48. Kamote Loves You

121 3 0
                                        

Nag eye to eye contact sina Spider at Ydann.

"Talaga bang hindi mo na ako nakikilala?" Ulit ni Spider.

"Papano kitang hindi makilala eh nakatakip nga yang mukha mo!!" Parang normal na magsalita si Ydann.

"Tsk." Bumuntung-hininga na muna si Spider saka siya nagsalita, "Kung wala ka Brad, hindi magiging ganito ang mundo ko. Hindi ko mahahawakan ang aking sinasakupan kapag wala ka sa tabi ko. Naging katuwang kita sa mga plano ko sa buhay, sa bayan at sa Nexus. Kinalimutan mo na ba ang lahat ng iyon?"

Sandaling nag-isip si Ydann. Wala kasi siyang ideya kung sino ang nasa harapan niya. Ngayong hindi man tahasang umamin si Spider, may pakiramdam na si Ydann kung sino ito...

"Brad? Ikaw ba yan?" Ang sabi ni Ydann.

Tinanggal na ni Spider ang kanyang takip sa mukha at, "Oo, ako nga ito." Na may kasamang ngiti.

Nakumpirma na nga kung sino ang lalaki sa katauhan ni Spider, siya lang naman ang nag-iisang hari ng Kamote Kingdom!!! Si Hero? Pero teka nga muna, di ba kinidnap nga siya sa nakaraang kabanata? Papano naging siya si Spider? Later nalang yan ididiscuss. Focus muna tayo sa eksena nilang dalawa...

"Kunting tiis nalang Brad, parating na ang mga tutulong sa iyo para maibalik ka sa dati mong anyo." Panigurado ni Spider.

"Hindi..." Tanggi agad ni Ydann, "Hindi ko kailangan ng tulong mo o ng kahit sinuman sa inyo! Walang makakatulong sa dinaramdam ko ngayon. Ang mabuti pa, umalis ka nalang kung ayaw mong idamay kita sa galit ko!!!"

"Baka nakalimutan mo kung saan ka nakatayo ngayon." Paalala ni Spider. Parang uminit ang atmosphere.

"Alam ko, teritoryo mo ito!"

"Kapag manggugulo ka rito ay para mo na rin akong sinaktan. Ayaw mo ng tulong? Gusto mong makapag-isa na walang karamay? Pag-isipan mong mabuti yan Brad. Walang taong nabubuhay sa mundo na nag-iisa." Drama masyado si Spider. Saan kaya siya kumukuha ng linyang ganyan?

"Arrrrrr tumahimik ka! Hindi mo na mababago ang isip ko!!!" Tinapos na ni Ydann ang usapang iyon nang maglabas siya ng kakaibang amoy sa kanyang pwet. May halong toxic ang hangin na iyon. Napaatras sina Spider at Shin. Muling nagwala si Ydann.

"Chen, nasa iyo ang kamote crest of hope. Gamitin mo ang kapangyarihang iyan para magapi si Ydann." Utos ni Spider.

"Pero papaano po?" Si Shin.

"Isigaw mo ang pangalan ng crest na hawak mo at tiyak na darating ang tutulong sa iyo." Paliwanag ni Spider.

"Ok po." Sang-ayon ni Shin. Nakapokus agad siya, yun bang nasa kanya ang atensyon ng camera tapos iniangat niya ang kanyang kamay na hawak ang kamote crest of hope sabay sigaw na... "P A G - A S A!!!"

Ilang segundo lang pagkatapos nun ay biglang nagliwanag ang kanyang crest. Ang liwanag nito ay tumaas hanggang sa alapaap. Abot tanaw ito ng iba pang kanexus na nakikipaglaban ngayon sa mga horror kamote na nakamascot. Tumingala rin si Ydann. Alam niya kung ano ang ibig sabihin nun dahil maging siya ay may kamote crest din bilang tanda ng pagkakaibigan nila.

Isang magarang sasakyang pandigma ang lumabas mula sa itaas ang dumating...

"Yan ang hope pit, sabihin mo ang 'dive in' para makasakay ka dyan." Sabi ni Spider.

"Ok po." Ang tanging sabi ni Shin, "Dive in!!" At bigla siyang nawala sa paningin ni Spider. Agad siyang nailipat sa loob ng hope pit.

Ang hope pit ay sasakyang pandigma na anyong tanke pero lumilipad. Nakatutok si Shin sa harap ng halimaw.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon