"Bwahaha!!" Isang napakalaking tawa ang ibinungad ni K3U sa opisina ng T-brothers.
"Tama na nga yang kakatawa mo riyan K3U." Sita sa kanya ni Ydann. "Rindi na ako sa boses mo ha, kanina ka pa!"
"Eh paano ba ako titigil Kuya eh ang sakit-sakit na nga ng tiyan ko dyan sa pictures nyo. Akala ko po ba kasal ang ipinunta nyo dun, parang Halloween kaya yang mga costumes ninyo." Pigil na ang pagtawa ni K3U. Palibhasa kasi hindi siya napasama sa kasalan kahapon kaya hindi niya alam ang mga kaganapan kung gaano kasaya at kilig ang nangyari run.
"Tatlo na kayo ganyan ang kumento." Sabi ni Brian, "Una si Erick, pangalawa si Libra. Ngayon ikaw."
"Wala kaming magawa kundi sakyan ang trip ng ikinasal. Nauwi naman sa masaya di ba Brye." Dugtong pa ni Ydann na sinang-ayunan naman ni Brian.
"Ah, ano naman pala ang ginawa niyo roon Kuya?"? Nagkaroon ng interes si K3U.
Bukod sa mga kaganapan kahapon, kumanta nga pala si Reyna Lor. Ito ang ilang linya...
bakit ka pa nakita?
bakit pa na kilala
kung ang puso ko ay
iiwan mo lang at sasaktan?
Top scorer siya d'yan. Si Haring Hero, dahil nalasing kagabi, isinayaw niya ang wax copy na istatwa ni Iyrah. Hinalik-halikan pa niya. Nakakatawa. Eh ano naman ang ginawa nina Ydann at Brian? Hindi gaanong party lover si Ydann kaya nilibang niya nalang ang sarili sa pagkuha ng stolen shots at awtomatikong pinost sa Facebook. si Brian naman, kung sinu-sino lang ang kanyang mga nakakausap. Yung iba nga hindi niya kilala, parang nakiki-fc kumbaga.
"Bwahaha, kakaloka kayo. Sana ay inimbita rin ako no." Nasabi nalang ni K3U.
Sa araw pala na ito lumabas ng palasyo si Prinsepe Bubblegum. At gaya ng karaniwan niyang ginagawa, nagbalat-kayo siya bilang si Kaito. Buti nalang madali niyang natakasan ang mga bantay. Meron kasi siyang assignment sa palasyo na hindi niya natapos at paniguradong mapapagalitan siya ng amang hari niya. Kaya heto, tumakas siya.
"Halika na." Aya ni Nanah nang salubungin siya nito.
"Teka, paano mo nalamang lalabas ako ngayon?" Nagulat pa ang prinsepe eh matagal na kayang number one stalker niya si Nanah.
"Aysus parang di mo naman ako kilala. Siyempre alam ko dahil sa kutob ko." At agad na lumambitin ang kamay ni Nanah sa braso ni Kaito.
"Hayy, sige na nga. Labas na tayo." Napilitan ba naman ang prinsepe? Tuwang-tuwa naman dito si Nanah.
Ang dalawa ay nagdate. Una nilang pinuntahan ang children's playground. Dito nila sinariwa ang naging kabatian nila. Dito kasi sila madalas na naglalaro noon. Si Nanah yung tipong warrior, palaban habang si Prinsepe Bubblegum naman yung duwag at mahiyain noon. Nagkatawanan ang dalawa kapag binabalikan ang masasayang araw na iyon.
Sandaling katahimikan. Nagmuni-muni muna si Kaito habang dinadama ang pagdaan ng hangin nang nakapikit. Pinagmamasdan siya ngayon ni Nanah ng tahimik. Sa sandaling iyon, bigla niyang naalala ang nangyari kahapon. Siya ang nakasalo sa bouquet na hinagis ni Iyrah. May kasabihan kasi na ang makakasalo ng bulaklak na iyon ang siyang susunod na ikakasal. Parang dinibdib naman ata ito ni Nanah.
Bakit ba masyado kang slow pagdating sa akin, Kaito? Parati ko naman pinahahalata na gusto kita ah. Hindi mo ba alam na ikaw ang laging laman ng puso at isip ko? Nagseselos ako kapag pumuporma ka sa iba. Bakit hindi mo ako kayang tingnan bilang isang dalagang naghihintay na ibigin mo?
