27. Finding Golden Kamote

146 4 3
                                    

"Hi, ako nga pala si Aikie. Gusto kong pumunta sa palasyo para makuha ang golden kamote. Tara, samahan nyo kami ng aking alagang oso na si Mommybear sa aming paglalakbay."

"Waaaa." Sabi ni mommybear.

"Icheck na po natin ang mapa kung saan tayo unang pupunta..."


Lake

Mountain

Kamote Palace


"Alam nyo ba kung saan kami unang pupunta? ( 5 seconds ) Tama! Sa lake nga. Tara Mommybear, pumunta na tayo."

"Waaaaaa."

"C'mon vamonos! Everybody lets go. Come on lets get do it. I know that we can do it! Where are we going? Kamote Palace. Where are we going? Kamote Palace. Where are we going? Kamote Palace. Where are we going? Kamote Palace. Kamote Palace!!!"...

..."Nasa gubat na tayo Mommybear."

"Waaaa."

"Meron ba kayong nakikitang lawa mga kaibigan?" ( nagclick ang blue cursor ) tooooot

"Waaaaa."

"Hayan na pala ang lawa! Tara mga kaibigan..." Yaya ni Aikie.

Magsolo ka nalang Aikie. Magtext ka nalang pag makarating ka na sa palasyo. Sana gabayan ka ng mapa nang hindi ka maligaw.





Balik sa palasyo...

Dali-daling bumaba ng palasyo si Shin at kanyang tinungo ang kinaroroonan ng balong malalim. Doo'y nakita niyang nakatulala ang kanyang bessy. Nilapitan niya ito upang alamin ang mga kaganapan kanina lang...

"Sinabi na sa'kin ni CM ang nangyari sa iyo kanina Bessy. Sinong impakto ang gumawa nun sayo?" Panigurado ni Shin.

"Hindi ko nga rin alam Bessy eh," Nalilitong sagot ni Krish, "Wala kasi akong matandaan buhat nang may kumontrol sa akin. Hindi rin daw kilala ni Baet yung lalaki pero sabi niya, mukha raw tarsier yun."

Tumango naman si Lulu.

"Ah, sige Bessy," Nasabi nalang ni Shin, "Meron nga pala akong sasabihin sayo. Atin-atin lang to ha."

"Ano yun?" Interasadong tono ni Krish.

"Kani-kanila lang, habang tinitingnan ko yung doodle radar ko, nakuha na pala ni android Shin yung golden kamote!"

"Talaga Bessy?" Lumaki ang bibig ni Krish sa pagkasurpresa niya. Naghawakan sila ng mga kamay at nagsipagtalunan na parang mga aning at...

"Pero dapat walang makakaalam nito ha." Humina ang boses ni Shin, "Ngayong araw kasi, papasok na sa loob ang tatlong impakto sa inner core. Pag nagkataon, tiyak masisira ang plano natin. Kailangang hindi sila magkakasalubong doon sa loob ni android Shin ko."

"Ah eh, titingnan ko muna Bessy kung may magagawa ako riyan. Sa ngayon kasi, may ibang tao nang nakapasok sa loob." May pagdadalawang isip sa sinabi ni Krish.



Samantala, nakarating din sa palasyo si Death. Sinalubong siya ni Messenger K3U at iniharap kina prinsepe Bubblegum at Brian. Dito'y sinabi na ni Brian ang dahilan kung bakit isinagawa nila ang Kamote of the Philippines ay dahil sa pagrecruit ng palasyo ng dalawang makakasama ni Brian para sa importanteng misyon na ito. Tumango lamang si Death sa nasabing misyon. Isang mahalagang misyon na tiyak papakinabangan din ng Isda Kingdom sakaling maaagaw niya ang golden kamote.




Pagkatapos ng usapan ay tinungo na nila ang hardin ng palasyo. Nagpaiwan na muna si Death upang tawagan ang kanyang bosing...

"Boss Sirchief, naghahanda pala ang palasyo sa ikauunlad daw ng Pilipinas! :joy: :wink:" Balita niya rito.

"Sige, ano namang paghahanda ang kanilang isasagawa?" Walang ganang tanong ni Gwapong Marine.

":sob: :whale: :thumbsup: Hahanapin daw namin ang golden kamote na siyang magpapayaman sa bansa." Kwento ni Death, ":rage: :wink2: Isa ako sa napiling kukuha sa nasabing kamote, boss. Makakasama ko sa misyong ito sina Brian at prinsepe Bubblegum. Papasok kami ngayon sa inner core."

