"Paalam." Ang sabi ni Reyna Angelica bago niya tuluyang kitilin ang buhay ni Inday Lor.
"HINDI!!!" Ang sigaw naman ni Prinsepe Bubblegum.
"Ha-do-ryo!!" Mula sa di kalayuan, may isang kakaibang enerhiya ang dumating na tumama sa kamay ni Reyna Angelica at kanyang nabitawan ang espada.
"Argh!" Tanging ekspresyon ng reyna sa pagkagulat.
"Kamuntikan na yon ha!" Ang sabi ng kararating lang na si K3U. "Buti naman nakaabot pa ako!!"
Nakatuon kaagad ang tingin ng lahat kay K3U.
"Ikaw?" Nganga sa gulat si Reyna Angelica.
"K3U!" Tawag ni Inday Lor, "Salamat sa Diyos at dumating ka..."
"Teka, paanong naging maskulado ang mensahera ng palasyo?" Pagtataka naman ni Prinsepe Bubblegum.
"Ito ang kapangyarihan ko mahal na Prinsepe." Sagot ni K3U, "Naparito ako para iligtas kayo kay Angelica."
"Anong..." Nagkiskisan ang mga ngipin ni Reyna Angelica sa galit. "Traydor ka!!!"
"Tsk tsk tsk. Magbabayad ka ng mahal, Angelica, huwag ka ng magpanggap na reyna dahil hindi bagay sa itim mong budhi! Alam ko na ang lahat, salamat sa reversal potion na pinainom sa akin nung mangkukulam." Paliwanag ni K3U.
"Si Mary Joy!" Sabi ni Inday Lor.
"Mahal na reyna, mahal na prinsepe, may dala akong magic kamote beans. ( sabay hagis nun ) Babalik sa dati ang inyong lakas sa oras na makain nyo yan." Ang sabi ni K3U sa mag-ina. nasalo naman yun ng dalawa gamit ang bunganga nila. Good catch ang mother and son eh.
"Grrr!! Seraphy, gulpihin mo ang traydor na yan!!" Galit na utos ni Reyna Angelica.
"Okey pero kailangang dagdagan mo ang ibibigay mong kamote ha, utos ka kasi ng utos eh." Heto na naman po tayo...
"Oo na, dadagdagan ko ng isang kilong kamote ang ibabayad ko sa inyong apat." Pumayag naman ang reyna. Sinugod na ni Seraphy si K3U.
Nang makain naman ng mag-inang maharlika ang magic kamote beans, agaran namang bumuti ang kanilang lakas. Nagawa nilang pareho ang pagsira sa pagkakadena sa kanila at mabilis na sinuntok at sipa ang dalawang anghel na nagbantay sa kanila. Matapos nun ay nakalayo sila sa mga ito.
"Bakit nyo sila hinayaang makatakas?" Kumunot na ang noo ni Reyna Angelica sa galit.
"Humanda ka sa akin, pagbabayaran kita ng mahal!" May galit na sabi ni Inday Lor, "Matitikman mo na ang galit ko Angelica...!..."
"He!" Tipid namang tugon ng reyna rito.
Sinugod nina Mephisto at Gabriel ang mag-ina habang inililikas naman ni Lovie si reyna Angelica. Tatakas ito para makapagrecharge na rin. Dahil sa nangyayaring labanan, nalalagay ngayon ang palasyo sa napipinto nitong pagkawasak.
Takbo ng takbo sina Uel at Ydann hanggang sa marating nila ang itinurong lugar kanina ni Chen. Wala na roon sina haring Hero at Brian. Itinuloy nila ang pagtakbo baka sakaling nasa malapit lang ang dalawa. Nang marinig nila ang malakas na sigaw ni Prinsepe Bubblegum, kinabahan bigla si Ydann. Alin kaya sa dalawa ang dapat nilang uunahin na puntahan.?.
"Uel, puntahan natin ang pinanggalingan ng sigaw na iyon." Pakiusap ni Ydann.
"Ngunit, paano na ang mahal na hari?" Si Uel.
"Nandun na si Brian. May tiwala naman ako kay T2 na hindi niya pababayaan ang ating mahal na hari. Sa ngayon, kailangan nating puntahan ang prinsepe... May kutob kasi akong hindi maganda sa kanya ngayon." Paliwanag ni Ydann.
