Isang buong linggo ang nilaan ng Mayor ng Kamote City o mas kilala sa tawag na Kamotekage ang okasyong kasalan ng anak niyang si Iyrah sa manlalakbay na si Haru para paghandaan ito. At siyempre, imbitado ang lahat sa kasalan na ito.
Ang kapwa Mavs artist na sina Ranth at Transam na parehong barkada ni Iyrah ang mga wedding planner. Pinili ng ikakasal ang Enchanted Theme since minsan na ring naging witchy-witch si Iyrah nung araw.
Kaya ang resulta, doon sila ikakasal ni Haru sa pinakamatandang simbahan ng lungsod na di mo akalaing simbahan pala ito, prineserve kasi ito pala panatilihing orihinal. Ito ang ancient kamote cathedral. Ayon sa mga sabi-sabi ng mga matatanda, ang simbahang ito raw ay pugad ng mga sinaunang katutubo bago itinayo ang simbahan ng mga Espanyol. Nag-aagawan sa teritoryo kaya dumanak ng dugo. Ang mga kaluluwang di matahimik ay namalagi sa simbahang ito magpasahanggang ngayon. Walastik! Ito ang hilig ni Iyrah, bukod sa historic na, mysterious pa.
Tungkol naman sa mga napili bilang mga abay at ninong/ninang sa kasal, mga mahahalagang tao ang kanilang mga pinili, unang-una siyempre ang mag-asawang Reyna Lor at Haring Hero at ng iba pang kilalang pangalan ng pulitiko sa bansa. Nariyan na siyempre ang mga pamilya ng dalawang ikakasal. Parang fairy tale kasi ang love story ng dalawang magkababata at naging magbestfriend. Walang ligawang naganap at kusang umusbong nalang ang pag-iibigan nila alang-alang sa pag-unlad ng kamoteng pinamumunuan ng pamilya ni Iyrah. At sa araw na ito'y makakahilera na rin si Haru sa magiging kilalang pangalan ng lungsod. Ang mga panauhin at dadalo sa kasal ay kinakailangang magsuot ng costume, yung angkop sa tema ng kasal. Tinatayang aabot ng sa sandaang libo ang dadalo. Engrande nga di ba.
Ang love story kung paano sila naging magpartners ay naipalabas na sa Tv.
Sa MMK, ang gumanap ay sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa istorya habang sa magpakailanman naman ay sina Barbie Forteza at Andrei Paras. Ang mga tao sa bansa ay inaabangan na ang pag-iisang dibdib ng dalawang bida sa kabanatang ito.
At ang paborito ng lahat, sa reception. Dito sa isang eksklusibong beach resort sa lungsod idadaos ang kasayahan pagkatapos makasal sina Iyrah at Haru. Ito yung beach na madalas matampok sa Tv at kinukunan din ng set sa drama shows. Napili rin itong gawan ng eksena sa Hollywood. Sikat ang beach na ito sa tawag na golden sand. Ito ang Saharra beach! Bukod sa pagpaplano, ang mga mavs din ang nakatokang maghanda ng mga kakainin ng ikakasal. Nai-cater na nila ang dosenang young at adult lechon, italian dishes yung foods. Antelope cuisine yung main. Meron din silang handang seafoods pwera sa isda.
May cocktail din para sa desserts. Asian desserts naman yung delicacy na ito. Dahil mavs ang mga gumagawa, nariyan na siyempre ang trademark nilang foodcarving. Para sa drinks, nag-angkat pa sila ng mamahaling inumin galing Russia. At makakalimutan ba ang star ng lahat ng pagkain? Sentro ang kamote dishes sa lahat ng nasabing pagkain. Di na natin kailangan pang banggitin kung ilan ang ginastos ng Kamotekage sa kasal basta importante sa kanya ay mapasaya niya si Iyrah.
Yung tungkol naman sa honeymoon... Pass na muna baka may mainggit. Oh bueno, simulan na natin ang kasal...
The Haru and Iyrah Wedding presents in
3
2
1
start.!.
Erick/K3U sound and music effects : ( wedding theme ) ting ting tenen, ting ting tenen..
Heto na, imagine guys nasa wedding cathedral na tayo ha. Yung martsa natin ay pang famas, andyan yung red carpet at flash ng cameras. Live coverage po kasi. Hayan na at isa-isa ng magmartsa ang mga abay. Ang bride groom ay nauna na't hinihintay na yung kanyang bride. Nang matapos na ang martsahan session, heto na, lingon sa likod ang lahat ng mga nakaupo sa pagpasok ng bride, si Iyrah.