158. Kamotebots Versus Isdaticons

9 0 0
                                    

Sa Philippine Arena idinaos ang makasaysayang laro na K & I Games. Mula sa dalawang kaharian na ito ipinaglalaban ang magiging hinaharap sa kaharian nila. Sa Kamote Kingdom, meron silang team Kamotebots at sa kabila naman ay ang Isdaticons. Magaganap na ang umaatikabong laban sa unang araw.

Dreamer: ( facing the camera ) Ang ating unang laro mula sa kamote's choice. Ito ay ang tinatawag na... GUARD GAME.


Lumabas ang salitang ito sa screen at lahat ng mga manonood ay ngayon lang ito narinig at hindi alam kung paano ito lalaruin. Kitang-kita rin sa lahat na walang nakakaalam kung anong klase ng laro nga ba ito. Anong klase ng laro naman kaya itong naisip ni Haring Hero?

Dreamer: Hayaan n'yong ipapaliwanag ko sa inyo kung paano ito lalaruin. Pero bago yun, tatawagin ko na muna ang mga sasabak sa larong ito. Kukuha tayo ng tig-limang players sa dalawang team. Mula sa Kamotebots ay sila Krish, Chen, Iyrah, Conan at si Dra Shineley.

Palakpakan ang mga tao sa loob ng arena. At siyempre, ang mga kalahok na nabanggit ni Dreamer ay mga taong pinili ni Haring Hero na sumuwak sa palarong ito. Sana tama ang pinlano niyang laro at sana nga walang mangyayaring aberya rito.

Ganito naman ang naging reaksyon ng nasa kabilang team...


Haring Steve: Sa unang laro, hindi nila tinawag ang mga taong sumalakay sa kaharian natin. Pero nasisiyahan akong makita si Shineley na maglalaro ngayon. Hindi pa man din natin natitiyak kung anong magagawa ng isang katulad niya bukod sa kanyang pagiging isang manggagamot. Tiyak na magugulat siya sa team na isasabak ko sa larong ito at pati na rin ang iba pa niyang kasamahan.

Sunako: Kahit papaano ay niresearch namin sina Chen at Krish. Marami-rami na rin silang mga nagawa rito sa nakalipas na mga kabanata. ( literal bang banggitin ang kabanata ) Yung dalawa pa naman nilang kasama, hindi ako tiyak sa katangian nila. ( sina Iyrah at Conan iyon )

Nissy: Hahahaha!

Sunako: Anong tinatawa-tawa mo riyan Nissy?

Nissy: Wala naman. Ayoko na munang magbasag ng trip dahil hindi ko nakikita yung pinakagusto kong makita. Malalaman at malalaman nyo rin naman ang mga katangian ng mga kamoteng iyan mamaya.

Haring Steve: ...



Back to stage!

Dreamer: Ngayon, sa Isdaticons ay tinatawagan ko sila Prinz Sniper, Yemjee, Stix, Death at si... Ahm, wala pong pangalan yung isa kaya siya nalang si Unknown mga kaibigan.

Pumanhik naman din ang limang manlalaro rito sa arena at binigyan pa sila ng maiinit na palakpakan.

Nagulat ang lahat sa panghuling miyembro ng Isdaticons na walang pangalan. Bukod pa rito, ang kanyang pagkakakilanlan ay isa ring misteryo dahil sa kanyang suot na kapa at nakatakip pa ang mukha ng kulay bughaw na tela. Anong gimik naman kaya ito na pinangalanan na lamang na "Unknown"?

Ganito naman ang naging reaksyon ng nasa kabilang team...

King Hero: Bakit naroon si Death? Ang akala ko nagpakalayu-layo na siya. Nagbalik loob pala siya mga Isda? Hmm... Isa itong mahiwaga at misteryong pangyayari.

Dhen: Kilala mo pala ang Shad na iyon, mahal na Hari?

King Hero: ( nodding ) May nakaraan din kami ng batang yaon, Dhen.

Dhen: '.......'

Trams: Duda naman ako sa isang misteryosong player na iyon, kailangang maimbestigahan yan. ( masama ang pagkakatitig niya kay Unknown )

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon