaks lang si Brian sa kanyang kwarto kasama ang dalawa pang T-brothers nang tumawag si Nanah gamit ang isip. Muli, sa hologram ha.

"Apo Nanah, anong balita?" Bungad ni Brian.

"Abeoje, good news, nasa amin na ngayon ang wonder kamote." Kapansin-pansin ang sigla ni Nanah.

"Mabuti naman Bff," Singit ni Trams. "Bumalik na kayo agad at nang maipagamot na si prinsepe Bubblegum. Namimis ka na ni bespren panigurado."

"Excited na nga ako eh." Sabi ni Nanah, "Kaya lang, wala pa rin yung sundo namin."

"Uy! Apo Nanah, hindi ba kayo ginugulo ng tribu Wako-wako? Ng tuna?" May pag-alala sa mukha ni Brian.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon