125. Kamote Club: Prologue

53 0 0
                                        

Bago natin simulan ang palabas, recap na muna sa mga clues ng movie version na itatanghal natin ngayon. Ang Kamote Club movie version (The untold story) ay hango sa buhay ng isang futuristic character na si Prinsepe Jazz na siyang dumalaw sa panahong mga estudyante ng hayskol pa lang ang mga bida natin. Sa mga nakaraang kabanata, ang mga clues ay nung Kamote Amazing Race na kung saa'y ginamit ng mga Nexusians ang tinatawag na kamote crests laban sa noo'y naging halimaw na si Ydann dulot ng kamote virus. Nung dumalaw si Leviathan sa isip ni Brian (ako pala yun) at hinalungkat nito ang kanyang nakaraan, sa seven kamote sins yun. Ipinakita roon ang naging karanasan niya kasama ang mga karakters sa Kamote Club. At ang huli, sa Kamote Hunt na kung saan ay huling nagkrus ang landas nina Haring Hero at Angelica, may time interval doon nung bumisita si Prinsepe Jazz. Doon nabunyag ang misyon ni Jazz. Sa palabas na ito, tagpi-tagpiin na natin ang mga nangyari noon sa buhay ng Kamote Nexus. Ito ang handog ni Author bilang pasasalamat sa unang anibersaryo ng Kamote Nexus sa Wattpad. So, simulan na natin ang palabas...



Imagine guys na nasa theater tayo. May malaking telon sa harap, madilim yung paligid at may mga taong magsisipanood ng palabas. Red carpet ito para feel na feel na espisyal kayo. Nasa sine tayo ha... Suotin na ang 3D eyeglasses n'yo dahil magsisimula na ang Kamote Nexus the movie. Andito pa rin siyempre ang ating sound effects na si Erick at ang music effects na si K3U. Kaya heto na, wag na nating patatagalin pa in-


3

2

1


ACTION!!!


"Ang programang ito ay may tema at eksena na hindi angkop sa mga batang manonood. Patnubay ng magulang ay kailangan."

"This program contains themes and scenes not suitable for very young audiences. Parental guidance is advised."


[  Future time,  year 20kyeme, era of kamote extinction  ]



"BWAHAHAHA, WASAKIN ANG KAHARIAN NG KAMOTE! BWAHAHA!!!" Ang tawa ng isang lalaking nakasuot ng wizard outfit na kulay pula at asul. Ang pangalan niya ay si Colgate, pinuno ng mga mananakop.



Nasa digmaan ang mga tagakamote sa panahong ito.



"Takbo na mga kasama!"! Sigaw ng isang kawal sa palasyo ng kamote.

"Hindi! Kailangan nating protektahan ang palasyo!" Sabi naman ng isa pang kawal. Nagkalat ang mga kawal sa palasyo gayundin sa mga kaalyansa nilang mga sundalong hukbong sandatahan.

"Hetong sa inyo, Kamote beam!!" Ang sabi ng isang mandirigma na kulay ube ang balat. Kanyang inatake ang mga kawal ng palasyo gamit ang kakaibang baril na naglalabas ng mahiwagang enerhiya.


Kamote NexusMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon