71. New Kamote Kingdom

98 1 0
                                    

"Mahal na reyna, mahal na reyna!!" Nagsisisigaw si K3U habang kinakatok ang pintuan ng silid ng reyna. Bumukas ang pinto, lumabas si Reyna Angelica na nakapantulog pa.

"Oh, ano namang kailangan ng aking sekretarya? Kita mo namang nagsisiesta ako eh." Wala sa mood na makipag-usap si Reyna Angelica.

"May ibabalita lamang po ako sa inyo mahal na reyna, ang mga isinugo n'yo ay nagbalik na kasama ang mahal na Hari!!" Masiglang pagbabalita naman ni K3U.

"Ano?" Nasurpresa talaga si Reyna Angelica, banaag sa kanyang mukha ang di mapakaling saya kaya naman nagmadali siyang magbihis upang maging kaaya-aya siya sa kanyang minamahal na hari.

Papayag ba naman ang mga bida na walang sasalubong sa kanilang pagbabalik sa palasyo? Siyempre hindi. Kahit walang nakapagsabi na ngayon na ang pagbabalik nila, nakahanda naman talaga ang banda ng palasyo para tugtugan sila. Narito ang sampol...


K3U music effects --- ( graduation theme )

teng- teng, kling kring kring

tedidit teng, tentenen

tedidit teng ting ting

wawalis ting ting

walis ting ting


Ang hindi makasabay alam na, hindi gumradwayt yan!

Kasabay ng tugtugan ay ang confetti na makukulay. Isa-isang binigyan ng bouquet ang lahat ng mga nakaabang na tao sa palasyo. Ang lahat ay nagbibigay pugay.

"Hayyy... Nakakamiss ang ganito. Parang kailan lang na binigyan din tayo ng ganito dati, di ba Brye?" At ease na pagkasabi ni Ydann.

"Siyempre naman Dan, ang sarap sa pakiramdam lalo pa't nakabalik ka na sa iyong tahanan." Tugon naman ni Brian.

"It's good to be back!" Napaingles bigla si Dhen, nakakain siguro ito ng bulaklak.

"Ang saya pala no, may masayang pagtanggap kapag nakakatapos ka ng isang napakahalagang misyon." Ignoranteng pagkasabi ni Chen.

"Matanong ko lang, kailangan ba talagang graduation theme ang ipatugtog? Pakiexplain nga." Iritang pagkasabi ni Marquee.

"Hehehe. Pambihira naman." Napangiti tuloy si Haring Hero.

Silang lahat ay dumaan sa lobby na may red carpet. At siyempre, nandudun ang mga fans na naghihintay sa kanila. Pinakamaraming autograph ang kambal na royal knights, pano kasi, kilala sila sa bayan na mga magigiting na knights ng palasyo. Si Dhen naman ang sumunod dahil na rin sa kanyang public appearance sa nakaraang Kamote Of The Philippines. Bawal naman hingan ng autograph ang mag-amang maharlika. Yung mga hindi nabanggit, sila ang kulilat sa kasikatan. Ang mga tagpong ito ay nakaagaw ng pansin kay Inday Lor na nagwawalis sa mga confetti. Palihim niyang pinagmamasdan ang kanyang mag-ama na kapwa mag-isa. Kung maibabalik lamang sana ang mga panahong naging reyna pa siya, siya sana ang masayang sasalubong sa kanyang mag-ama.

"Andito na pala kayo." Tawag ni Reyna Angelica sa mga bagong dating. "Maligayang pagbabalik." Nakangiti niyang sabi sa mga ito.

"Mahal na Reyna." Ang sabi naman ng lahat ng nandun. Ang mga epal na madlang pipol ay tumabi muna sa gilid. Lumapit ang reyna sa kanyang hari at binigyan ito ng smack sa lips. Saksi ang mga mata ng lahat lalo na kay Inday Lor sa ginawang iyon ng huwad na reyna.

"Namiss talaga kita, my Hero." Ang sabi ni reyna Angelica na may ngiti sa labi. "Nagagalak akong makita kang ligtas at masigla."

"Kumusta ka naman my Angel, hindi ka ba naging abala sa mga gawain dito habang wala ako?" Ang pangungumusta naman ni Haring Hero.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon