Kamote Nexus movie
K3U music effects: (surprise tone) shing shing...
"Alert, alert! May mga tao sa labas Colgate.!." Ang sabi ng isang bantay na nakamasid sa monitor.
"I-zoom in mo para makita natin kung sinu-sino ang mga pangahas na yan." Utos ni Colgate na kumakain pa ng biskwit. Sinunod naman yon ng bantay at saka namang lumitaw ang mga naglalakihang mukha ng mga taong tagalabas. Sa kanyang nakita, napalaki ang kanyang mga mata sa pagkabigla pero di naman gaano. Napansin naman ito ni Abetta.
"Namumukhaan mo ba sila Colgate?" Natanong ni Abetta.
"Kilala ko silang lahat, mga mag-aaral din sa Blaast School ang mga iyan lalung-lalo na sa isang kasama nila, si Rhay. Ang hunghang na iyon, siya ang nagturo sa Kamote Club kung saan ko kinukuta ang spaceship! Isa siyang traydor!" Sagot ni Colgate na naiinis na.
"Nadagdagan na pala ang mga nakakaalam ng kuta natin. Kung gayun, may susunod na namang pag-eeksperimentuhan ang mga scientist mo." Ang sabi ni Abetta nang nakangiti.
"Huwag na. Hindi ko kailangan ng mga tulad nila. Masyado ng maliit ang silid para sa kanila." Bitter na bitter ang pagkakasabing iyon ni Colgate.
"Colgate, masdan mo kung ano ang ginagawa nung isa sa kanila!" Ang sabi ng scientist.
"Oo, hindi ako bulag, nakikita ko sila ng malinaw." Napagbuntungan tuloy ni Colgate ng inis.
Sa kinaroroonan ng grupo ng prinsepe.
Sila ay nasa tapat na ng malaking gate gaya ng itinuro sa kanila ni Rhay. Nakasara ang gate at alam na nilang sa mga oras na iyon ay pinapanood na sila ng nasa loob ng gusaling iyon. Malamang na sa mga sandaling iyon di'y naghahanda na si Colgate para salubungin sila. Ang una nilang ginawa ay...
"Mga kasama, mag-ingat tayong lahat dahil may nararamdaman ang golden kamote ng malawak na kamote essence dito sa paligid." Ang sabi ni Prinsepe Jazz habang hawak-hawak ang kanyang golden kamote. Tumango naman sa kanya ang mga ito.
"Oh Diyos ko! Kamote essence? Ano ang ibig sabihin nun?" Natanong ni Rhay.
"Wala ka sa posisyon para itanong yan Rhay at wala rin kaming dahilan para ipaalam sa iyo yon." Tulin na pagkakasagot ni Shin habang minamasdan ang gagawin ni Prinsepe Jazz. Natahimik naman si Rhay sa kanyang sinabi.
"Golden kamote, gawin mo na ang parte mo." Utos ni Prinsepe Jazz sabay angat sa golden kamote. ( ito yung eksena na napanood ng lahat sa loob ng gusali )
"Anong bagay kaya yung hawak ni Jazz?" Ang tanong ni Colgate.
"Panoorin nalang natin." Sagot naman ni Abetta.
Ang golden kamote ay nagliwanag. Ang sinag na nilikha nito ay bumalot sa buong gusali sa kanilang harapan. Paraan ito para itago sa kalapit na mga lugar ang mangyayaring laban.
"Sa ngayon ay tayo nalang ang makakakita sa gusali na ito; hindi mapapansin ng sangkatauhan ang gusali, ingay at iba pang magaganap na pagsabog. Maaari tayong makapasok nang walang bumabalakid sa pamamagitan ng ating kamote crest kaya huwag kayong mangamba. Rhay, dumito ka lang sa kinatatayuan mo. Hintayin mo kami na makalabas dito." Ito ang mga salitang lumabas mula kay Prinsepe Jazz. Lumitaw ang kanyang ugaling prinsepe.
"Nasa sa iyo ang pagsunod ko. Nawa'y gabayan kayo ng Maykapal sa inyong lakad." Yumuko si Rhay bilang paggalang sa kausap.
"Mga kasama, pumasok na tayo." Sa hudyat naman ni Prinsepe Jazz, silang lima ay tahasang pinasok ang gusali nang hindi lumilikha ng ingay. Tumagos lamang sila sa mga pader na sumasalungat sa kanilang dinadaanan. At sa sandaling iyon ay manghang-mangha ang mga kamote sa natamo nilang kapangyarihan.
