101. Kamote Purification

51 1 0
                                    

Habang naghihintay ang tatlo sa pagdating ni Doc Shineley, napansin ni Ranth ang pagkabalisa ni Brian...


"O, ba't kanina ka pa hindi mapalagay d'yan Brian.?. Kanina ka pa pabalik-balik ng lakad ah." Usi ni Ranth.

"May pakiramdam kasi ako na kilala ko ang doktor na ipapakilala sa atin ni Zaidac eh." May pakagat ng daliri pang nalalaman si Brian.

"Meow." Nasabi nalang ni Ranth.

"Kinikilabutan na ako sa iyo niyan eh." Sabi naman ni Zoro. Nakuha pa nilang pansinin si Brian sa kabila ng nakahiga sila pareho, "Matanong nga kita. Bakit ba hindi mo ginamit ang iyong pangalan nang kunin nila ang impormasyon satin?"

"Ah-oo nga pala," Napahinto si Brian at umupo sa tabi ni Zoro, "Bukod kay Roy ay kilala ko rin si Apo Marine. Ang pagkakakilala ko sa kanya ay isa siyang mabait na Seaman. Kwela rin paminsan-minsan, magaling siyang mag-ispanyol at matalino. Sa sobrang talino niya, namimis-interpret siya kung minsan ng iba. Bago ko nalamang siya pala ang utak ng kamote barrel scam, gusto ko sana siyang pagsabihan na ibalik yun kaya lang, lumaki ang naging away nila ni Haring Hero. Nalaman nalang namin bigla na wala na siya sa Kamote Kingdom at nagtayo ng palasyo na siya ang hari. Kamakailan lang din napag-alamang nasa Kalayaan Islands ang kanyang kaharian at ito yon." Kuwento ni Brian.

"Hindi ko pa siya nakikita kahit kailan." Sabi naman ni Ranth. "Ano palang hitsura niya Brye?"

"Kuan, uhn, ah, basta."

Ranth: ' . '

"Di ba may gusto kang sabihin sa'kin kanina? Ano nga ba yun?" Si Zoro ulit. Hindi na makasagot si Brian nang dumating na si Zaidac kasama nito si Dr Shineley...

"Narito na pala ang doktor na sinasabi kong maggagamot sa inyo, si Dr. Shineley." Pakilala ni Zaidac sa mga bida.

Nang makita naman ito ni Brian, hindi nga siya nagkamali dahil kilala niya ngang talaga ito. Subalit, binigyan lang siya nito ng normal na tingin na parang ngayon lang sila nagkita o nagkakilala. Biglang nabasag ang katahimikan nang magsalita si Ranth...

"P-parang nakita na kita sa Tv. Ikaw ba yung-" Hindi na natuloy ni Ranth ang sasabihin dahil inagap na yon ng doktor saka nagbigay ng kumento.

"Ayokong patagalin ang gamutan dito Zai, baka makita tayo ng mga kaisdaan dito at mahuli pa nila ako." Balisa si dok Shineley na parang natatakot.

"Kargo naman kita eh kaya huwag ka ng matakot." Sabi naman ni Zaidac. Kaagad namang tiningnan ni Dok Shine ang dalawang pasyente at sinuri.

"Grabe ang pinsala ng lalaki habang yung babae naman ay nagtamo lang ng minor injury." Paunang salita ni Dok Shine, "Ang kaso sasailalim pa sila sa ilang test kung may napinsala bang organ. Ang proseso ng gamutan ay aabot ng tatlong araw sa babae at dalawang linggo naman sa lalaki o higit pa."

"Kung ganun pala, tatagal kami rito at sasaktan na naman ng paulit-ulit? Ayokong mangyari ulit yon." Halatang may galit yung boses ni Zoro habang nakatingin sa kisame.

"Meron ba kaming mapagtataguan habang magpapagaling?" Si Ranth.

"Sa kasamaang palad, wala. Walang ligtas na lugar para sa inyo sa loob at labas ng palasyo." Malungkot na sinabi ni Dok Shine. "Ang gagawin ko lang ay gamutin kayo at pagkatapos, umalis na kayo, bahala na kayo kung saan kayo na magpunta basta huwag dito."

"Te Shine..." Sabi ni Brian. Sandaling tumingin si Dr Shineley sa kanya saka bumuntunghininga.

"Sisimulan ko na silang gamutin. Zai at Ralph, kayo ang magiging assistant ko." Yun ang sinabi ni Shine since wala namang ibang tao sa lab upang umaseste.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon