144. Combination Of Kamote

12 0 0
                                        

Kamote Nexus movie


Erick/K3U sound and music effects: kgggo isyu iawwfu hsuaoqp hdjrt hhg


Flashback scenes bago ang pagdating ng mga alien


Ang karaniwang ginagawa ng mga estudyante ng Blaast School Academy. Ang bawat estudyante sa kani-kanilang club ay nagtatagisan ng kanilang kaalaman base sa kanilang sinalihang subject. Base sa rankings ng Academy, ang club na nangunguna sa lahat ay ang Science club na kinabibilangan nina Hero at Colgate.

"Pakiusap, gamutin n'yo siya!" Pagsusumamo ng isang estudyante sa Science club.

Lumapit si Colgate sa pasyente at hinawakan lamang nito ang pulso, alam niya na agad ang sakit ng estudyante... "Kumuha kayo ng mga sumusunod: mainit na tubig, tuwalya, at dahon ng kamote. Isama n'yo na rin ang first aid kit, nandun ang iba ko pang kakailanganing gamot. Ang pasyente ay may mataas na lagnat sanhi ng kanyang bukol sa tagiliran." Seryosong sabi ni Colgate. Nagmadali namang kumuha ang kanyang mga kasamahan sa kakailanganing gamot.


Makalipas ang maikling sandali...


"Hayan... Bumubuti na ang kanyang kalagayan." Sabi ni Yangski. Ang lahat ay nasa Science club nang mga sandaling iyon.

"Maraming salamat Colgate, hulog ka ng langit." Ang sabi ng nagmagandang loob na estudyante sa maysakit.

"Salamat." Ang sabi naman ng maysakit. Binigyan naman sila ng ngiti ni Colgate at...

"May clinic naman sa school, bakit sa club namin kayo lumapit?" Natanong ni Colgate.

"Napag-alaman kasi naming mahusay ka sa larangan ng medisina. Hindi nga kami nagkamaling lumapit sa inyo." Sagot naman ng estudyante. Marinig lamang iyon ay sapat na ito kay Colgate bilang papuri.

"Tol, ang galing mo talaga, napakahusay ng iyong ginawa." Puri ni Rhay.

"Siyempre, siya ang ating bise presidente ng Science club eh." Dugtong naman ni Yangski.

"Hayan na naman kayo. Hindi gusto ni Colgate ang simpleng kabutihan sa kapwa ay pinupuri pa ng ganyan." Sita naman sa kanila ni Hero. Panira ng moment.

"Di ka pa nasanay Hero eh. Hayaan mo nalang sila." Awat naman ni Colgate. Pankaraniwan na sa Science club ang ganitong mga eksena. Kung sino yung umaangat ay pinupuri kaagad.


Kilala si Colgate bilang isang mabait at kagalang-galang na estudyante ng Blaast School Academy. Matulungin din siya sa mga nangangailangan. Top student din siya sa klase kaya parating nasa kanya ang atensyon ng lahat. Sa kabila ng kanyang mga narating ay tila hindi sapat iyon para siya ay lumigaya. May bagay siyang gustong gawin at hindi niya pa yun natuklasan. May kung ano'ng kulang na gusto niyang hanapin.

Isang araw habang naglalakad si Colgate at namimili ng kung ano sa bazaar...


"Tulong! Tulong! May magnanakaw!" Ang iyak ng ale na ninakawan ng mamahaling bag. Tumakbo ang magnanakaw sa mismong dinadaanan ni Colgate.

"Tabi!" Ang sabi nito sabay tabig kay Colgate. Bahagyang nawalan ng balanse si Colgate sa ginawang iyon ng lalaki.

Walang rumesponde na kahit na ano o ni nagmagandang loob man lang na tumulong. Sa totoong buhay, ganito ang ginagawa ng mga tao sa ganitong lugar, alam nila o kilala nila ang salarin ngunit ayaw nilang isumbong sa pulis... Ayaw nilang masangkot sa gulo dahil armado ang magnanakaw. Nang mga sandaling iyon, isa lang ang iniisip ni Colgate, tutulungan niya ang ale. Hinabol niya at hinanap ang magnanakaw hanggang sa madala siya ng kanyang mga paa sa lugar ng mga iskwater. Napupuno ito ng mga tambay, inom dito, inom doon. May mga batang yagit sa daan, mga nagsusugal sa tabi, mabahong paligid. Lahat ng iyon ay kinaya ni Colgate na magpatuloy sa paglakad. Pagdating niya sa isang bakanteng lote na tambakan ng mga yero at semento, nakita niya ang mga animo'y batang walang magulang, payak at marumi. Nadatnan niya ang mamang nagnakaw kanina na may dalang masasarap na pagkain. Pinapakain nito ang mga batang musmos at gusgusin. 

Kamote NexusMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon