128. Kamote Origins

43 0 0
                                    

Kamote Nexus movie


K3U music effects   (commercial tune) ten ten ten. ten ten ten. nen nen

Isang linggo bago ang pagdating ni Prinsepe Jazz sa nakaraang panahon...

Sa malaaawaaak na kalawakan, mga bituing nagniningning sa paligid. Mga bulalakaw at kometa sa solar system. Kaygandang pagmasdan ang kakaibang sining ng maylikha. Sa kalagitnaan nito ay may isang spaceship na singbilis ng kidlat ang lipad. May pagkabilohaba ang hugis nito na kulay abuhin at may mga maliliit na bilugan nito sa gilid ng sasakyan na siyang umiilaw...

"Jugjugjugjug..." Ang ingay na maririnig mula rito.

Ang sasakyan na ito ay lulan ang apat na nilalang na nagmula pa sa ibang kalawakan. Malamang, hindi sila mga tao pero ang kanilang katawan at anyo ay may pagkakatulad ng sa tao. May malalaki silang ulo at malaki rin ang dalawang maiitim na mata. May ilong ngunit walang tenga at may bibig ngunit di nagsasalita. Nakakapag-usap sila gamit ang isip. Wala rin silang buhok. Ang kulay ng kanilang balat ay lila, kapareho sila ng tindig ng sa tao pero may mahahaba silang braso na hanggang tuhod. Tatlo lang din ang kanilang daliri sa kamay at paa. Sila ay mga payat na kakaibang nilalang at may biluging tiyan na tawagin nalang natin na alien sa madaling salita ( para wala ng paglalarawan ). Ang kanilang sinasakyang spaceship ay gawa sa makabagong teknolohiya kumbaga advance ng sampung beses sa teknolohiya ng sa atin sa kasalukuyan. Ang sasakyan na ito ay nakapasok sa solar system sa paghahanap nila ng mapagkukunan ng pagkain. Ang kanilang planeta kasi ay hikahos na dahil walang lupa na pwedeng pagtamnan doon kung kaya't napilitan ang iba na maghanap ng matitirahang bagong planeta o ng makakain man lang. Kabilang na rito ang mga alien na ito sa kwento. Bago muna natin pakinggan ang kanilang istorya, hayaan nyong ipakilala ng inyong lingkod ang mga alien na ito. Sila ang mga panauhing karakter base sa imahenasyon lamang ni Author. In short hindi sila nag eexist tulad dun sa seven kamote sins. So, heto na...


"Af, fdk jdoogf djfooi kehgy!" Ang sabi nung kanilang navigator.

"Quesh faad harugs jrkfee jiop kahr werttgks bvbvfk..." Ang sabi naman ng katabi nito na abala sa pagsasaayos ng mga gamit.

"Fkwuy?" Anang isa pa.

"Fjaka tytyia hahai jekgieha kaols gugusi." Sabi naman ng nagmamaneho sa spaceship.


Alien na alien ba ang pagkakasabi? Ganun kasi ang kanilang lingwahe. At dahil nga movie ito, basahin natin ang subtitle nito ok? Heto na...


"Hayun! Yung kulay asul na planeta ang puntahan natin dahil may nasasagap akong mayroong buhay doon." Ang sabi nung kanilang navigator.

"Hindi natin alam kung anong meron diyan sa planeta na yan. Kung delikado ang planeta na yan, huwag nalang nating ituloy. Malalagay lamang ang buhay natin sa panganib pag nagkataon.." Ang sabi naman ng katabi nito na abala sa pagsasaayos ng mga gamit.

"Capt., Anong nakikita mo sa planeta na yan?" Anang isa pa.

"Ayon dito sa aking nakalap na impormasyon, ( nakatingin sa internet, may sarili silang website na mas advance sa atin ) ang ating tutunguhin ngayon ay ang planetang Earth na may 70% na tubig at 30% na lupa. Magandang planeta na mapagkukunan ng pagkain na sapat para sa atin." Sabi naman ng nagmamaneho sa spaceship.

"fkeit jrjwurrr?" ( Anong nakikita mo sa net, Kalfa, anong klase ng alien ba ang naninirahan sa planeta na yan? ) Tanong ni Tedeltha na halatang excited.

"d, jatuwi aahemki lepqi kejriwu nfnslliu uu." ( Well, sabi rito sa web ay normal lamang sila kung mamasdan natin. Bagaman pangit man sila tingnan ay meron naman silang ugali na hawig sa atin. Pero wala kayong dapat na ikapangamba dahil mas nakaaangat pa rin tayo sa kanila kung tutuusin. Papaunlad pa lang ang planeta na ito ) Ang sagot naman ng kanilang lider na si Kalfa.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon