Sa isang pribadong silid na plain white lamang ay ikinulong ang isang taong nakakaalam sa kamote barrel scam. Dito isinama ni Aeonne si Roy ngunit bago pa pinapasok si Roy, meron ng pagdududa si Aeonne sa kanyang ikinilos...
"Hey, before we enter the door Astrox, lemme know few words from you ok?" Panimula ni Aeonne at nag-nod naman si Roy, "I just don't understand why you're in a hurry for a while. If Bossing told you to talk to the kamote whistle blower, why didn't he lead you or guide you with some guards y'know... For you to be able to reach without losing the way."
"Kasi, may ginagawa pa kanina si Bossing Sirchief kaya hindi na rin ako nagpatulong sa kawal na pumunta rito, ako nalang ang nagkusa." Pagdadahilan naman ni Roy ngunit, hindi pa rin kumbensido si Aeonne sa kanya.
"I know I trust you Astrox but, are you really one of us?" Sa sinabing iyon ni Aeonne, parang may sumibat sa puso ni Roy nang mga sandaling iyon. Simula nang dumating siya sa palasyo, panay na ang pagsisinungaling niya sa mga taong nakakasalamuha niya.
"Kung ano man yang nararamdaman mo sa akin Aeonne, wala akong ginagawang masama. Wala akong tinatago sa inyo kaya huwag mo na akong pagdudahan." Sinabi yon ni Roy habang hawak-hawak ang mga kamay ni Aeonne. Bigla tuloy napamulahan ng mukha si Aeonne.
Binuksan na ni Aeonne ang pintuan ngunit hindi sila nakapasok na dalawa. Kakaibang pwersa yung naramdaman nila at itinaboy sila ng pwersang ito. Gulat at parehong walang nagawa ang dalawa nang tumilapon sila. Kasunod nito ay nagsara ang pinto.
"Anong nangyari? Bakit hindi tayo makapasok?" Takang tanong ni Roy.
"She don't want to see us. She have that kind of unusual aura just enough to shoo us here." Sagot ni Aeonne sabay tayo, "Come on now, let's leave her. Maybe you can go back some other time if she's ready to talk to you." Wala ng magawa si Roy kundi ang sundin si Aeonne. Bumalik nalang sila sa kanilang dating gawa. Si Aeonne ay bumalik sa kanyang opisina habang si Roy naman ay binaling ang atensyon sa mga kawal. Nabalitaan niyang nahuli na raw sina Brian at Zoro. Sa ngayon ay inaalam niya na kung saan dadalhin ang mga bihag.
Si Zoro ay dinala nina Stix at Yemjee sa isa pang torture room. Dito ihiniga si Zoro at iginapos ang kanyang katawan para hindi na makapalag. Hinihintay na lamang nila ang iuutos ni Gwapong Marine kung ano ang gagawin kay Zoro. Sa kabilang dako naman, kakarating lang nina Sunako at Brian sa palasyo. Kasalukuyang nakagapos na ang mga kamay ni Brian habang naglalakad sila sa hallway. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay biglang nakaramdam ng kaba si Brian. Ito kaya ay dahil nag-aalala siya sa posibleng gawin sa kanya ng mga tagaisda? Habang patuloy sila sa paglalakad ay may tumawag sa kanila. Napahinto si Brian sa narinig. Bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. Pakiramdam niya anumang sandali ay mamamatay na siya sa sobrang kaba. Pamilyar sa kanya ang boses nun.
"Lo?" Tawag ulit dito. Napalingon naman agad si Sunako sa likod at nakita niya kung sino ang tumatawag. Hindi pa rin lumilingon si Brian dahil para siyang nanigas.
"Bossing Sirchief." Tawag naman ni Sunako sabay yuko sa hari, "Narito na po ang bihag na si Zoro, isang kasapi ng Kamote Kingdom."
Lumapit ng dahan-dahan si Gwapong Marine palapit kay Brian. Si Brian naman, parang tumigil na ang oras sa kanya sa mga sandaling ito.
Ang tumatakbo ngayon sa kanyang isip sa oras na magtagpo ang landas nila ni Gwapong Marine, bubugbugin siya at ipapakain sa mga isda. Yun ang kinakatakutan niya. Ngunit, ano kaya ang nangyari? Bakit mali yata ang naiisip niya?
"Lo..." Nasa mahinang boses ni Gwapong Marine. Sa ngayon ay nasa likod na siya ni Brian. Tumabi naman si Sunako at, "Bakit ka nandito Lolo Brye?"
![](https://img.wattpad.com/cover/9271353-288-k404294.jpg)