156. Kamote's News For Isda

16 0 0
                                    

K & I Games arc ( introduction )

The story so far...

Si Gwapong Marine, ang hari ng mga Isda ay nahuli ng mga Kamote. Siya ay isinalang sa Kamote Trial Court upang lilitisin. Sa tulong ni Trams, isa sa T-brothers, hindi naging madali para maabswelto si Gwapong Marine sa kanyang kasalanan ukol sa kamote barrel scam. Dahil na rin sa mga Isda Invaders, nagawa ng mga itong guluhin ang trial court at naitakas ni Aeonne ang hari ng mga Isda. Sa hindi malamang pangyayari, si Gwapong Marine ay pinili ang lumayo na muna at huwag nang babalik sa kaharian ng Isda. Pero bago iyon, ibinilin niya na ang lahat kay Steve na siyang magpapatuloy sa nasimulan ng administrasyon ni Gwapong Marine. At ngayong si Steve na ang bagong hari ng mga Isda, naghihintay lang siya sa magiging galaw ng administrasyong kamote at saka naman niya pagdidisisyunan kung ano ang kanilang gagawin.

——————————————————

Makalipas ang sampung araw...

"Narito na ang mahal na hari!" Sigaw ng isang kawal sa palasyo ng kamote.

Ang eksena ay naroon sila sa lugar kung saan nagtitipon ang mga kawani at ilan pang mga importanteng tao sa bansa at kabilang na rito ang mga Nexusians. Naupo na si Haring Hero sa kanyang pwesto. Ang lahat ay tahimik lamang na waring hinihintay ang paksa sa pagpupulong na ito.

"Mahal na hari, nalaman namin na nakatakas ang hari ng mga Isda ayon sa aming mabusising pag-imbestigasyon." Anang si Ydann.

"Sa ngayon, hindi na muna natin siya puproblemahin. Tapos na ang paglilitis sa kanya. Batas na lamang ang huhuli at tinitiyak kong hindi na magiging normal ang buhay ng tunang iyon dahil magtatago nalang siya. Bahala na ang kanyang kunsensya para roon." Buong pagpapasya ni Haring Hero. May ilang araw na rin ang nagdaan buhat nang mangyari iyon.

"Ngunit Brad." Hindi makapaniwala si Ydann.

"Ako ang hari ng Kamote at alam ko ang ginagawa ko at ang nakabubuti sa lahat." Nanindigan naman si Haring Hero sa kanyang pasya. Hindi na nakipagtalo pa si Ydann. Ang mga nandun ay hindi nakaimik.

"Ano na ang gagawin natin sa palasyo ng mga Isda? Nandudun pa ang marami sa kanyang kampon." Sabi naman ni Trams.

"Yun ang sinasabi kong dapat nating pagtuonan ng pansin." Umayos na muna ng pagkakaupo si Haring Hero bago nagpatuloy, "Tinawag ko kayo para pag-usapan ang magiging aksyon natin sa kabilang kaharian. Marahil alam na natin kung paano makarating sa kaharian nila subalit, nasisiguro kong ang pwersa ng ating kalaban ay naghahanda na para tayo ay abangan. Hindi natin alam kung sinu-sino ang nandun; maaaring mas malakas pa sila sa pwersa natin. Maaaring malaki nga ang bansa natin kumpara sa kaharian nila pero masasabi kong, ang pakikidigma sa kanila ay isang napakadelikadong desisyon."

"Natatakot po ba kayo para sa digmaan, haring Hero?" Tanong ni K3U.

"Hindi ako takot sa digmaan. Pinapangambahan ko lamang ang kapakanan ng karamihan. Hindi sagot sa pag-angkin ng nasasakupan ang pakikipagdigma natin sa kanila. Marami ang madadamay na inosente at ayokong mangyari pa yon. Ang kaharian ng Kamote ay kapayapaan ang pinapalaganap. Sa nakalipas na mga araw, marami akong iniisip kung sa paanong paraan ko makukuha ang kaharian ng Isda nang hindi nakikidanak ng dugo sa mga kalaban." Ang sabi ni Haring Hero.

"Pero Hero, isang kaduwagan ang hindi pag-aamok ng digmaan sa kaharian ng Isda." Sabi naman ni Prinsepe Bubblegum.

"Prinsepe Liit, hanggang sa ngayon ba naman hindi mo pa rin rerespetuhin ang ama mong hari?" Kunot noong tanong ni Ydann.

"Blah blah blah." Paki naman ni Prinsepe Bubblegum.

"Gaya ng sinasabi ko, kapayapaan ang paiiralin natin, prinsepe." Sabi pa ni Haring Hero. Alam niyang naiintindihan siya ng lahat kung bakit niya ito sinasabi.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon