49. Kamote Destiny

122 2 0
                                    

"LETS VOLT IN!!!"

Pagkasabi nilang iyon, nagkaroon ng pambihirang pwersa sa mga crest pit na sinasakyan nila. Ito ay nagsanib upang maging isa na naging si Gundam Kamote.

Ang katawan ni Gundam Kamote ay binubuo ng limang parte ng katawan. Sa feet ay ang tanke ni Shin. Ang legs ay ang submarine ni Mary Joy. Ang torso naman ay rocketplane ni Transam. Ang arms ay battlecar ni Nanah at sa head naman ang kay Roy na may jetplane. ( Hindi ito made in China )

Ang daming camera ngayon ang nakatutok sa bagong labas na robot. Dumami ang mga bata na nagsilabasan. Picture picture daw sila. More fun in the Philippines nga eh.




Nyways, si Ydann ay hindi natuwa sa pagpapakita ni Gundam kamote. Bumabalik kasi sa kanyang isipan noong nasa High School pa siya.

Kasama kasi niya noon ang limang orihinal ng crest pit. Nasa kay Ydann ang kamote crest of love. Ang kanyang sasakyang pandigma ay jetplane. Siya ang espada ng Gundam Kamote. Nakipaglaban sila sa mga mananakop sa Earth. 

Natalo nila noon ang mga mananakop at naging ligtas ang daigdig. Nang makatiyak ang pagkapanalo ay itinago na nila ang kanilang kamote crest. Bumalik na sila sa karaniwan nilang buhay. Si Hero ay naging hari na binantayan ni Ydann. Si Jazz ay ipinanganak sa mundo pagkatapos maikasal si Hero kay Lor. Ang Jazz sa hinaharap kasi ang talagang kaibigan ng lima at si Jazz din ang dahilan kung bakit nagkaroon ng Gundam Kamote. Si Gundam Kamote ay nanggaling din sa hinaharap. 

Ang Jazz na nasa Malaysia ngayon ay hindi alam na isa siya sa naging kaibigan ni Ydann. Regalo lamang ni haring Hero ang kanyang kamote crest nung nag one year old siya. Dahil wala siyang alam kung anong silbi nun, kanya muna yun pinangalaga kay Prinsesa Purple.

Naging Butler din si Seon para hindi maputol ang kanilang samahan. Si Brian naman ay naging tambay sa loob ng maraming taon dahil high school lamang ang kanyang natapos. Kapal din ng mukha niyang mag-apply sa call center dyan sa Cybercity Sobrecarey St. Obrero. Sa kasamaang palad, nareject siya. Buti nalang tinawagan siya ni Ydann para samahan siya sa pagiging investigator ng palasyo kasama si Trams. Doon isinilang ang T-brothers. Si Shin ay nag-aral ng mabuti at kinalimutan ang samahan. Pero nakabalik siya sa palasyo nang tanggapin niya ang alok ng reyna na maging sekretarya. Silang lima lang din ang nakakaalam ng kanilang nagawang kabayanihan noon. Ayaw kasi nilang malaman ng Earth na may E.T. ang sumasalakay dito. Magiging kontrobersyal ang lahat sa oras na mangyari iyon. 

Si Scientist Shineley, sa kanyang pananaliksik sa lunas kay Ydann, natuklasan niya ang tungkol sa kamote crest. Masyado ng mahaba ang istorya kung papaano niya nadiskubre yun.




"Hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko. Kailangang mabura na ang mga masasamang alala sa paningin ko!" Sabi ni Ydann. Naghanda na siya para lumaban.

"Guys, kailangan ko ang suporta nyo para sa gagawin ko." Sabi ni Roy sa kanyang mga kasama.

"Ano pala ang gagawin mo?" Intriga tuloy si Mary Joy.

"Basta, magtiwala lang kayo sa akin." Sabi ni Roy. 

Ganun na nga ang kanilang ginawa. Hinayaan nilang kontrolin ni Roy ang Gundam Kamote para kalabanin si Ydann. Sa ngayon gagawin niya ito para protektahan ang sangkataohan, isantabi muna ang pagkamatapat niya kay Gwapong Marine.



Erick sound effects     ---    tentenenentenen


Nagpasiklaban na ngayon ang dalawang higante. 

"Activate, Geass!!!" Ang sabi ni Roy. Nilipat niya ang kanyang Geass sa mata ng Gundam Kamote. Natingnan ito ni Ydann kaya napasailalim na siya ngayon sa kapangyarihan ni Roy.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon