"Pambihira ka, pinahihirapan mo pa kami yun pala pinapasok mo rin kami." Pasisi pa si Mary Joy nang nasa loob na sila sa Villa Esperanza.
"Wala naman talaga akong concern sa inyo pero dahil sinabi sa akin ni Dhie, wala akong magagawa kindi sundin siya." Medyo nagmamatagis ang tono ni Marvin.
"Hmp!" Umirap lang si Mary Joy.
"Ang mabuti pa, panoorin mong makipaglaban si Rider Redlier." Sabi ni Marvin. Dumungaw na rin si Mary Joy para tingnan ang nangyayari sa labas. Dito'y nakita niya ang mga lobo na naging taong lobo.
"Bakit naging ganyan sila?"
"Gawa yan sa horror kamote." Sabi ni Marvin.
"Horror Kamote?" Ngayon lang narinig ni Mary Joy ang bagay na iyon. "Anong horror kamote?"
Sa labas, isang bakbakan ang nagaganap. Kaya lang, sa sitwasyon ni Rider Redlier, mukhang kakailanganin niya ng tulong dahil marami ang mga kalaban. Dininig naman ng langit yun. May sumaklolo sa kanya sa pakikipaglaban. Sino siya?
"Kapangyarihan ng sinulid, kamote stitch!" Isa-isang naputol ang mga katawan ng taong-lobo sa dumaang sinulid. Yung iba naman ay humigpit sa kanila sa pagkakatali hanggang maubusan ng hininga.
"Sinulid? Saan galing ito?" Pagtataka ni Rider Redlier.
"Walang oras ang makakapigil pag ako na ang aatake. Di ko sasayangin ang pagkitil kung may buhay akong puprotektahan." Sabi ng bagong dating.
"Sino ka?" Natanong ni Rider Redlier.
"Kilos ko'y mapanganib, salita ko'y nakakabilib, tanong mong nakakaakit kaya aking isasambit... Spider... Ako si Spider."
"SPIDER?" Ulit ni Rider Redlier.
Sa loob naman ng villa, napatanong si Mary Joy kung sino ang bagong dating. Hindi naman siya masasagot ni Marvin dahil ngayon lang din niya nakita ang bagong dating na si Spider.
Si Spider ay may pagkamakata kung magsalita. Palibhasa mahilig siya sa fliptop. Siya ay nakasuot ng sumbrero, natatakpan ng panyo ang kanyang ilong hanggang bibig. Mata lang kasi ang nakikita. XL ang kanyang damit na may tatak ng gagamba, lawlaw din ang kanyang pantalon. May mga bangles din siya at sapatos niya ay parang ragged. Ganito ang ayos ni Spider.
Salamat sa kanyang pagdating dahil nagapi nila ang mga kalabang Horror Kamote. Nagising si Iyrah. Tapos na rin ang laban. Nagsilabasan sila para lapitan ang dalawang bayani.
"Salamat sa inyo, dahil sa inyo, naligtas ang buhay namin. Utang talaga namin ni Sissy ang buhay namin sa inyo." Taos pusong nagpapasalamat si Mary Joy.
"Hey! Baka hindi pa ito ang oras ng pasasalamat. May misyon pa kayo na kanyang isisiwalat." Sabi ni Spider sabay turo kay Rider Redlier. Napatingin na rin sina Iyrah at Mary Joy.
"Napanood ko sa balita ang nangyari kay Parekoi Dan, gustuhin ko mang magkusa nalang na ibigay ang crest, hindi puwede. Di ko rin naman puwedeng itago nalang ito at 'wag ibigay sa inyo sa kadahilanang hindi ko pa kayo nakikilala ng lubos." May pag-aalangan sa sinabi si Seon. "Kaya naman..."
"House rule #1 Pansinin ang sinumang kamote, in or out." Nasabi ni Spider sa kanila.
Napangiti sina Mary Joy at Iyrah.
"Oo nga pala, sandali, magpapasabog ako ng confetti." Taranta si Iyrah. Saan ba kasi siya kukuha ng confetti.?. Nagsitawanan naman sila.
"Bueno, ibibigay ko na sa inyo ang kinaiingatan kong crest... Ito ang Crest of Courage, sa aking nakikita... Ang nagpakita sa inyo ng katapangan sa karera na ito ay walang iba kundi si Mary Joy. Kaya Mary Joy, ingatan mo ito ha sana makarating yan kay Parekoi Dan." Nakapagdesisyon na rin si Seon.