124. Kamote Announcement

37 0 0
                                    

Pagkatapos mawala ng mga tagaisda sa korte ay nilusob na ang gusali ng mga Isda Invaders. Si Ydann ay nakakontak na sa mga special task forces na siyang tutulong sa pakikipaglaban sa mga halimaw at makaraan ang ilang minuto ay nagsipagdatingan na ang mga ito. Sa mga sandaling iyon ay kanina pang sinusubukan ni Griezel na gamitin ang kanyang kamote senses subalit hanggang sa ngayon ay hindi niya pa nakukontrol ang kapangyarihang iyon. Nang makarating naman sa realidad si Trams, kanyang ginamit ang kapangyarihang pabagalin ang oras sa mga Isda Invaders. Nagkaroon naman ng pagkakataon ang mga special task forces at si Ydann na tapusin na ang mga ito. Nagtagumpay ang mga Nexusians sa laban na tumagal ng apat na minuto. At pagkatapos...



"Ha....ha....ha...." Halos kainin ni Trams yung kanyang hininga dahil sa kanyang panghihina at kakapusan na rin sa oxygen.

"T3, napa'no ka?" Alalang tanong ni Ydann na ngayo'y  nagbalik na sa dati niyang anyo. Pinaligiran sila ngayon ng special task forces na naghihintay lamang ng signal.

"Ha...ha... ito ang... kapalit... ng aking... paggamit... sa kapangyarihan... T1... kinakain ng oras... ang aking... enerhiya..." Paglalantad ni Trams sa likod ng kanyang napakalakas na kapangyarihan. Natakot at nabigla naman sina Ydann at Griezel sa kanilang narinig. Mabigat ang kahinaang iyon sakaling matuklasan ito ng tagaisda kung magkagayon.

"Hindi ko alam na may kundisyon pala ang kamote power mo Trams. Lubhang delikado pala ang pagkukontrol mo sa oras." Mahinahong pagkasabi ni Ydann dito. Hindi na makatayo si Trams kaya inalalayan na siya ng dalawang special task forces na kasama.

"Pahinga lang... ang katapat... nito... Dan... maibabalik... ko rin... ang aking lakas..." Pinipilit ni Trams na ngumiti kahit hindi na maganda ang kanyang pakiramdam. Lumapit si Shineley sa kanila para suriin si Trams at batid nito ang panghihina nito. Mukhang nadehydrate na parang ewan.?. Si doktora lamang ang makakapaliwanag nun.


Samantala naman, agad na tinawagan ni Aeonne si Steve upang maghatid ng magandang balita tungkol sa pagkabawi niya sa kanilang mahal na hari...

"Di ba sinabi ko sa iyo na huwag mo akong ini-engles kung mag-uusap tayo?!" Malakas na pagkasabi ni Steve na nasa kabilang linya ng cellphone. Napapikit pa si Aeonne sa kanyang narinig na lakas ng boses. Nasa kalapit na gusali pa sila ngayon ni Gwapong Marine doon sa korte.

"Ok ok, got it." Talo na yung boses ni Aeonne sabay buntung hininga. Huwag na kasi magpakatrying hard.

"O ano na ang balita?" Pangungumusta ni Steve. Mahinahon na ngayon ang kanyang tinig. Kasalukuyan siyang nasa opisina ng palasyo at naghihintay lamang ng balita galing sa Kamote Kingdom at ng korte suprema.

"Steve, nagtagumpay tayo." Halata sa boses ni Aeonne ang saya lalo pa't masusubukan na ang kanyang husay sa pananagalog, "Nagawa ko na yung aking tungkulin. Aking naitakas si Gwapong Marine at nawasak na rin ng mga Isda Invaders yung gusali sa korte!"

"Mabuti kung ganun. Ipakausap mo muna ako sa hari." Sumigla ang mukha ni Steve sa narinig niyang magandang balita. Ibinigay naman ni Aeonne ang kanyang cellphone kay Gwapong Marine at... "Boss?"

"Buenas tardes, Steve."

"Masaya ako na naitakas na kayo ni Aeonne. Labis ho ang pag-alala ng inyong anak nang mawala kayo. Hihintayin ko ho ang inyong pagbabalik." Ani Steve.

"Pakisabi sa anak kong prinsesa na hindi na muna makakauwi ang kanyang mahal na ama." Seryosong pagkasabi ni Gwapong Marine. Halos mabitawan na ni Steve yung kanyang Oppo sa pagkabigla habang si Aeonne naman ay awtomatikong napanganga habang nakatingin kay Gwapong Marine.

""Pero bakit Boss?"" Sabay pang tanong nina Aeonne at Steve dito.

"Meron lang akong aayusin at gusto kong wala munang makakaalam sa bagay na ito. Steve, ikaw na muna ang bahala na mamahala sa kaharian ko. Alagaan mong mabuti ang anak ko. Aeonne, bumalik ka na sa Isda Kingdom at ipagpatuloy mo ang iyong trabaho." Parang nagpapahiwatig na ata si Gwapong Marine na magpapaalam na siya ah. Kailan niya pa ito napaghandaan?

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon