87. Kamote Punishment

60 0 0
                                        

Nagimbal ang lahat ng mga nasa labas ang unti-unting pagguho ng palasyo. Hanggang sa mga oras na ito, naglalaban pa ang dalawang babae sa buhay ni haring Hero. Kanino kayo pupusta? Ang laban sa pagitan nina Reyna Angelica at Inday Lor ay magsisimula pa lang.


Samantala, naglulukso-talon naman sina Haring Hero at Brian sa pag-iwas sa mga tipak ng mga nahuhulog na semento sa loob ng palasyo.

"Pambihira, bakit ba nangyayari ito sa kahariang ito? Kailan ba sila titigil?" Inis na si Haring Hero.

"Nangangamba ako, kapag nagpatuloy pa ito, baka dadami ang masasaktan. May mga tao pa rito sa loob ng palasyo. Baka makasama sila sa pagguho ng palasyo." Nag-aalalang sabi ni Brian.

Sandaling napahinto si Haring Hero, "Kaybait mong kaibigan Brye, iniisip mo ang kapakanan ng iba sa kabila ng nangyayari ngayon sa atin."

"Sa totoo lang natatakot din naman ako. Pero naibsan lang dahil kasama ko ang mahal na Hari... Dahil kasama kita." Positibong paniwala ni Brian.

"Kung ganun, gusto mo ba akong samahan hanggang sa matapos na ang gulong ito?" Nangingislap ang mga mata ni Haring Hero sa bahaging ito.

"Makakaasa kang nandito lang ako sa tabi mo, mahal na hari." Sensirong sagot ni Brian.

"book", nilabas na ni haring Hero ang kanyang kamote diary at nakahanda na sa kanyang gagawin. Ito ang unang pagkakataon na masasaksihan ni Brian na gagamit ng kapangyarihan ang hari nang hindi gumagamit ng ibang katauhan.

"A-anong binabalak mong gawin?" Usi rito ni Brian.

"Manood ka sa gagawin ko." Pagkasabi nun ni haring Hero, kanya ng binigkas ang "teleport." Biglang nagliwanag ang kanyang libro, napamangha niya si Brian. Kasunod nun, may mga maliliit na liwanag mula sa libro at nagkalat sa buong palasyo. Inilipat nun ang lahat ng mga tao palabas sa palasyo. Tanging naiwan na lamang ay silang apat.

Nagtaka ang lahat ng mga tao nang bigla silang nailipat sa labas nang napakabilis na pangyayari.

Gamit ulit ang kapangyarihan ng hari, kinausap niya ang lahat gamit ang isip at pinaalahanan na huwag munang bumalik sa palasyo hangga't hindi pa natatapos ang kaguluhan. Marami ang sumunod at may iilan namang hindi sumang-ayon. Buti nalang ay mahusay makiusap si Haring Hero sa bagay na ito.

"Magiging maayos din ang lahat dahil gusto ko, happy kayo." Ito ang huling pangungusap ng hari bago pa tuluyang nawala sa linya ang komunikasyon niya sa madla. Pagkatapos nun, bigla siyang napaluhod at tila bang hinahabol niya ang paghinga.

"Haring Hero, anong nangyayari sa iyo?" Panic mode si Brian na agad namang umalalay sa hari.

"Ibinuhos ko na roon ang natitira kong nen Brye kaya ako nanghihina ngayon." Pag-amin ni Haring Hero.

"Ano?" Nanlaki ang mga mata ni Brian sa sobrang pagkagulat. Inisip pa naman niya na ligtas siya sa pagguho basta't kasama niya si haring Hero ngunit tila malayo yatang mangyari ang iniisip niyang iyon.

"Tayo na Brye, puntahan na natin ang reyna ko." Pakiusap ni Haring Hero.

"Magpahinga ka na muna haring Hero, nahihirapan ka pa kasi." Mungkahi naman ni Brian.

"Ayoko, ayokong sayangin ang nalalabing oras sa pagpapahinga." Ang tanggi ni Haring Hero, "Kailangang maawat ko ang dalawang babaeng naglalaban."

"Haring Hero." Nasabi na lamang ni Brian. Nakikita niya sa mga mata ng hari ang kagustuhan nitong makita ang mga reyna.


Samantala, habang hindi pa nakakarating ang dalawa, ganito naman ang mga kaganapan sa laban nina Reyna Angelica at Inday Lor...

Ang buong katawan ni Angelica ay punung-puno na ng bacteria na nagdudulot ng kakaibang sakit. Ito ngayon ang iniiwasan ni Inday. Hindi siya makahanap ng tiyempo kung papaano niya matatamaan ang maruming kalaban nang hindi nahahawakan. Panay ang kanyang pagtalon at pagtakbo wag lang dapuan ng kahit katiting na bacteria sa katawan ni Reyna Angelica.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon