7. The Kamote Island

241 4 4
                                        

Pumasok sa loob ng palasyo sina Shin at Krish na parang walang nangyari. Yun na nga, nakita rin nila ang bagong dating na mga Kamote Rangers na siyang ipapadala sa Kamote Island. Nakiusap si haring Hero kay Krish na gumawa ng lagusan papuntang isla.

Pinagbigyan naman ito ni Krish nang walang pag-iimbot.

May basbas ang Rangers ng reyna kaya mapagtatagumpayan nila ang misyon na'to.

At yun di'y nagsipasok na ang kamote rangers sa lagusan.

Si Dhen naman ang humarap sa hari at reyna. Nagpasalamat siya sa pagkain gayundin sa ginawad sa kanya na parangal. Iilang tao lang kasi ang nakakatanggap ng golden kamote medal sa bansa.

"Kung gusto mo Dhen, pwede ka rito tumira pansamantala habang wala ka pang matutuluyan." Alok ni reyna Lor.

"Naku! Hindi na po salamat. Ako'y masaya nang maglakbay at makarating sa kahit saan. Kahit ano pong balakid sinusuong ko malampasan lang ang unos. Hangga't nasa akin ang kamote crystal, hinding hindi ako maliligaw ng landas." Drama ni Dhen sabay tingin kay Krish.

Napalunok ng plema si Krish. Mukhang tinamaan sa sinabi nito. Hinimas lang din siya ni Shin sa likod sabay bulong na "Masarap ba?"...

Nagngitian sila.

"Sakaling meron na namang maghasik dito ng lagim, saan ka namin pwedeng kontakin, Dhen?" Si haring Hero.

"Ay! Online ako 24hrs sa Yahoo Messenger mahal na hari. Mag 'buzz' lang kayo at darating po ako." Diretsong sagot ni Dhen.

"Serrenefay ba ID mo?" Tanong ni reyna Lor.

"Ay opo mahal na reyna." Nakangiting sagot ni Dhen.

"Friends na tayo dun... Hehe, pilya_kulit ID ko dun." Ani reyna Lor.

"Ay! Ikaw pala yun? Yung--"

"Shhhh wag maingay baka ma-scandal tayo."

"Ahhh."

Akalain n'yo yun? May Yahoo Messenger ang mukhang pulubi? Hindi talaga mahuhusgahan ang panlabas na kaanyuan sa kanyang pagkatao. Pagkatapos ng maikling pag-uusap ay saka na nagpaalam si Dhen sa lahat. Tapos! As in exit.

Pagkaraan ng ilang saglit ay sinabihan ni haring Hero ang T-brothers na bukas nalang sila papasok sa lagusan. Kunsabagay, ginabi na rin sila dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Sa opisina naman ngayon ni Secretary Shin, parelax siyang umupo habang tinitingnan ang hawak niyang doodle radar, isa itong radar na nakakabit kay android Ju Lee Shin.

Makakatulong iyon para mamonitor ni J-mae Shin ang kanyang agent.

Sa kanyang nakikita, medyo may pagkabagal ang pag-usad ng kanyang agent. Akala niya na kapag nakapasok na sa lagusan ay siya ring paglabas nito pero hindi. Depende kasi sa layo ng lagusan, kapag malapit lang eh minuto lang ang bibilangin. Sa sitwasyon ni Ju Lee Shin, mukhang aabutin ata ng isang araw o higit pa kaya naman nadismaya si J-mae Shin. May pagkaatat din eh.

"Uy! Ano yan?" Boses ni Trams. Nagulat si Shin na may tao pala sa likuran niya... "Bagong games ba yan? Ang ganda ah. Bluetooth mo naman."

"Ano ka ba, hindi ito games no t'saka hindi mo rin to maiintindihan. Pangmatatalano lang ito no." Iwas ni Shin habang winawakli ang doodle radar kay Trams.

"Nagsalita ang genius." Nawalan ng interes si Trams at siya'y nagpatumbling tumbling palabas ng opisina at sinabing, "Hmmp! Damot."

*Genius talaga ako eh nautakan ko kayo eh* Sa isip ni Shin. "Kahit kayo pa ang binansagang 'T-brothers', matitinik at mahuhusay mag-imbestiga, pagdating sa'kin wala kayong panama." At ngumiti siya ng tulad sa manananggal sa palabas sa tv.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon