91. Interrogation Of Kamote

58 0 2
                                    

Si Brian ay nasa hot seat at kung bakit, alamin natin...


Nitong araw lang nagpatawag ng meeting si Haring Hero sa palasyo. Nasa malaking bulwagan ang lahat ng Kamote Nexus members na active pa sa SN. Wala pang ideya ang lahat kung bakit biglaan ang meeting na ito. Ang hari lang ang nakakaalam.

Ang dumalo sa meeting ay sila:


Reyna Lor

Prinsepe Bubblegum

Ydann

Erick

Chen

Paulene

Libra

Macky

Marquee

( sila yung present sa palasyo )

Dhen

Krish

Mary Joy

Ranth Heart

ang limang Kamote Rangers

Ang iba ay hindi nakadalo dahil busy.

Ang meeting ay papangunahan ni Haring Hero. Hindi pa nagsisimula ang meeting kaya nagchikahan pa muna saglit ang mga Nexus.

Krish: Bulaga! Bakit ako naimbitahan dito? Isa lang akong estudyante, hindi pa ako ready sa mga ganito.

Dhen: Huwag ka nga dyan Krish. Eh ano ang tawag mo rito sa pagpunta ko? Siguro may importanteng sasabihin ang hari natin kaya kahit tayong mga simpleng mamamayan ay naimbitahan dito.

Ranth: Meow. Ako lang sa lungsod namin ang nagpresenta na dumalo sa meeting.

Ydann: May palagay akong pag-uusapan natin ang plano kung paano mahuli ang kalaban ng palasyo.

Haring Hero: Shh... Wag kang maingay Brad.

Vincent: Hay... Ano ba yan, kailan pa ba ito magsisimula? Isang oras na tayong nakaupo rito ah.

Marquee: Hoy ikaw dyan, wag ka ngang magreklamo.

Vincent: Hmp! Para namang importante ako rito sa pagpupulong na to eh extra lang naman ako rito.

Fita: Uy wag kang magsalita ng ganyan Vincent. Hindi mabubuo ang Kamote Rangers kung wala ka.

Prinsepe Bubblegum: Blah blah blah. Bakit di pa natin simulan ang pagpupulong Hero, andito na ang lahat kaya magsimula na tayo.

Haring Hero: Isang tao nalang ang hinihintay ko para simulan ang pagpupulong.

At dito na nga pumasok sa eksena si Brian kasama si K3U. Parehong hinihingal, halatang late...

Reyna Lor: Oh, bakit ka late Brye? Ikaw pa naman ang pinakaimportante sa pagpupulong na ito. Pinaghintay mo naman kami.

Brian: Pasensya na po mahal na reyna, at sa lahat ng nandito na nalate ako. Hehe.

K3U: Para kasi siyang mantika kung matulog, ang hirap niyang gisingin kaya ginulpi ko nalang.

Vincent: Tsk!

Haring Hero: Oh siya sige na, maupo ka na Brian. Dun ka sa gitna umupo kung san makikita ka ng lahat.

Brian: H-ha??? Oh sige. ( sinundan siya ng tingin ng lahat nang makaupo siya ) Bakit dito pa ako pinaupo ni Haring Hero? Nakakakaba naman ito. Hindi pa naman ako sanay na pinagtitinginan ng lahat.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon