114. Kamote Interval

36 1 0
                                        

Isang umaga sa kamote hospital, si Brian ay kagigising lang. Pakiramdam niya ay medyo mabigat ang kanyang ulo. Hinawakan niya yong kanyang dibdib na may bendahe. May kaunting kirot pa pero mabuti-buti naman ang kalagayan niya ngayon. May umagaw ng kanyang atensyon, nakita niya si Zoro na natutulog sa tabi niya, yung nakaupo pero yung ulo nasa higaan ni Brian. Halatang nakatulog sa pagbabantay.

"Para siyang baby..." Nakangiting sinabi ni Brian.

"Magkapareho kayo ng sinabi Ralph." Nagulat naman si Brian nang makitang nandun din pala sa silid na iyon si Dr Shineley habang nag-aayos ng mga bulaklak.

"Ikaw pala Te Shine... Yung tungkol sa sinabi mo, anong ibig mong sabihin dun?" Medyo na gets na ni Brian pero gusto niya pa ring marinig ang sasabihin ng doktora.

"Sinabihan ka niyang para kang baby habang natutulog ka." Nakangiti pang sinabi ni Dr Shineley, "Hindi pa yan umaalis mula ng dalhin ka namin sa kamote hospital. Isang buong araw ka ng natutulog." Dagdag pa ni Dr Shineley.

"Nakatulog ako ng isang araw? Kaya pala medyo masakit yung ulo ko. Bakit daw niya ako binabantayan Te Shine?"

"Ewan. Ang sabi niya, wala naman daw siyang ibang gagawin kahapon kaya nandito siya magdamag. Kasama namin sila Ydann, Paulene at Zaidac sa paghatid sa iyo sa ospital na ito. Sa tulong na rin ng isdang agimat ni Zaidac ay napabilis nito ang paghilom ng sugat mo. Hindi naman sila nagpagabi at nagsiuwian na sila." Paliwanag ni Dr Shineley.

"Anong petsa na pala Te Shine?"

"Dec. 30. Bakit?"

"Hehe, alam ko na te kung bakit ako binabantayan ni Zorochin... Niyaya ko kasi siyang magpunta kami sa Davao. Gusto yata nitong magbagong taon sa amin." seryoso talaga siyang makita yung diwata na sinasabi ko sa kanya nung nakaraang araw?

"Baka may iba pa kayong pinaplano niyan Ralph." Usi ni Dr Shineley.

"Ah-wala naman ate. ah, ang dami naman hong mga bulaklak. Ano bang meron?"

"Ano ka ba, para sayo yan. Nang malaman kasi ng mga Nexusians ang kalagayan mo, nagpadala sila ng mga bulaklak at pagkain mo. Yung iba naman ay dumalaw pa sayo." Ang sabi naman ni Dr Shineley.

"Ang mga Nexusians, binisita ako"? Parang praning sa narinig si Brian, "Ah- nga pala, binisita rin ba ako ni apo Nanah"?

"Yun ba yong ala Korean manamit?" Paniniyak ni Dr Shineley, tumango naman si Brian, "Oo. bumisita nga siya, nag-aalala nga siya nung malaman niyang nandito ka sa ospital".

"Tama nga ako, hindi panaginip yon."

"Ha? May sinasabi ka?"

"Ah eh wala ho Te." Naalala ko, kinausap ako ni apo Nanah habang wala pa akong malay. Ginamit niya ang kanyang telepathy sa akin. Naalala ko rin na sinabihan ko siya na mag-ingat kay Maricon dahil anak ito ni Apo Marine... Baka may binabalak din ito na masama. Pero ayon naman sa kanya, hindi pa raw sila nagkikita ni Maricon dahil wala na raw iyon sa hotel na kanyang tinutuluyan. Marahil nga umuwi na yon sa Isda Kingdom. Naku! Sa mga oras na ito, alam na niya ang nangyari sa ama niya!  "Te Shine, si apo Marine, ano na ang nangyari sa kanya?"

"Ang sabi sa akin ni Ydann nung nandito pa siya, nasa kamote dungeon na raw si Marine. Sa ngayon ay iniaayos pa ng korte kung kailan ang hearing sa kamote barrel scam. Si Haring Hero ay nagpaprescon na kahapon. alam na ng buong bansa na nahuli na si Marine". Pagsasaad naman ni Dr Shineley.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon