33. The Real Golden Kamote

138 2 1
                                    

Bumalik sa palasyo ng Isda si Death dala-dala ang golden kamote. Sinalubong siya ng mga tao roon. Nagkaroon ng malaking salu-salo dahil sa kanyang pagkatagumpay.

Ang mga handa ay lutong isda lahat. Iba't ibang klaseng putahe ang nandun.

Tumikim muna siya ng ilang pagkain at nakipagkwentuhan sa kanyang Smartnet friends. Panay pa add ang laging bukambibig niya sa mga ito.

Maya-maya lang ay dumating na si Gwapong Marine, nakasuot ng captain uniform.

Mahalagang okasyon kasi ang isinagawa niya para sa tagumpay ng tapat na alagad.

Pagkatapos, ginawaran niya si Death ng Isda emblem, ang counterpart ng golden kamote medal ng Nexus.

Masayang tinanggap ito ni Death. Hanep din siya ha, meron na siyang dalawang mahalagang award sa dalawang kaharian. Ibang klase ka Death.


"Maaari ko bang makita ang golden kamote nila, Death?" Ang sabi ni Gwapong Marine pagkatapos ng kanilang salu-salo.

"Narito na po bosing :imp: :joy: :whale:" Masiglang pagkasabi ni Death. Ibinigay niya na ang golden kamote sa kanyang bosing.

"Ito pala ang golden kamote." Kita sa mukha ni Gwapong Marine ang kasiyahan, "Ang natitirang pag-asa ng mga Kamote na makabangon sa kahirapan ay wala na. Hahahaha!!!.!!!."

Lumapit si Prinsesa Maricon sa dalawa. Binati niya si Death sa pagkatagumpay sa kanyang misyon. Nagagalak din si Death sa tinamong kasikatan.

"Amang ari, gusto ko pong awakan ang golden kamote." Naglalambing na sabi ni Prinsesa Maricon.

"Oh heto anak." Sabi ni Gwapong Marine.

"Wow! Ang lambot po ng golden kamote na ito." Sabi ni Prinsesa Maricon sabay pisil sa golden kamote. Parang meron siyang napansin,"Bakit parang may mali ata sa golden kamote, Deat."

"Anong ibig mong sabihin, mahal na prinsesa :smirk: ?" May pagtatakang tono ni Death.

Ginulung-gulong muna ni Prinsesa Maricon ang golden kamote saka inamoy. Kakaibang amoy... Hindi kamote pero pamilyar sa pang-amoy niya. Nagpaalam muna siya kay Gwapong Marine kung pwede niyang balatan ito. Tumango naman ang kanyang ama. Dahan-dahang binalatan ni Prinsesa Maricon ang golden kamote. Nakatutok sa kanya sina Death at Gwapong Marine. At ang natuklasan ni Prinsesa Maricon ay...

"Teka, indi balat to ng kamote a, plastic foil lang po ito e." Sabi niya, pagkuwa'y tumambad sa kanilang tatlo ang laman ng nasa loob ng gold na foil.

"""Y E M A?"""

Patay na! Hindi pala golden kamote ang ibinigay ni Shin kay Death kundi isang yema lang pala!!! Napakamautak talaga ni Shin, naisahan niya si Death.

Nagsalubong ang makakapal na kilay ni Gwapong Marine, kinuha ang yema kay prinsesa Maricon saka ibinato niya kay Death. Nailagan ni Death.

"Bakit ka umilag!" Galit na siya.

"Babatuhin mo kasi ako. :wink:" Yumuko si Death.

"Pulutin mo nga! Ibabato ko ulit sayo. Take two tayo ha. Wag ka ng umilag..." May halong pananakot sa boses ni Gwapong Marine.

Pinulot naman yun ni Death. Natuong sa poopoo pa ng kalabaw bumagsak ang yema. Pikit mata niya yung kinuha tsaka binigay kay Gwapong Marine. May gwantes naman ang hari kaya hindi siya nandiri. At yun, tumama sa ilong ni Death ang yemang may poopoo. Naghalo tuloy sa pang-amoy niya yung yema at poopoo.

"Akala ko pa naman hindi ka katulad ni Zhero... Mga wala talaga kayong silbi!!!" Sa galit ni Gwapong Marine, tumalsik kay Death yung laway niya.

Pigil naman ang tawa ni Prinsesa Maricon sa nakita.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon