105. Kamote And Isda: Troublemaker

54 2 6
                                        

Pagdating nina Gwapong Marine at Sunako sa dolphin room...

"Sandali..." Sabi ni Sunako sa boss niya. Kanya munang dinampi yung palad niya sa pintuan at dinama ang kung anong naroon sa loob, "Wala na akong nararamdamang tao sa loob."

"Pano't kasasabi mo lang na nandito yung dalawa?" Maging si Gwapong Marine ay kumunot ang noo dahil sa narinig. Sapilitan niyang binuksan ang pinto at nang mabuksan ito, wala nga silang nakikitang tao. Pumasok silang dalawa at nilibot yung paningin sa kwarto.

"Lumusot sila sa secret doorway ni Prinsesa Maricon, Boss." Ang sabi ni Sunako habang dinarampi ang palad sa isang dingding na may linya na may bahagyang bukas na espasyo.

"Hindi sila nagtagal dito dahil alam nilang huhulihin ko sila." Napasimangot na si Gwapong Marine, "Kung ganito pala mag-isip ang mga ipinadala ni Hero, gaganahan akong makita sila... Dudurugin ko sila sa oras na makita ko sila!" May galit power yung pananalita niya sa side na ito.


Balik muna sa control room. Si Nissy ay binabalaan si Dok Shineley sa balak nitong gawin sa sugatang sina Zaidac at Ranth.

"Mag-isip-isip ka doktor, kung gagamutin mo sila, isusuplong kita kay Gwapong Marine. Tingnan nalang natin kung ano ang gagawin niya sa iyo. Tandaan mong hawak niya ang buhay mo." Sabi ni Nissy habang nilalaro yung ballpen sa kamay nito. Nasisiyahan siyang makita ang pamumutla ni Dr Shineley.

"Wala akong pakialam sa pinagsasabi mo." Matapang na sabi ni Dr Shine. Nakaharap siya sa cctv ngayon, waring kinakausap nga si Nissy, "Baka nakalimutan mong isang doktor ang kinakausap mo Nissy. Gawain ko ang manggamot at hindi pinipili ng isang manggagamot ang gamutin ang mga nangangailangan ng tulong mapakakampi man o kaaway. Mabuti pa panoorin mong mabuti sa screen ang pinagagawa ng mga isda minions."

Sa sinabing iyon ni Dr Shineley, muling binalikan ni Nissy at tiningnan yung area na pinagdaraosan ng laban kanina. Nakita niyang karga-karga na ng dalawa pang isda minions ang walang malay na sina Que-c at Razor. nakahinga ng maluwag si Dok Shine dahil hindi niya na narinig ang boses ni Nissy. Subalit...

"Iniisip mo bang takpan ang tunay mong binabalak na gamutin ang mga kalaban sa pamamagitan ng paggamot mo sa dalawang royal knights? Mag-isip ka ulit doktor... Itapon mo na yang prinsipyo mo na yan dahil nandito ka sa poder ni Marine. Kailangan mo bang paalalahanan ulit na hawak niya ang buhay mo?" Sa sinabing ito ni Nissy ay tila bang nacorner niya ang balak ni Dr Shine. Anu't-ano pa man ang kahihinatnat nito, nagdesisyon pa rin si Dr. Shineley na gamutin ang mga kalaban niya.

"Bahala na kayo kung ano na ang gawin n'yo sa akin. Nakuha na ni Gwapong Marine ang gusto niya sa akin, ako naman ang gagawa ng gusto ko." Buo ang loob niya sa side na ito.

"Kung yan ang gusto mo. Magpaalam ka na pagkatapos mo silang gamutin." Nakatawa pang sabi ni Nissy at saka niya tinapos ang convo nilang dalawa.



Sa kinaroroonan naman ni Roy, tumatakbo siya at tinahak ang lugar na posibleng paglagyan ng sinasabi ni Nissy na kamote whistle blower. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na makita yon habang nasa control room siya. Hindi niya rin alam na may itinago palang ganun si Gwapong Marine habang nandito siya't naninilbihan pa noon. Kailangang may dapat siyang gawin dahil ito ang huhusga sa kapalaran ng hari ng Isda Kingdom. Nakailang pasok na muna siya sa mga maling silid bago siya madatnan ulit ni Aeonne. Nagtataka ito kung bakit siya tumatakbu-takbo at palipat-lipat ng dadaanan.

"What? Are you gonna staring on me all day? Just answer my question! What-are-you-doin'?" Nagtataray na si Aeonne.

"A-kasi..." Si Aeonne yung attorney ng Isda Kingdom. Ibig sabihin, alam niya ang tinatagong sekreto ni Bossing Sirchief.!. Nililihim nila yung susi sa paggamit sa kamote barrel na yon. At si Aeonne naman ang pumuprotekta kay Bossing. Dapat kong makita ang kamote whistle blower... "Kuan, inutusan kasi ako ni Bossing Sirchief na makipag-usap sa kamote whistle blower para makipagpalitan ng impormasyon sa Kamote Kingdom." Palusot ni Roy. Nagmarkang "?" naman yung utak ni Aeonne. Nandyan naman siya pero si Roy ang ipapakausap sa kamote whistle blower?

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon