140. The Will Of Kamote

4 0 0
                                    

Kamote Nexus movie


Erick sound effects: tenenene tenenene nene


Sa kalagitnaan ng labanan sa pagitan nila Abetta at Colgate at ng Kamote Club ay may biglang pumigil sa kanila na galing sa itaas. Ang may kagagawan nito ay isang spaceship di umano ayon sa mga alien na ikinagugulat pa ng mga tao sa kwento.

"For real? Isa na namang spaceship?" Di makapaniwala si Shin. Silang lahat ay hindi pa nakakakita ng lumilipad na spaceship.

"BWAHAHAHAHA! Sa wakas, nandito na sila... BWAHAHAHAHA!" Malaki ang pagtawang nilikha ni Abetta.

"Panibagong sigalot na naman ito!" Mahinang sambit ni Colgate habang nakatingin sa di maipintang mukha ni Prinsepe Jazz.

( Sa labas ng building )

"Bakit may isa pang spaceship ang naparito?" Takang tanong ni Brian sa kanyang mga kasama. Pansin niyang parehong nagulat at kinabahan ang dalawa, "Sabihin niyo, ano ba ang nangyayari rito?"

"Bago ko sagutin at maunawaan mo Brian, hayaan mong makapagtago na muna kami ni Mogamma sa loob mo." Mahinahong sabi ni Tedeltha kahit bakas na ang kanyang pagkakaba.

"S-sa loob ko? A-anong-?" Hindi na matuloy ni Brian ang sasabihin dahil nagmadali nang pumasok sa katawan niya ang dalawang alien upang makapagkubli. Pambihirang kakayahan na nagagawa lamang ng mga alien. At nang makapasok na sa katawan ang dalawa, mga boses na lamang nila ang naririnig ngayon ni Brian...

"Ang spaceship na naparito ngayon ay pag-aari ng aming superior. Apat na beses ang laki niyan kumpara sa spaceship namin." Paliwanag pa ni Tedeltha.

"Kasamahan niyo pala ang nandun eh pero bakit pa kayo nagsitagong dalawa sa akin?" Takang tanong ni Brian.

"Wala na kasing ibang lugar na pwedeng pagtaguan Brian dahil nasa mismong paanan na tayo ng spaceship na iyon." Ang sagot naman ni Mogamma. "Marahil sa mga sandaling iyon ay inii-scan na nila ang paligid at kabilang ka na roon. Pero huwag kang mag-alala, andito naman kami para alalayan ka. Saka nalang namin ipapaliwanag ang lahat kapag nalusotan na natin ito."

"Mogamma, humanda ka na, bumukas na ang entrada ng spaceship!" Sabi ni Tedeltha. Natahimik naman si Mogamma habang si Brian naman ay walang alam kundi ang maghintay sa mangyayari. Maging siya man ay nabigla rin sa pagsulpot ng mga ito.

Gaya nga ng sinabi ni Tedeltha, may lumuwa ng kung anong anino ang nasa itaas sa kalangitan. Ito pa lang ang nakikita ni Brian pero hindi pa malinaw. Pagkaraan ng ilang saglit, pababa na ito ng pababa at palinaw ng palinaw din sa paningin ni Brian. Kitang-kita niya ang imahe ng isang alien na tulad ni Mogamma ang hitsura ngunit mas mataas pa ito at mas may laman. Nakaramdam ng takot si Brian pero pinaaalalahanan naman siya ng kaibigang alien na huwag magpadala sa takot. Ang alien na ito ay pababa mula sa kinatatayuan ni Brian. Sa isang iglap lamang ay nasa mismong tapat na ito kay Brian at saka lumapit. Napaatras ng kunti si Brian.

"S-sino ka?" Tanong ni Brian na nagkukunwaring hindi natatakot sa asiwa nitong hitsura.

"ajt uwutto jqher" ( Isa kang kakaibang nilalang na nakikita ko sa buong buhay ) Dahil hindi ito maintindihan ni Brian, nagpatulong siya sa kaibigang alien.

"Binabati ka lang niya Brian." Naitranslate naman ni Tedeltha kahit di tugma. Nakatingin si Brian nang nakataas ang ulo, masyado kasing mataas ang alien na nasa harap niya.

"Ito ang unang beses na nakakita ako ng isang gwapong nilalang na katulad mo." Pagsisinungaling naman ni Brian. Sa salitang kanyang ginamit, kaagad na nirecord ng alien ang mga salitang iyon hanggang sa malaman niya na kung ano.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon