Para sa poll na kung sino yung bagay na magiging loveteam, tabla lang sila. Parehong nakakuha ng 50% ang magkabilang kampo. Pano ba yan, wala ng Asmodeus sa mga susunod na kabanata, sorry nalang kayo Dhen at Macky ha.
( Spoiler alert ) Ang susunod na magiging imaginary character ni author ay si Lucifer kaya abangan ang kanyang susunod na pagpapakita.
Sa pagpapatuloy ng ating kwento...
Sa isang lugar pa rin sa Rizal naroon ang grupo ni Brian. Hindi muna sila babalik sa Kamote Kingdom hangga't hindi nila maiuuwi nang buhay si Haring Hero. Ang kanyang bangkay ay nakahimlay sa kung saan lang nang walang nakakaalam habang ang kanyang ulo naman ay naitago lamang ni Prinsepe Bubblegum sa kanyang kamote note. At ngayon, atin na munang alamin kung papaano nila gagamitin ang pitong dragon balls. Brian, pasok.!.
"Sabi sa alamat, ang makakapagpalabas lamang sa isang dragon ng dragon balls ay ang taong marunong gumamit sa wikang arabo, sa kanyang orasyon. Simple lamang ang gagawin, concentrate tapos dasal. Wala ng ritwal na gagawin." Paliwanag ni Brian sa kanyang mga kasama.
"Isang arabo?" Gulat na pagkasabi ni Ydann, "Lahat naman tayo rito hindi marunong! Saan tayo maghahanap niyan ng arabo?
"Marunong po ako magwika ng arabo subalit hindi ko po alam kung anong klase ng dasal ang bibigkasin." Presenta pa si Chen, "Nakaprogram kasi ito sa utak ko."
"Pure muslim Android, yan lamang ang makakapagpalabas sa dragon." Pagtatama naman ni Brian, "At kailangang isang hajj ang dapat na magtawag dito upang makalabas ang nasabing dragon." Dagdag pa niya.
"Kung pure muslim din lang ang pag-uusapan at isa pang hajj, may kilala akong muslim eh, actually, kaibigan siya ng Misis ko." Nang sabihin ito ni Marquee tila nabuhayan ng sigla ang kanyang mga kasama.
"Kung gayun puntahan na natin siya?" Excited ang tono ni Prinsepe Bubblegum.
"Siya ay nasa Navotas, ang pangalan niya ay hajj Janaisah." Pakilala pa ni Marquee.
"Si Janaisah?" Parang gulat pang pagkasabi ni Macky, "Eh kilala ko yun eh."
"Malamang dahil kalaro mo siya ng chinese garter nung mga bata pa tayo." Paalala naman dito ni Marquee.
"Oh pano, tara na." Yaya naman ni Krish, "Ako na ang bahala sa ating transportasyon. Gagawa na ako ng lagusan."
Siyanga pala, dahil sa nakaraang labanan, hindi na pala makakapagpalit pa ng anyo sina Macky, Marquee at Dhen dahil nawasak na ni Ralf ang pinagkukunan nila ng lakas. Sa madaling salita, wala na rin silang pinagkaiba ngayon ni Brian.
Gumawa na ng portal si Krish at dito'y nagsipasok na sila sa lagusan tungo umano kay Janaisah na may kakayahang tumawag sa dragon ng pitong dragon balls.
Nang makarating na ang grupo sa Navotas, madali naman nilang nahanap si Janaisah. Parati na kasing dumadalaw sa kanyang boarding house ang kambal kaya kabisado na nila ang daan tungo rito.
"Bakit hindi nyo sinabi sa akin na bibisita kayo? Nagtext sana kayo nang paghandaan ko kayo." Ang salubong pa ni Janaisah nang makita sila, "Nahiya tuloy ako sa mahal na prinsepe."
Maliit lamang ang boarding house na tinitirhan ngayon ni Janaisah. Dalawa lamang sila sa kwarto nakatira, sila ng kuya niya. Ang kuya niya ay nasa trabaho pa kaya siya naman ang naiwan. Panggabi rin kasi ang pasok niya sa pag-aaral sa kolehiyo. Pinapag-aral sila ng kuya niya ng kanilang daddy na nasa Mindanao. Wala na pala silang mommy at only girl lang si Janaisah sa pamilya. Sa mga ganito lalo pa't isa siyang hajj, tinuturing siyang diyamante ng kanyang pamilya maging ng kapatid nilang mga muslim.
