Isang masayang pagbati ng 'magandang umaga' ang namayani kay Reyna Lor sa kanyang mga tauhan sa palasyo. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa siya makagetover sa pagbabalik niya sa dati. Namiss niya rin ang role niya bilang reyna.
Nang umaga ring iyon, dahil full charge na ulit si Haring Hero, nilabas na naman niya ang kanyang kamote diary at ginamit ang technique niya na "recover". Gamit nito, nagagawa ng malakas niyang nen na kumpunihin at maibalik sa ayos ang pagkasira ng palasyo. Hindi kasi biro ang pagkasira nito sa nangyaring labanan kahapon. Buti nalang, salamat sa laki ng pakinabang ng kapangyarihan ni Haring Hero, naibalik na rin sa dati ang lahat.
Late na nang magising si Ydann. Sa opisinang pinapasukan niya ay naroon na si Brian at tila abala ito sa ginagawa...
"Dayoff mo ngayon di ba?" Bungad ni Ydann, "Bakit ka pa nagtatrabaho?"
"Meron lang akong niresearch Dan." Nakaharap pa rin sa computer si Brian.
"Ano naman yon?" Kunwari interesado si Ydann.
"Hmm tungkol lang naman sa Isda Kingdom." Sabi ni Brian. "Hindi ba nagtayo ng kaharian si Gwapong Marine sa Kalayaan Group of Islands? Nilocate ko kasi sa Google map ang kaharian niya ngunit hindi tukoy sa atin ang kinaroroonan nito."
"Bakit yan ang niresearch mo eh alam naman natin na mahirap hulihin ang utak ng kamote barrel." Sabi ni Ydann, ang pagtuonan natin ay ang golden kamote seed. Naku naman, chapter 88 na hindi mo pa rin naitanim yang kamote na yan."
"Ahm, tungkol nga pala riyan, hindi ba nakapagtataka? Ang mga tagaisda Kingdom, gusto nilang makuha ang kamoteng ito? Hindi rin natin alam kung sinu-sino yung mga kalaban natin na tagaisda. Madali nilang napasok ang palasyo Dan. Ano kaya kung tayo naman ang pupunta roon?" Sunud-sunod na kwento ni Brian.
"Naku! Tigil-tigilan mo na yang pag-iilusyon mong iyan. Hindi mo alam kung anong nandun sa kaharian na iyon at higit sa lahat, wala kang sapat na kakayahan na makipaglaban. Kung iniisip mong tulad din ng mansyon ni Mikanjane ang palasyo ni Marino, mag-isip-isip kang mabuti Brian." Nagsimula ng sumermon si Ydann.
"Ok, tapos na ako." Tumayo na si Brian.
"At san ka pupunta?"
"Secret... Day off ko kaya maglilibot na muna ako kung saan ako mapadpad. Dyan ka na..." Nagmadali na si Brian sa pag-alis.
"Ano kayang tumatakbo ngayon sa isip ng lalaking iyon?" Natanong na lamang ni Ydann sa sarili.
Balik ulit sa trono ng mga maharlika. kasalukuyang nakaupo sa kanyang trono si Reyna Lor. Nilalasap ang pagkareyna eh reyna na kaya siya sa simula pa lang ng kwento. kasama niya ang Butler na si Erick. pinapanood nila ang pagtatanghal ng mga mamayan ng kamote. Karaniwan na itong ginagawa kung may uupo sa trono.
"Siguro naman kuntento ka na sa nangyayari ngayon, mahal na reyna." Ang sabi ni Erick.
"Akala ko, magagantihan ko talaga si Angelica. Hindi ko pala kaya. Kulang pa ang lakas ko para tapatan ang kahusayan niya pagdating sa laban. Gayunpaman, napatawad ko na siya Erick. Naiintindihan ko na kasi ang dahilan niya kaya niya nagawa yon." Paliwanag naman ni Reyna Lor habang ngumunguya ng kamote candy.
"At least sumaya ka na ulit." Nabaling ang atensyon ni Erick nang makita ang pagdating ni Prinsepe Bubblegum. Nahinto ang sayawang tanghal ng madla at nagbigay pugay sa pagdating ng prinsepe. Lumapit ito sa reyna at...
"Wala ka bang gagawin sa araw na ito Lor?" Nasa mahinang tinig ni Prinsepe Bubblegum.
"An. Wala naman, anak. Bakit mo naman natanong?" Nasa mood ang pagtugon ni Reyna Lor.