"Mabuti kung gayun." Mukhang interesado na si Gwapong Marine sa kwento, "At pagkatapos, saka mo nakawin sa kanila ang golden kamote. Galingan mo dun, Death."

"Makakaasa po kayo, Bosing. :thumbsup:" Sabi ni Death at pagkatapos ibinaba niya na ang cp.




Well... Nawala ata sa ere ang ating android nu.?. Atin na munang balikan ang mga nangyari sa kanya sa loob ng inner core.

Ju Lee Shin's adventure in inner core...

Nang pumasok sa loob ng balon si Shin gamit ang portal na gawa ni Krish, sari-saring lugar at nilalang ang kanyang mga naengkwentro. Nariyan na ang mga gnome kamote, sila yung mga nilalang na nakatira sa second layer ng lupa. Siyempre, nakipaglaban dito si Shin. Dahil isa siyang android, meron siyang mga sandata na nakapaloob sa kanyang katawan. Siya kasi ang nawawalang ate ni Astroboy. Nagapi niya ang mga gnomes at nagpatuloy siya sa kanyang paglalakbay. Nalagpasan din niya ang mga golems, gaseous creatures, lava creatures at mga abubot sa ilalim ng lupa hanggang sa marating din niya sa wakas ang inner core.

Sa outer core ay may gwardya. Hindi pinapayagang makapasok ang tagalupa kung walang vip card. Girl scout ata si Shin kaya nakahanda siya rito. Pinagbuksan siya ng gate. 

Sa loob pala ng inner core ay may isang siyudad! Dito pala nakatira ang mga masasamang nilalang! Hindi mo matatagalan dito na tumira dahil pangit ang batas na pinaiiral dito. Pero wag na nating ikwento ang inner core, basta imagine nalang sa pinakaworst na lugar sa earth, kawangis na iyon ng inner core ok?..

Gamit ang x-ray vision ni Shin, hinalugad niya ang buong siyudad. Doon sa cr ng mga lalaki siya pumasok. Sa toilet siya nakatutok. Doon pala nahulog ang golden kamote. At siyempre, pikit-mata ni Shin na pinasok ang kanyang kamay sa toilet bowl. Hindi niya makapkap iyon. Sinira niya ito hanggang sa bumulwak ang nasa loob ng septic tank.


Erick sounds--- tentenenentenen



Lumitaw ang golden kamote sa masangsang na amoy sa loob ng cr. Nangibabaw ang kinang nito kaya agaw pansin talaga ito. Kinuha iyon ni Shin saka dali-daling lumabas ng cr.

Nahuli siya ng mga nilalang sa inner core. Nga pala, mga gangster pala ang mga ito, member din sila ng Yakoza at Mafia. Sila ang utak sa sindikato sa Earth.

Siyempre, nagpakasuperhero itong si Shin, suntok dito, sipa roon. Erick, pakidemo ng sound pls.




Erick  --- pak! Boom! Tugs! Toinks! Ouch! Ahh! Ohh! Yeah! Aha! C'mon yow!!


Oops! Nasubrahan ata sa sound effects... Nyways, nagtagumpay pala si Shin sa mga kalaban kaya ligtas siyang lumabas ng inner core dala-dala ang golden kamote.

The End.





Sa hardin naman, naroon na sina Brian, prinsepe Bubblegum at Death. Ahm,,, parang praning si Shin sa kanyang pagkakita kay Death. Inihanda na rin ni Krish ang kanyang magic wand. At siyempre, nagcheer din sila sa tatlo bago tuloyang pumasok sa inner core.


"Goodluck guys!" Pahabol ni Shin sa tatlo, *Magsasayang lang kayo ng oras sa loob dahil nasa aking android na ang golden kamote*... 

..."BWAHAHAHAHAHA!!!" Tawa si Shin tulad sa mga kontrabida sa Disney fairy tales.


Sa loob din ng palasyo, nakabihis ng sexy attire si pilyang reyna Lor. Pupunta pala siya ngayon sa Bohol upang kumustahin ang mga taong sinalanta ni bagyong Kamote nitong nagdaang mga araw. Kasama niya ang kanyang bodyguards at bagong Butler na si Erick.

Si haring Hero naman ay nakababa na sa kanyang royal car. Pumasok na siya sa kamote building. Naroon na sa loob ang mga taong naghihintay sa kanyang SONA.


Anu-anong kamotehan kaya ang naghihintay sa ating mga tauhan?

May tag of war kayang magaganap sa loob ng inner core?

Kanino ba dapat mapupunta ang golden kamote?

Abangan ang mga kapana-panabik na tagpo ng ..

KAMOTE NEXUS

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon