21. Kamote Magic Potion

173 1 0
                                    

( Wala sa plano ko na paabutin to sa ganitong chapter. Since hindi ko magawan ng ending tsaka maraming eksena pa ang dapat masettle, samahan nyo pa ako ng kunting panahon. Mga kanexus, pasensya sa tagal ng ending ha. )




Nagdiwang nga pala ang grupo ni Haru para sa ikinapanalo ng dalawang Mavs sa semi finals. Sayang nga lang natalo si Haru sa labang iyon. Mamaya na pala gaganapin ang grand finals. Ngayon palang ay kabado na sina Ranth at Transam.

"Kaya kaya natin to Bhie?" May pag-alinlangan na sabi ni Transam, "Mukha kasing malalakas ang makakatunggali natin eh."

"Umandar na naman yang kaduwagan mo Bhie." Sarkastikong pagkasabi ni Ranth, "Wala ka bang bilib sa sarili mo niyan?"

"A ano kasi, okay lang sa akin na hindi magiging kampeon mamaya... Kasi." Nilalaro ni Transam ang daliri niya habang sinasabi niya yun.

"Alam ko na!" Putol ni Iyrah sa usapan, "Ano kaya kung bumili tayo ng pampaswerte. Ano sa tingin nyo?"

"Magandang ideya yan Iyrah." Sang-ayon naman ni Haru.

""Pampaswerte?"" Nagkasabay sina Ranth at Transam.

"Hehehe." Ngiti lang naman si Iyrah.

At yun nga, sumakay sila ng kariton na Suzuki.

Kariton pala ang sasakyan na ginagamit ng mga tagaKamote City. Ang lugar kasi na iyon ay hawig sa Vigan na may makalumang istraktura na mga gusali. Pinagbabawal dito ang paggamit ng jeepney. At kahit malayo na sila sa kanilang lungsod ay dala-dala pa rin nila ang kariton na ito na pinahiram pa talaga ng kanilang Kamotekage.

Sila ay nagtungo sa alam na alam ni Iyrah na makakatulong sa kanyang mga kaibigan, ang tindahan ni Mary Joy. Nakilala ni Iyrah si Mary Joy dahil naging kaklase niya ito sa kursong pangkukulam o witchcraft.

Isa sa matunog nilang pinag-uusapan ay kung makakailang baby sila sa pamilya. Parang padamihan ng anak kumbaga sa pamamagitan ng mahika.

Kaso nga lang nag-iba ang taste ni Iyrah at nagshift nalang sa pagiging nurse. Pero magbestfriends pa rin naman sila kahit papano.

Nang makarating na sila...



Walang pinto yung tindahan ni Mary Joy kaya hindi nakapag 'knock knock, whos there' ang grupo.

Nakapasok silang apat sa tindahan.

Busy lungs ang peg ni Mary Joy sa dami ba namang customers sa kanyang tindahan. Pano kasi, ayaw niyang kumuha ng makakatulong sa kanya sa tindahan sapagkat mababawasan daw ang kanyang kinikita. Kuripot nga di ba. Bagay nga sa kanya ang tawaging 'Prinsesa ng pera'.

Oops! Bawal sabihin kung saan ito matatagpuan, baka dagsain pa ng mga customers to, mahirap nang sumikat... Pero heto ang clue, ang tindahan ni Mary Joy ay nasa bukid-bukid matatagpuan. Wag nyo ring pagtangkaang tanungin dahil alam nyo na kung ano ang isasagot nun...    Di ba Erick?

*sounds ni Erick -- tentenennentenen!!


"Ha-lungs!!!" Nagulat si Mary Joy nang kanyang makita ang mga bagong dating. Uban pa lang kasi ni Iyrah, makikilala na ito ni Mary Joy kahit sa malayo pa lang.

Awtomatikong pinapaalis ni Mary Joy ang kanyang mga customers kasi raw magsasara na siya. Sa bintana niya nilagay yung signage na "Sorry i close" ( mag-isa lang kasi siya sa tindahan kaya ganun yung nakasulat ).

Kaya ang natira na lamang ay sina Iyrah, Haru, Ranth at Transam.

"Iyrah-ko!!!" Bungisngis ni Mary Joy.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon